29

677K 15.5K 38.4K
                                    

TAHIMIK kong inoobserbahan ang pamilya ni Lurusus habang nasa hapag kainan kami. Napalabi na lang ako noong lahat sila ay pasulyap-sulyap sa tatlo na maganang kumakain sa pagitan namin ni Lurusus.

There was amusement written in their faces. Hindi rin sila makapagsalita at para ngang walang balak kumain kanina. They are just looking at the triplets. Literally. Lalo na si Tito Lorencio, kanina niya pa tinititigan ang tatlo na para bang hindi makapaniwala sa nakikita pero may iba sa kaniya at hindi ko iyon matukoy. Kung hindi lang siguro siya tumikhim kanina, hindi pa gagalaw ang mga taong nasa mesa para kumain.

Katabi ko si Caius at katabi ni Caius si Calina. Katabi naman ni Calina si Callum at katabi ni Callum si Lurusus. I am feeding Caius while Lurusus is alternately feeding Callum and Calina who looks very jolly as their father feeds the both of them. Pansin ko ang pagsulyap-sulyap ni Caius sa kaniyang ama pero noong nakita niyang lihim ko siyang inoobserbahan, huminto siya sa pagsulyap sa Papa niya.

I glance at Lurusus. Mukhang napansin niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Come here," I mouthed at him. "Feed Caius."

Dumaan ang pag-aalala, pag-aalinlangan at takot sa kaniyang mga mata pero maya-maya ay tumango siya sa akin. Napangiti ako bago tumayo mula sa aking upuan. Gano'n din ang ginawa ni Lurusus at nagpalit nga kami ng puwesto.

Pagka-upo ko pa lang sa upuan, mabilis na nagtanong sa akin si Callum.

"Mama, why po kayo nagpalit ni Papa ng seat?"

"So that he can feed Kuya Caius," sagot ko sa tanong niya.

Tumango-tango naman si Callum bago itinuloy ang pagnguya sa kaniyang pagkain. Marahan akong ngumiti bago sumulyap sa pwesto ni Lurusus at Caius. There's the awkwardness floating around Lurusus like he doesn't know how to approach his son. He nervously look at me when Caius look down and didn't bother to look at him.

I pulled out a tight smile before nodding at him, silently saying that he can do it. Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple ni Lurusus bago niya itinaas ang kaniyang kamay bago dahan-dahang hinaplos ang buhok ni Caius.

Medyo napaigtad ang bata pero wala naman na siyang naging ibang reaksiyon bukod doon. Ilang segundo pa hinaplos ni Lurusus ang buhok ng anak hanggang sa masanay si Caius sa haplos ng kaniyang tatay at maging komportable rito.

"Papa will feed you okay?" Rinig kong sabi ni Lurusus.

Nahihiyang tumango si Caius. "O-Okay po..."

Nakita ko ang pagngiti ni Lurusus bago pinakain si Caius ng dahan-dahan. Matiim niyang pinapanood ang anak habang kumakain at kapag nakikita niyang tapos na sa pagnguya si Caius, muli niya itong susubuan at naririnig kong sinasabihan niya ito ng 'very good' o 'di kaya ay 'good boy' kapag sinusubo nito ang pagkain.

Parang may humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan si Caius. He was just staring at his father but I can see how he appreciates his father and I know that he is happy. I saw how Caius' eyes twinkled in delight as his father continued to feed him.

"Mama, food ko po."

Bigla akong napatingin kay Callum at nakita kong nakanganga na siya. I chuckled before scooping some food and feeding him. He giggled after closing his mouth and began to chew his food. Si Calina mukhang may sariling mundo at siya na ang kumakain mag-isa. Buti na lang talaga at dinala ko ang bibs nilang tatlo.

I accidentally looked across the table and I saw Lorcan looking in my direction, or rather not. Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko si Crystel na magiliw na kumakain. She's enjoying the food to her heart's content.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon