A/N: can't update tomorrow and on Sunday so here's an early update.
Dedicated to: kwin_taehyung, _itseam, Angelic_vian202, rocyiant
Sharawawt to: CrystalSalvador and Zarnaih234~*~
⚠️WARNING: BLEACH AREA. READ AT YOUR OWN RISK. DADDY IS WAVING.⚠️
KASALUKUYAN akong nagluluto ng ulam namin noong mabilis na pumulupot sa tiyan ko ang kamay ni Lurusus at naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko ng ilang beses.
"Lurusus, stop that. May ginagawa ako," saad ko sa kaniya.
Pero kahit na anong salita ko sa kaniya hindi siya tumigil sa ginagawa niya at napasinghap na lang ako noong naramdaman ko ang basa niyang dila sa balikat ko at sa aking leeg.
I chuckled. "Lurusus, nakikiliti ako."
He hummed as he stopped licking my shoulder and neck. Idinantay niya na lang ang kaniyang ulo sa aking balikat at sumunod sa bawat galaw ko. Hindi ko tuloy mapigilan alalahanin ang nangyari dati noong may sakit siya at inalagaan ko. He's also like this. He clung to me like his life depends on it.
I smiled softly before continued cooking. Nagluluto ako ngayon ng adobo dahil iyon daw ang gusto niyang ulamin. I was actually the one who invited him over my house, to the house that he gave me.
I have something important to say to him today.
Nagbabalak akong sagutin siya ngayong gabi.
He started courting me more than a month ago and I saw all his efforts. Kahit na hindi pangkaraniwan ang mga regalong binibigay niya sa akin, natutuwa pa rin ako.
Sinabi niya rin sa'kin 'yong ibig sabihin ng numbers na sinend niya. Ibig sabihin daw no'n ay 'I miss you'. If you are going to type 'I miss you' in a keypad it will be 44464447777777799966688.
Hindi niya alam kung paano ko pinigilan ang sarili kong kurutin siya sa pisngi dahil doon. It's so sweet.
Paminsan-minsan din, kinokonsulta ko siya sa tuwing hahanap ako ng mga ireregalo ko sa mga anak namin. Hinahayaan kong siya ang pumili ng mga gamit na ibibigay ko sa mga 'inaanak' ko kuno.
Nagpapasalamat na rin ako at hindi siya masyadong nagtatanong kapag inaaya ko siyang bumili. Basta kapag sasabihin kong para sa mga pamangkin ko iyon, mabilis naman siyang pumapayag at hindi nagrereklamo.
Crystel is also good at taking good care of my children. Napamahal na iyong tatlo sa kaniya at kitang-kita ko naman kung gaano siya kaalaga at kabait sa kanila. I'm glad that I took her in. She's such a lovely person.
Kaso palagi pa rin siyang tinatanong ni Calina kung bakit panlalaki ang mga damit niya. Kesyo bakit daw malaki ang t-shirt niya, malaki ang hoodie at kung ano-ano pa. Buti na lang at hindi nagsasawang ipinapaintindi ni Crystel ang dahilan niya.
The triplets are doing fine. Mas lalong naging makulit at madaldal si Calina. Napapansin kong medyo hindi na madalang magsalita si Caius at si Callum, ayon conyo pa rin.
Kanina, sinabihan ko silang hindi ako makakauwi at naintindihan naman nilang tatlo iyon. Na-guilty na lang ako dahil sinabi kong may trabaho akong gagawin kaya hindi ako makaka-uwi pero ang totoo kasama ko talaga ang tatay nila.
"Aren't you done yet?" bored niyang tanong.
"Ito na malapit na," wika ko sa kaniya bago tinakpan ang kaldero.
BINABASA MO ANG
Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓
General FictionC O M P L E T E D W A R N I N G: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. (DE AZARRO SECONDO) Virginity is one of the greatest gifts a woman can give her husband. That is what Calixta's parents told her but due to the influence of alcohol, she accide...