Ethan's PoV
"Tito, where are we going po ba?" tanong ni Hope.
I sighed, "Pupunta tayo sa daddy niyo."
"Daddy? Buti po 'di nagalit si mommy?" tanong naman ni Bless.
"Your mom talked to your dad already." sabi ko habang nakatingin pa din sa daan.
Nanahimik naman ang dalawa hanggang makarating kami sa bahay ng tatay nila.
'Di na ako nagtagal kasi baka 'di ako makapag-timpi at mapatay ko ng wala sa oras 'tong ungas na 'to.
"I'll pick them up later at 9." sabi ko at umalis na.
* * *
Zofia's PoV
"Venice," tawag ko sa assistant ko.
"Yes po Ma'am," sagot naman niya at halatang nagmadali pang pumunta dito sa loob ng office.
"How's my schedule for today?" sabi ko habang nagreretouch ng makeup.
"So far, so good Ma'am"
I stopped and smiled at her, "What I mean is, do I have meetings for today? Appointments? any calls from my agency?"
"Ah yes po, Ma'am. You have appointments at 1:30, 2:00, and 5:00 Pm." sagot niya habang nakatingin sa tablet.
"Oh, ok. Sino ang nagpa-appointment ng 2PM?" I said while still doing my makeup.
"Mr. Xyruz Cadieux po." sagot niya.
Xyruz? The hell, buhay pa pala 'yon.
I chuckled, "Paki-tawagan siya and tell him that unfortunately, I need to cancel his appointment." sabi ko at tumayo ako para hubarin ang white coat ko, "Lalabas muna ako para kumain." I said then smiled at her.
"Noted po, Ma'am. Ingat po kayo." she said and then I left the clinic.
Paglabas ko, sa tapat ng clinic ko is may magarang sasakyan.
Well, not literally sa tapat ng clinic ko. It was at the other side of the road.
Ang nakakapagtaka, ang gara ng kotse tas ang panget ng bahay. Ang weird lang.
Tumigil muna ako sa paglalakad para pagmasdan kung gaano kaganda yung sasakyan.
Napansin ko naman ang plate number ng sasakyan, Square One
Hala! Alam ko yun yung sikat na car brand all over the universe. 'Di kaya yung may ari non is taga dito sa pilipinas? Omg magpapapicture ako!!
Kasabay ng paglabas ko ng cellphone ay ang paglabas ni Ethan mula sa sasakyan.
THE HELL?! TF SI ETHAN MAY ARI NG SQUARE ONE?!
Di ko na natuloy ang gusto kong balakin na magpa-picture at nagtago nalang sa likod ng kotse ko.
Well, hiniram ko lang pala. Credits kay Millicent na pinahiram ako ng sasakyan niya. Dalawa naman sasakyan niya kaya okay lang daw.
Nakita ko naman na may binaba siyang dalawang bata. And mukhang kambal kasi magkamukha e—
Si Hope at Bless 'yun ah?? Don't tell me—OMG.
Anak niya si Bless at Hope?!
Sino asawa kaya asawa niya? Or 'di kaya inanakan niya lang yung nanay nung mga bata? My goodness.
As far as I know alam 'kong nasa ten commandments ang do not commit adultery.
Nakita ko naman na may kinausap siyang matangkad na lalaki at iniwan sila Hope at Bless doon at sumakay ng kotse niya tsaka pinaharurot ito.

YOU ARE READING
PHOBIA SERIES #1 : Philophobia
Romance#1 : All I want is to be loved by the one I'm willing to spend my whole life with. Turns out, I'll just keep on suffering from this freaking heartache. • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • BOOK 1 OF PHOBIA SERIES (Playlist on Prolo...