12

667K 18.8K 22.4K
                                    

KUMATOK ako sa pintuan ni Aadavan. Noong marinig ko ang permiso upang pumasok, dahan-dahan kong itinulak ang malaking pintuan bago pumasok.

Nakita ko siyang naka-upo habang tutok na tutok sa kaniyang pagtitipa sa keyboard.

"Andito na ang lunch mo, Sir," wika ko bago nilagay sa kaniyang mesa ang kaniyang tanghalian.

When I saw that it's already near twelve, I went down on the cafeteria and ordered his lunch for today. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape na palagi niyang hiningi pagkatapos niyang kumain. Alam ko naman na makakalimutan niya na naman kumain dahil sa sobrang busy siya.

He took a quick glance at me while still typing something before nodding his head.

"Thank you, Canna. Puwede mo ng iwan diyan sa mesa. You may also take your lunch," saad niya.

Hindi na ako nagsalita bago nilagay sa mesa niya ang hawak-hawak kong tray na puno ng paborito niyang ulam na ginataang gulay at kare-kare.

I made sure that his desk was clean and there was no paper near his food.

Napakunot na lang ang noo ko noong makita kong bumukas ang cellphone niyang nakalagay sa mesa at parang may tumatawag sa kaniya.

I looked at Aadavan but he doesn't seem to care. Muli akong napatingin sa telepono niya na patuloy sa tahimik na pag-ring.

Did he turn his phone into a silent mode?

I looked at Aadavan once again before clearing my throat to catch his attention. Successfully, he looked at me.

"Why?"

I hesitantly point his phone. "May tumatawag yata sa 'yo," sambit ko sa kaniya.

He averted his eyes from me before looking at his phone on the desk. Kinuha niya iyon bago tinignan kung sino ang tumatawag at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang saglit na pagtiim ng bagang niya. He declined the call before putting his phone on the pocket of his tuxedo.

"It's okay. Pwede ka na umalis," he casually said before returning his attention to the computer in front of him.

I wanted to ask about the caller but I don't have the right and he seems off this day. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango bago tumalikod. I made my way towards the door and exited. I finally let out the breath that I am holding and sighed in relief.

Talking to him and even giving him food like I usually do back then is very difficult to perform now.

Kahit na anong gawin ko, hindi ko na talaga maalis ang namuong pader sa pagitan naming dalawa.

Napaupo na lang ako sa upuan ko at napatitig sa computer sa harap ko.

It's been a weeks since I started working again. Noong halos hindi ako makalakad, hindi ako pumasok ng isang linggo at nagpahinga lang sa bahay.

I recovered after another week and thankfully, I was able to work again as Aadavan's secretary.

I have last seen Lurusus two weeks ago. Wala na kaming naging komunikasyon pagkatapos no'n. He didn't even text or call me. Wala rin akong naririnig kay Aadavan tungkol sa kaniya.

Hindi na siya nagparamdam pagkatapos no'n at naiinis ako sa sarili ko dahil umaasa akong ko-contact-in niya ako kahit papaano at itatanong kung anong kalagayan ko.

Sa bawat araw na nagdadaan sobra ang disappointment na nararamdaman ko at hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Hindi ko ba alam. I can't explain it.

It's like I am craving for Lurusus' presence and I hate myself for it.

I sighed before closing my eyes and leaning on the headrest of my chair. I need rest rather than food.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon