04

610K 17.7K 23.9K
                                    

"DAVY ko, punta pa tayo ro'n oh!" Lury said before pointing another store. I rolled my eyes before sighing. Napatingin ako sa store na 'yon at nakita ko ang letrang H at M.

Matalim ang binibigay kong titig sa likod ni Lurusus at Aadavan na nasa harapan ko. Nakalingkis ang baklang ito sa boss ko at kung saan-saan na lang dinadala.

At nandito naman ako sa likod, nakasunod lang sa kanila at taga bitbit ng binibili ni bakla. Nasa anim na bag lang naman ang hawak-hawak ko samantalagang nasa mahigit sampong bag ang hawak-hawak ni Aadavan.

At si Lurusus? Ayan. Señorita ang asta. Ni wala manlang hawak ni isa. Buti nga hindi siya inuupakan ni Aadavan. Maybe Aadavan is just considerate about their friendship. Ilang taon na rin silang hindi nagkita. Maybe he's pampering Lury because they haven't see each other for a while.

"Hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo nag-iikot," nababanas na sabi ko.

Maarte akong nilingon ni Lury at nginisihan bago napatingin sa hawak-hawak kong shopping bags at muling bumalik sa aking mukha ang kaniyang mga mata.

"Alam mo bila---" I widened my eyes at him and he chuckled playfully. "I mean dear, ngayon lang 'to 'no. Syempre susulitin ko na habang nakasama ko pa si Davy ko. Ngayon lang siya nagkaroon ng time sa akin e."

Takot ka lang na baka maagaw ko siya sa 'yo kaya tudo bantay ka!

Inirapan ko siya ng bonggang-bonga. Kung hindi ba naman kasi siya nanghila 'di sana wala ako rito ngayon!

After the meeting, it's Aadavan's lunch break and Lury asked him to go out and spent his free time shopping. I was about to go to the cafeteria to get some food but Lury tagged me along without any reason. Tapos ito ako ngayon, taga hawak ng mga shopping bags ng baklang ito! Bwesit!

Habang abala sila sa pagtingin sa mga shops, I stopped when I felt my feet starting to feel numb. Saglit akong tumigil at nilagay muna sa sahig ang mga shopping bags. I stretched my feet a little. Inikot ko ang magkabilang paa ko ng limang beses. Inalis ko na rin ang suot kong sandal at tinignan ang paa ko. Namumula ang aking mga daliri sa paa at mukhang may sugat pa.

Hindi ko namalayan na huminto pala silang dalawa at tumingin sa akin. I just jerked when someone hold my arms.

Agad akong napatingin sa kung sino iyong humawak sa akin at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aadavan.

"Hey, are you okay?" he asked, concerned.

Maliit akong ngumiti sa kaniya. "Oo okay lang naman ako. Medyo masakit lang 'yong paa ko pero carry lang," I said before chuckling.

Aadavan just seriously stared at me without any humor. I stopped chuckling before clearing my throat and unconsciously looking at Lurusus who's quietly watching us from a far. Iniwan pala siya ni Aadavan para daluhan ako. Napansin kong nakapako ang kaniyang mga mata sa braso kong hawak-hawak ni Aadavan.

I can see how his forehead furrows a little. Kumipot rin ang kaniyang mapulang labi. When he felt that someone was staring at him, his eyes shifted and our eyes met. Mainit ang kaniyang titig at pakiramdam ko matutunaw ako. My eyes widen a bit and I can feel the swift beating of my heart.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at sinuway ang sarili.

Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kaya ang kaniyang mga titig. Pakiramdam ko bibigay ang aking tuhod sa klase ng tinginan niya. 

"Lury, kain muna tayo," Aadavan uttered beside me. "Canna's feet hurts, pagpahingain muna natin siya."

Lurusus didn't say anything. Kaya naman nag-angat ako ng tingin at gano'n na lang ang pagkataranta ko noong naglakad siya papalapit sa amin habang titig na titig sa akin. Nahigit ko ang aking hininga noong huminto siya sa harap ko at saglit na tumitig sa akin ng diretso. Seconds later, he bowed down before grabbing the paper bags lying on the floor.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon