PHASE TWENTY
OF AMBITIONS AND DEFIANCE
"Grabe, Mikhail! Nang-iiwan ka na kasi may bago ka nang kasama?" bungad ni Giuseppe nang makitang katabi ko si Michelangelo. He made his way through the raised seating of Buonarroti Hall 1 and waved.
His bright face marked his presence in my brain. His hair was a little bit curly, and his eyes were a little round. He had a pointed nose and his lips looked like they would always smile.
"Hi, Lael! Iboto mo 'ko! Giuseppe Cosimo de Angelis—"
"—Junior."
"—nga pala para sa senado, ang pangit mo talaga Mikhail!" reklamo niya at pumwesto sa tabi ko. Pinagigitnaan na nila ako.
What is with these cousins? Gusto ko lang naman umattend ng art class.
Bumaling ako kay Giuseppe. "I saw your Galatea sculpture. Ang ganda ng ukit mo ro'n."
"Lael," tawag ni Mikhail ngunit hindi ako bumaling. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa braso ko.
Ngumiwi si Giuseppe at umiling. "Actually, si Papa 'yon."
Nangunot ang noo ko. "Bakit walang 'Sr.'?"
Tinaliman niya ng tingin si Michelangelo. "Ang pangit niya talaga. Kaya ayaw kong ipagkalat na may 'Jr.' ako sa dulo ng pangalan eh! Hindi cool pakinggan."
Lalong nangunot ang noo ko. I don't fully grasp what he was talking about.
Napansin niya ang gulong-gulong mukha ko kaya napa-buntonghininga siya.
"Takte 'yan. Wala na akong magagawa!" He groaned. "Actually, tinulungan ko nang kaonti si Papa na maghulma n'an. Ta's tinanong niya ko kung anong pangalan ilalagay ko, e nagreklamo ako na dapat pangalan naming dalawa kasi uy, collaborative effort kaya 'yan!"
"Nagliha ka lang naman," Michelangelo commented.
"Hoy, at least may contribution!" reklamo niya. "Kaya ayon, Giuseppe de Angelis lang nakalagay ro'n."
"Pero ayaw mo ng may 'Jr.' sa pangalan mo?"
"Oo, ang old school kasi pakinggan," he answered, dead-straight.
"Anong gusto mo?"
"Gusto ko 'yung the II ang ilalagay para astig. May kaklase kasi ako noong high school na the IV ang nakalagay sa dulo ng pangalan. Alam mo sabi ng teacher namin? Ang bangis daw."
Itinagilid ko ang ulo, naguguluhan. "So... gusto mong matawag na mabangis?"
"Oo."
"Hindi ka naman lobo."
Nasamid si Michelangelo dahil sa sinabi ko. Nalaglag naman ang panga ni Giuseppe.
"Gio," Michelangelo called. "Wolf."
Giuseppe stretched his arms to hit Michelangelo. "Nang-asar pa!"
Tahimik akong nag-ayos ng gamit habang nakikipagtalo sila sa isa't isa. I acted as if they weren't there and tried to shun of the noisiness that they created.
Deafness—being subjective with what I hear.
"Ay!" Giuseppe leaned as if he's going to tell something that was supposed to be a secret.
Tiningnan ko lang siya habang nakadungaw sa may lamesa ko. Ineengganyo pa niya si Michelangelo na lumapit upang makinig sa pinag-uusapan.
"Lapit ka rin ng ulo mo, dali! Maki-chismis ka rin," pag-aaya sa 'kin ni Giuseppe kaya bahagya kong inilapit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Milieu Euphony (In Act Series #2)
General FictionIn a world filled with passion, one person dared to defy all--Xeverna Lael Costiñiano, the art wanderer. August 1, 2021 - October 19, 2021