Zofia's POV
"Doc ano pong mangyayari? Mabubulag po ba ako?"
"Hey, Of course not. Relax ka lang okay? Hindi ka mabubulag." I said to my patient who is now kabado bente dahil sa mga sinabi ko kanina at inaakala nya ngayong mabubulag siya. Well, there is a possibility na mabulag nga siya pero ayoko namang sabihin sakaniya dahil baka pag sinabi ko yun, ang stress pa na mararamdaman n'ya ang maging reason para mabulag siya so I just told Venice na tawagin yung Guardian ng 16 years old na ito.
Lumabas ako sa loob ng Optical Room at pinatawag ko yung Parents nung bata para dito kausapin sa Personal Room ko kung nasaan din ang Office ko.
"Doc malala po ba ang lagay ng anak ko? Bakit po dito nyo pa po ako kakausapin at hindi po dun sa Room kanina?" Tanong nung magulang. Hay jusko daming questions.
"Misis, To tell you bluntly, meron pong possibility na mabulag ang inyong anak dahil sa kanyang Diabetes at nalaman ko din na 9 years old pa lang po ay May Diabetes na siya hindi ba? As you said last meeting natin?" I asked the mother.
"Y-yes po. Lahi po kasi namin 'to Doc at buti nga po'y di ako nagkaron ng Diabetes." Sabi nung nanay. Oo nga girl buti ikaw wala yung anak mo naman meron. Chusera.
"So yun nga as I said earlier, may Possibility po na mabulag ang inyong anak dahil na-damaged na po ang mga Blood Vessels sa kanyang Retina. Damaged blood vessels may leak fluid and cause swelling. New, weak blood vessels may also begin to grow. These blood vessels can bleed into the middle part of the eye, lead to scarring, or cause dangerously high pressure inside your eye. Pero ma'am, the only thing na we can suggest to you is the Diabetic Retinopathy Surgery na makakatulong sa anak nyo para madelay ang kanyang pag ka bulag." I explained. Gosh buti na lang nakinig ako ng maigi nung college.
"Uh... M-madelay? Ibigsabihin Doc mabubulag pa din?" The mother asked. I feel sorry for her.
"I'm so sorry to say Maam pero ganun na nga po. The only way para makakita pa ang inyong anak is to Pray. Doctors can cure the patients pero when it comes to Imposible for the Doctors, it's possible for God." I smiled to the Mother after kong sabihin yun. May kumatok sa pinto at bumungad sakin si Venice.
"Doc, hinahanap na po kayo ng Boyfriend nyo." Venice said. Oh yeah. My Boyfriend! It's been 7 months since the day he asked me to be his Girlfriend again. The Best day of my life.
"Oh yes sure. Sabihin mo wait palabas na ko." I said. "Oh siya. Ma'am, here's my number." Binigay ko sa Nanay ang number ko. "Text me kapag nakapag desisyon na po kayo kung mag papa Surgery ba yung anak nyo." I smiled to her.
"Doc mukang malabo po kasi yun... Mahirap lang po kami at kaya po kami nakapag pacheck dito sa Clinic nyo ngayon kahit pang mayaman po ito ay dahil nag padala po ng Pera ang ama ng anak ko nung nakaraang linggo... Pero ang sabi po kasi ng bago niyang asawa ay huling padala na po iyon dahil patay na po ang ang dati kong asawa..." Pag kasabi ng Mother ay agad siyang lumuhod sa harap ko at umiyak. Hala OMG. Why is she kneeling!? Pinaka ayaw ko pa naman na niluluhuran ako cause I'm not God! Hays.
"Ma'am, wag po kayong lumuhod.." I said to her.
"Doc please... Ano pong gagawin ko sa anak ko... Wala kaming pera... Mabubulag na siya." Umiiyak niya. Hagulgol na ang iyak niya, buti na lang at Sound proof tong Personal Room ko. Sobrang naaawa ako sa Babaeng 'to. Minsan tinatanong ko si Lord kung anong kasalanan ng nga taong 'to at bakit sila nag hihirap ng ganto? Pero alam ko namang may purpose lahat ng nangyayari, e. I want to help. Pa'no kung sasagutin ni Lord ang mga prayers nila through me?
"Ma'am, tumayo na po kayo. Tutulungan ko po kayo okay? Ganito po ah," Inalalayan ko siyang tumayo. "Itext nyo po ako kung sigurado na po kayo kung mag papa surgery ang anak nyo. May Kilala po akong Opthalmologist, Sagot ko na po lahat ng Bills nyo okay? Pati po ang maintenance ng anak niyo ay sagot ko na din po. Kung need po ng monthly check up, dito na po kayo mag pacheck up sa Clinic ko at Wala na po kayong babayaran." Nakangiting sabi ko sakanya. The Bible said Help those who in need.

YOU ARE READING
PHOBIA SERIES #1 : Philophobia
Romance#1 : All I want is to be loved by the one I'm willing to spend my whole life with. Turns out, I'll just keep on suffering from this freaking heartache. • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • BOOK 1 OF PHOBIA SERIES (Playlist on Prolo...