Chapter 45

2K 51 4
                                    

Chapter 45   

Krishia's POV

Umuwi na muna kami ng bahay, after nung Christmas party. Halos walang kumikibo saming dalawa ni ate. Ako eto magangmaga parin yung mata ko.

Hindi parin ako ma ka get over sa nangyari, hindi parin ako makapaniwala na yung akala kong masayang party e na uwi lang sa ganon. Kala ko masaya na, kasi naging si ate na at kuya Nathan. Nag kabati na si Janzen at Joshua, pero ngayon hindi kasi ako naman yung nag kaproblema.

Akala ko kasi okay na si Ranz, hindi pala. Tapos ngayon mag kagalit pa kami ni ate Janet.

Kasalan ko na na gustohin ko si Ranz? Pinigilan ko naman diba? Pero bakit pakiramdam ko napakamakasalan ko dahil minahal ko si Ranz?

Bakit ba kasi bawal mag boyfriend? Dahil hindi parin maka move on sa muntikan nya ng maging jowa na pinaasa lang sya nung highschool sya?! Oo alam ko na. Alam ko na nasaktan si ate Janet dati. Alam ko na sinaktan at pinaasa sya. Pero dapat ba pati ako? Dapat ba gayahin ko sya? Part naman talaga ng salitang love yung pain. Pero bakit kailangan pati ako idamay ni ate? Bakit kailangan pati ako madamay sa nangyari sa kanya?

Alam ko na mali na kinekwestyon ko to kay Ate Janet, dahil alam ko na gusto nya lang akong protektahan at ayaw nya kong masaktan. Pero hindi naman ako nag sisi na minahal ko si Ranz.

Sobrang drama ko na ba? Pero wala naman akong magagawa dahil nasasaktan ako ngayon. Galit ako sa sarili ko kasi ang tanga ko, dahil bago ako pumasok sa school na to. Lahat ng mga kaibigan kong nag boboyfriend at umiiyak, lahat sila badtrip. Dahil ayoko nga ng ganun! Ayoko mag pakatanga! Pero bakit ngayon ganun ako?!


Isama mo pa yung si ate, dapat sya yung karamay ko. Dapat sya yung nandito para damayan ako. Pero bakit isa rin sya sa dahilan kung bakit ako na sasaktan e?!

Yung feeling na mas gusto mo pa saktan ka ng pisikal kesa sa saktan ka ng ganito. Takte ako na talaga madrama. Pwede na ba ako awardan sa golden globe award?


Pag dating sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Ano pa bang gagawin ko kung hindi mag lugmok sa kwarto.

Kasi naman nakakaingit lang na ako ganito tapos yung mga kaibigan ko, si ate Janet lahat sila okay. Masaya.

Sino ba naman kasing hindi mag iingit lahat sila ang swerte sa love life nila, e ako ano? Adik ang jowa. Charot lang di ko pa jowa.

Bakit ba kasi na uso sa school na yun yung salitang inlab?

Hindi ko naman kasi inexpect na paglipat ko dito sa school na to. Hindi lang pala mag aaral yung malalaman ko. Hindi ko naman kasi inakala na mararanasan ko rin pala dito yung sakit na hindi ko naman gustong mangyari at maramdaman.

Malapit na ang pasko, at ang christmas wish ko sana makita ko si Ranz na maayos. Sana makita ko si Ranz na masaya, makulit katulad ng kung pano ko sya na kilala.

~||

Umaga ng nagising ako, naka tulog na pala ako sa kakaisip kagabi ky Ranz. Hindi na rin pala ako naka pag hapunan. Buti nalang wala ng pasok sa school kung hindi baka naging viral ako sa school ngayon.

Ang daming tanong na napasok sa isip ko pero karamihan don hindi ko alam ang sagot. Basta ang alam ko si God na ang bahala don.

"Krish."

"Uhmm?" Tumingin ako sa kanya pero bumalik rin yung tingin sa tv.

"Krish can we talk?" Tanong ni ate at tumingin naman ako sa kanya.

"Nag uusap na po tayo." sarcastic ko at tumingin na ulit ako sa tv. 

"Krish, ayoko ko ng ganito. Ayokong mag kakagalit tayo ng dahil lang ky Ranz." Seriously?Yan yung sasabihin ni ate Janet sakin?

"Ate Janet, hindi mo ba na iintindihan? Ate Janet hindi lang naman dahil to ky Ranz. Sayo na to!" Medyo napalakas naman na yung pag kakasabi ko non, at first time ko lang rin magalit ng ganito sa kanya.

"Krish I don't get it." napabangon na ako sa pagka kahiga ko sa sofa.

"Ate naman e, sino ba kasing nag sabi sayo na gusto kong ganto tayo?! Sino ba kasing nag sabi na ang saya-saya ko ng ganto tayo? Kasi ate hindi e, hindi. Ayoko rin ng ganito tayo."

"Krish pwede naman tayong bumalik na sa dati, ng parang walang nangyari." bakit ba ganto si ate? Para namang hindi nya ako ma intindihan.

"Ate Janet, wag mo na ako igaya sayo. Kung hindi ka maka move on sa nangyari sayo dati, ate wag mo na ako idamay please." Pag kasabi ko non halata namang na gulat si ate. Hindi ko na kaya itago pa sa kanya to. Ayoko na ng ganito.

"Krishia I just only want to protect you."

"Protect? Seriously ate? How? Igagaya mo ko sayo na ilalayo ang sarili sa ibang tao?"

"Maybe, he's not the right person for you,or maybe because you are loving the person in the wrong angle." Ate naman hindi mo ba talaga ma gets?

"No ate, you don't really get my point. And you don't even need to protect me. Ate, okay naman kung mag mahal ako diba? Ate pinilit ko naman kasi yung gusto mo. Pinilit kong layuan si Ranz, galit pa nga ako sa kanya nung una 'di ba tapos ewan basta nalaman ko nalang ma mahal na ko na sya. I don't know how, I don't why. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag kasama sya. At ate Janet pano ba naging mali?" Kaya pag kasabi non hindi ko na napigilang maluha. Ba naman ma drama na naman ako. Pero anong magagawa ko siguro naman kahit minsan pwedeng maging madrama diba?!

"Krish sorry." Sabi ni ate at niyakap nya ako.

"Ate Janet wag ka ng matakot, tama na po 'to. Wag mo na hayaan na balutin ka ng takot at pag dududa dahil lang sa kanya, ate please." Sabi ko habang kayakap ko si ate at patuloy pa rin ang pag iyak.

Sarah's POV  (ranz's mother )

Andito kami sa rehabilitation hospital sa Minila.  Andun si Ranz sa kwarto, meron sinalpakan muna sya ng pampatulog ng mga doktor.

Alam kong kasalan ko rin kung bakit nag ka kaganto si Ranz. Hindi naman talaga sya dapat hahantong sa ganito kung hindi ko sinabi about dun sa annulment namin ng daddy nya.

Bata palang sila ng mag hiwalay kami ng daddy nya. Nag karon ng affair ang daddy nya at ng mag hiwalay kami nag mahal na rin ako ng iba. At silang dalawa nalang ang ate nya ang tumira sa bahay, nag abroad din kasi ako pag katapos.

It's been a year since nung huli kaming mag kita ni Ranz then ngayon nag kita kami yun rin yung dahilan para mag kaganito si Ranz.

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon