Phase 3

583 34 23
                                    


PHASE THREE

THE PASSION OF A JUVENILE


A sketch was the beginning of all.

A raw idea that originated from inspiration, but could it still be called a sketch when it didn't come from anything?

When a person had no ideas nor inspiration to work from, could it still be considered as something monumental, or would it be considered trivial?

What was people's definition of monumental and trivial, anyway? What was in it that guided them in considering that whatever they were experiencing was the former, the latter, or something that was in the middle?

Did they feel a sense of direction when doing so? And if they did, how were they able to guide themselves alone? Iyong hindi hingi nang hingi ng gabay mula sa iba. Iyong hindi dumudulog sa malawak na kaalaman at karanasan ng mga taong nasa parehong disiplina.

How were they able to know what they wanted to do?

Iyon ang tanong na palaging sumasagi sa isipan ko.

It was a question that I could answer, but a question that I could not understand.

Kailangan ba talagang malaman kung ano ang nagtutulak sa tao para gawin ang ginagawa nila?

Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang 'to—tapos? Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang 'to kasi gusto kong linangin ang sarili sa disiplinang 'to? Hindi ba pwedeng ginagawa ko lang 'to kasi interesado ako alamin ang rason kung bakit tumitigil ang mga manlalakbay rito?

But why do you need reasons anyway? Why do you need something—whether it be a person or an idea—to hold you in place?

Ako lang ba talaga ang nag-iisip na mas mabuti ang maglakbay kaysa manatili? Kaya ba hindi ko maintindihan ang mga pumipirmi kasi kahit isang beses sa buhay ko, hindi ko naranasan 'yon?

Pero kailangan ko ba munang maranasan bago makidulog sa nararamdaman ng iba? Hindi ba pwedeng daanan ko lang ang nararamdaman na 'yon kasi takot akong maimpluwensiyahan pa?

Bakit lahat ng mga bagay ay nagmumula sa isang ideya? Bakit hindi na lang may magdeklara na nagmula 'to sa hangin? Na sumulpot lang 'to bigla—pwede bang ikonsidera na gano'n?

What was the point of everything in this world when at the end of it, it would be nothing?

Naglalakbay ako kahit na alam kong wala 'tong patutunguhan sa dulo. Naglalakbay ako kahit na alam kong malabo na may matitirahan ako. At naglalakbay ako kahit na alam kong maliligaw pa rin ako kahit na sabihin kong nasa patutunguhan na ako.

Ano ba talaga ang mga nagpapatigil sa tao?

Malaman ko ba 'yon habang nananatili ako rito sa lugar na iniisip ko'y makapagbibigay ng sagot?

Gusto kong malaman—gusto ring hindi.

Gustong magabayan—gusto ring maligaw.

Ano ba talaga?

My questions were shunned off when I felt intimidated by a man that took a seat beside me.

Sa postura pa lang, ramdam kong nasa tamang direksyon siya. Ang paggalaw ay punong-puno ng kagustuhan sa ginagawa niya—kahit na wala pa siyang ginagawa.

Nakaupo lang ang lalake, nakadekwatro habang may bagay na hawak sa kamay. May dala ring bag na kalalagyan ng kagamitan. Ang bahid ng pintura sa braso ay simbolo na pintor siya.

Milieu Euphony (In Act Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon