02

723K 18.7K 28.7K
                                    

This chapter is dedicated to chelseaobin
❤️❤️❤️

~*~

"THANK you sa pagbabantay sa mga bata, Latina," pasasalamat ko sa kapitbahay kong dalagita.

Not really kapitbahay since she's staying at the beautiful house at the top of the hills. We met each other when it was her first time visiting here. Medyo nawala pa siya dito sa Baguio kaya ako ang tumulong sa kaniya and we become friends.

Despite knowing each other for only five days, we probably know each other like we have been friends for years.

Ngumiti siya sa akin kaya naman lumabas ang dalawang malalim na biloy niya sa magkabilang pisngi.

"Walang anuman, Ate Canna, wala rin naman akong ginawa e. At saka ang cute kaya ng mga anak mo. Feeling ko nagpra-practice na rin ako kung paano maging nanay," aniya at mahinang humagikhik.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Mag-aral ka muna ng mabuti, Latina. 'Wag mo akong gayahin ha? Hindi nakapagtapos at dalaga pa pero may mga anak na. Pursue studying, reach your dreams and after that, if you already feel contented with everything, find a man who can love you more than himself."

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagningning ng kaniyang mata sa huli kong tinuran. Agad ko namang nahulaan kong ano...sino ang iniisip niya.

"So how's your suitor? Pinapahirapan mo pa rin ba?" tanong ko sa kaniya at nagpigil ng ngiti noong nakita ko kung paano siya nag-react sa sinabi ko.

She averted her eyes from me before pouting. The light in her eyes suddenly vanished and all I can see was sadness. She heavily sighed.

"Wala pa po kasi sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend agad, Ate Canna," aniya sa mahinang boses. "Baka magalit sila Itay at Inay. May pinapaaral pa akong mga kapatid. Sa akin umaasa ang pamilya ko."

Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kaniya. In a very young age, she was able to taste how cruel the world is. Pasan-pasan niya sa kaniyang balikat ang buo niyang pamilya. Luckily, a good, powerful and a very reach multi-billionaire business tycoon accepted her to be a temporary secretary despite of her age and status.

"So how's your job? Maayos ba ang pakikitungo sa 'yo ng boss mo?"

Tumingin naman siya sa akin bago ngumiti. "Oo naman, Ate Canna. Ang bait-bait nga nila sa akin e, pati 'yong asawa niya. Doon ko lang nalaman na hindi talaga lahat ng mayaman ay matapobre."

"Hindi ka naman nahihirapan doon?" tanong ko sa kaniya.

Mabilis siyang umiling sa akin. "Hindi naman, Ate Canna. Sa sobrang bait ng boss ko parang gusto kong mahiya kasi hindi naman ako full time na pumapasok tapos ang laki-laki ng binibigay niyang sahod sa akin. Tignan mo nga at pinayagan pa akong bumisita rito sa Baguio at pinagamit pa ang rest house nila sa akin."

Napangiti na lang ako. "Hulog ng langit 'yang boss mo," sambit ko sa kaniya.

"Oo nga, Ate Canna," aniya pero maya-maya ay ngumisi siya ng nakakaloko sa akin bago tinaas baba ang kaniyang kilay. "Andito na naman 'yang si lover boss ah."

I chuckled at her. Lover boss and tawag niya kay Aadavan.

"He's just visiting the kids."

Hindi ko naman binibigyang malisya ang pagpunta-punta niya rito sa bahay. He has become our family since the triplets were born.

She made a face. "Sus. Gusto lang magpa-pogi points niyan sa 'yo. Aba e kung makaasta parang dinaig pa 'yong tatay noong tatlo e," aniya.

"Tumigil ka, Latina," suway ko sa kaniya.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon