(The day Klaire had been hospitalized..)
Ethan's PoV
Tumakbo ako papunta kay Zofia gawa nang tinulungan ko sila Jazz sa nangyari kay Klaire. "Love" I said and kissed her cheek.
"Hi." She said and kissed my cheek also, "Asan sila? Ang tagal naman ng mga 'yon. Baka mamaya pag nagkamalay na si Klaire, si Lord na makita niya." She added.
"Zofia."
"Why?"
"Kasi ganto eh.." sabi ko habang hawak batok ko.
"Ano?"
"U-umalis na sila kanina pa.. Di ka na nila sinama. Sumakay sila sa kotse ni Chrysler.."
"Bakit?" She said at tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Ayaw na kasi nilang ma-stress ka pa lalo." I said.
"Ma-stress pa lalo?" She asked.
"Primo said hindi ka daw okay ngayon. What's the problem Love? Is that the reason why you've been ignoring my calls?"
Pagkasabi ko naman n'on ay natigil siya at nakatitig lang sakin.
"Please wag mo muna akong guluhin okay? Wala kong problema I just need some space. Kelangan ko na umuwi. Bye." She faked a smile and walked away.
Wala na akong nagawa kundi wag na siya sundan dahil baka kung sundan ko pa siya, mas lumalala lang ang sitwasyon.
I sighed at bumalik na sa kabilang parking lot kung nasaan ang kotse ko.
Habang nagd-drive ako, nagchat naman si Primo sakin,
Ano nanaman ba ginawa mo sa kapatid ko, Matt?
Bakit? Ano meron?
Tangina neto oh. Gago ka ba? Umuwi si Zofia naiyak!
Just misunderstanding.
Oo mo. Misunderstanding raw. Kung ako sayo, suyuin mo dito. Ayokong nakikita kapatid ko nakasimangot dito sa bahay nakakaurat. Bye.
Nang nabasa ko ang idea ni Primo, naisipan kong i-surprise nalang si Zofia.
Alam kong magagalit yun sakin pag di ako nagchat and that is the plan. Oplan: inisin lalo ang girlfriend.
Sounds like a plan.
Pagkauwi ko as usual, ako lang mag-isa. Si Ate Tiff, nasa Tagaytay nagii-stay. Si Kuya Prince naman nasa condo nila ng pamilya niya.
Tinawagan ko naman si Jazz para kamustahin si Klaire.
[Ano 'yon?]
"Kamusta na si Klaire?"
[None of your business. Joke, Nagaayos nalang ako ng discharge papers. Bakit?]
I sighed. "Okay ingat kayo. By the way, dayo tayo mamaya kila Chrysler."
[Sure G! matagal tagal na rin akong di nakakapaglaro. Sige na, kitakits.]

YOU ARE READING
PHOBIA SERIES #1 : Philophobia
Romansa#1 : All I want is to be loved by the one I'm willing to spend my whole life with. Turns out, I'll just keep on suffering from this freaking heartache. • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • BOOK 1 OF PHOBIA SERIES (Playlist on Prolo...