"PUTANGINA naman, Canna! Ang bagal-bagal mo! Pasalamat ka talaga at naawa ako sa iyo! Kung ba't ka ba naman kasi nagpabuntis e! Ang landi-landi mo kasi. Nagpatira ka agad tapos ngayon? Ano? Nga-nga!" panenermon ni Aling Orabella sa akin, ang may ari ng pinapasukan kong restaurant dito sa Baguio.
I just pursed my lips and stopped my tears from falling. Napahawak ako sa siyam na buwan kong tiyan habang nakikinig sa panenermon niya. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa aking tiyan. My tummy is bigger than the usual size and it's super heavy. It's also hard to move before of how big it is and I am always in pain but that's fine.
I closed my eyes before breathing deeply and continued smiling despite the heaviness in my heart.
Bigyan niyo ng lakas si Mommy please. Kayo lang ang lakas ko.
Gusto kong umiyak sa hirap pero wala akong magagawa. I need to do this to survive. I opened my eyes before looking at my surrounding and appreaciating it instead.
Hindi naman gano'ng kalakihan ang restaurant na pinapasukan ko at may pagkaluma na rin pero marami ang dumadayo rito para sa specialty ni Aling Bella. Hindi maitatanggi na sikat ang lugar dahil marami na rin akong nakitang mga dayuhan na pumupunta rito para matikman ang mga putahing inaalok namin.
I am currently working as a waitress here. Pasalamat ko na rin na hindi niya ako pinapalayas dito. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung sakaling pinaalis niya ako.
Kung hindi ko lang kailangan ng pera, matagal na akong umalis dito pero malaking tulong ang sinasahod ko rito para sa pangangailangan ko araw-araw.
Malaking pera pa ang kakailangin ko para sa panganganak ko. I am supposed to rest since my due date is near but I need to work. I don't have someone to support me if I'm gonna give birth. Kailangan ko ng pera. Kailangang-kailangan. I need to earn and save money for my children, for their needs, their food, their clothes, and a lot more.
"Oh hala sige na at pumunta ka na ro'n. Ayon, 'yong lalaking naka-itim. Puntahan mo tapos itanong mo kung anong order," sabi ni Aling Bella sa akin pagkatapos niya akong murahin at insultuhin nang paulit-ulit.
Inignora ko na lang ang lahat ng iyon at tinignan ang tinuro-turo niyang lalaki na nakapuwesto sa gilid ng maliit na kainan niya.
I nod at her before sighing and slowly walking towards the man sitting on the corner. Narinig ko pa ulit na nagsalita si Aling Bella noong nakita niya akong mabagal na naglalakad pero kinuyom ko na lang ang aking kamao at pinigilan ang maiyak.
Hindi ko mapigilan ang muling alalahanin ang nangyari sa buhay ko sa lumipas na panahon. A lot of things changed. A lot of things happened. My life was ruined. My future was taken away from me. My life was fucked up.
Akala ko tapos na ang kalbaryo ko sa buhay simula noong makikilala ko siya at tapak-tapakan niya ang pagkatao ko pero kala ko 'yon lang.
Two months after that incident, I found out that I was pregnant.
Akala ko normal lang iyong pagsusuka ko tuwing umaga. Ang pagkahilo ko tuwing nasa klase ako. Ang mga mood swings ko. Hindi ko masyadong pinansin ang mga iyon dahil kampante ako na walang magiging bunga ang gabing iyon kaso, isang araw, bigla na lang akong nahilo habang nasa klase. Pagkagising ko, nasa clinic na ako at nakatingin lang sa akin ang nurse.
She asked me if I have a boyfriend and I told her that I'm not seeing anyone. Then her expression changed before telling me the news that I am two months pregnant. Doon na unti-unting gumuho ang mundo ko.
Dahil sa kagustuhan kong itago iyon sa pamilya ko, dahil ayaw kong itakwil nila ako, I did thought of stopping the life inside me but when I tried to get rid of it, I stopped and just cry while hugging my stomach.
BINABASA MO ANG
Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓
General FictionC O M P L E T E D W A R N I N G: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. (DE AZARRO SECONDO) Virginity is one of the greatest gifts a woman can give her husband. That is what Calixta's parents told her but due to the influence of alcohol, she accide...