Chapter 8

4.4K 106 2
                                    

Chapter 8

Xyra's POV

Kanina sa canteen hinila ni Ranz si Krish at dinala kung saan. At pag balik ni Krish kanina, halos wala na sya sa sarili, parang lutang na ewan. Hangang mag uwian, wala halos syang imik at sobrang lalim ng iniisip.

"Xyra." Biglang may tumawag sakin habang nag-lalakad ako palabas ng gate ng school.

"Steven?" Sh*t si Steven nga.

"Hi Xyra, kamusta na?"

"Okay lang, ikaw?" Tanong ko

"Okay din naman. Ahm by the way may ibabalik sana ako sayo." Sabi ni Steven. Ano naman kayang ibabalik nya? Pero iii kahit ano man yon, swerte pa din dahil sa kanya nakausap ko si Steven!

"Oh naiwan mo." Sabay abot nung favorite kong panyo at yung pinaka iingatan kong ballpen. Asa kanya lang pala yon? Whhaaa thank you ky Steven ang gwapo na nga, mabait pa!

"Thank you ah, Iniingatan ko talaga tong panyo na to tska itong ballpen!"

"Ah ganun ba? Buti naman na ibalik ko. Sige alis na ko, bye." Hindi na ko nakasagot pa dahil tumalikod na sya agad.


Krishia's POV

Andito ako sa kwarto ko ngayon, wala akong magawa. Wala naman kaming assignment ngayon bukod dun sa project namin. Nag pagulong-gulong na ako dito sa kama hindi ako makatulog at si Ate mamaya pa uuwi. Pero mukang di ko naman masasabi to kay Ate. I don't have the guts para mag open ng ganitong topic kay ate.

Kinuha ko yung iPad ko mag oopen lang ako ng account ko. Gusto ko kausapin si Xyra sa messenger. Hindi ko na sabi to sa kanya kanina.

Kaya tumawag na ko sa video call sa messenger.

"Xyra.." Hays buti naka open sya.

"O bakit?" Tanong nya sakin.

"Hindi ko na alam yung gagawin ko. Na iinis ako na ewan. Ugh!"

"Bakit ba? Alam mo kanina ka pa ganyan. Nawweirdan na ko sayo."

"Si Ranz kasi!" Bakit ba hindi ko masabi ng buo?

Hayys Krish tama na nga yan! Yari ka sa ate mo!

"Ano si Ranz!?! Krish diretsohin mo na nga ako. Ano ba yun?! Ano bang ginawa si Ranz sayo?! Pinag samantalahan ka ba niya?" Naiinis na may halong pag-aalala ang tono ng boses ni Xyra.

"Hindi naman ganon."

"E ano ba?"

"Xy sinabi sakin ni Ranz kanina na gusto nya daw ako, at gusto nya ko ligawan. Xyra hindi ko alam kung ano yung kailangan kong gawin. Hindi ako sanay sa ganitong mga bagay!" At naramdaman ko na nga ang mainit na likido na dumaloy sa muka ko.

Sh*t naiiyak ba ko? Krish wag ka ngang ganya? At itigil mo yan! Hindi ka dapat nag kakaganyan para dahil lang kay Ranz.

May mga nag tangka na din naman manligaw sayo dati di ba? Hindi naman na bago yan sayo.

"Krish, stop crying. Pero tell me, may gusto ka rin ky Ranz?" Seryoso nitong tanong.

"Xyra hindi ko alam, nalilito ko. Xy na tatakot ako. Si Ate, ayokong sirain yung promise ko sa kanya." yun nalang yung na sabi ko, kasi yun yung kanina ko pa iniisip. Bakit ba kasi kailanan nyang makipag kaibigan muna, tapos ngayon sasabihin nyang may gusto sya sakin? Bakit niya ko kailangan daanin sa pagiging mabait niya?

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon