Chapter 64

1.9K 40 1
                                    

Chapter 64

Nathan's POV

Nag lalakad ako sa corridor ng makita ko si Ranz.

Si Ranz? Diba asa rehabilitation hospital sya? Bakit sya nandito?

"Sir.Nathan!" Tawag nya sakin.

Lumapit ako sa kanya at pumasok kami sa isang room. Wala namang nag kaklase dito.

"Ranz, bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Sir.Nathan kailangan mong pumunta ky Amber ngayon, asa bahay siya. Pero sir.Nathan wag mo pala sa sabihin ky Krishia na nakita mo ako ngayon. Please."

"Ha? Bakit? At bakit ayaw mong sabihin ko ky Krishia?" Tanong ko.

"Basta sir. Pumunta ka nalang sa bahay ni Amber ngayon, may kailangan kang malaman."

"Hindi kita maintindihan."

"Sorry sir. Kung hindi mo ako maintindihan ngayon may problema din kasi ako. Basta pumunta ka nalang ky Amber at maiintindihan mo." Sabi nya at umalis na.

"Ranz.." Tawag ko pero hindi na sya lumingon.

"Ahm Nate, eto nga pala yung pinapabigay ni ma'am.Josi umalis kasi sya." Napatingin naman ako sa nag sasalita. Si Janet.

Namiss ko ang boses nya.

Tumingin ako sa kanya at kinuha yung folder.

"Thank you.." Sabi ko at nag smile lang sya bago umalis na.

Miss na miss ko na sya.Yung ngiti nya na hindi na kakasawang mag masdan.


After ng klase ko dumiretso na agad ako kila Amber. Mukang importante yung sasabihin ni Amber.

Pag dating ko don na kita ko agad si Amber na naka upo sa sofa, habang nag iinom.

Asan si Princess?

Nakita ko rin na ka upo lang sa harapan nya si Ranz.

"Asan si Princess?" Tanong ko at napa tingin naman si Amber sakin.

"Nate...Nate.." Bakit hindi sya makapag salita? Tumingin lang sya ky Ranz.

"Amber sabihin mo na." Sabi ni Ranz at biglang na luha nalang si Amber.

"Ano ba yon?" Tanong ko dahil na guguluhan na ako.

"Nate h..hindi.... Hindi mo anak.... Hindi mo anak si Princess.." Sabi ni Amber

"Anong sinasabi mo?"

"Nate sorry, gusto ko lang naman bumalik tayo sa dati. Nathan sorry.." nag mamakaawang sabi ni Amber habang na iyak.

Bakit? Hindi ko alam yung nararamdaman ko parang gusto kong mag wala. Bakit n'ya kailangan gawin yon?!

"Bakit mo ko kailangan lokohin? At si Princess bakit mo sinabing anak ko sya?!"

Minahal ko si Amber, minahal ko sya ng sobra-sobra. Kaya nung iniwan nya ako nasaktan ako ng sobra.

Kaya ngayon nag mahal na ako ulit at Janet yon pero sinira nya. Nang dahil lang sa gusto nya akong bumalik sa kanya.

"Nathan mahal kita, sorry ginawa ko lang yon kasi gusto bumalik na tayo sa dati. Nag sisi na ako sa nagawa ko dati nung iniwan kita. Kaya Nate please patawarin mo ko!" Sabi nya at lumuhod sya sa harapan ko habang na iyak.

"Sorry Amber, grabe na yung sakit na binagay mo sakin. Tama na yung isa, pero hindi ko man bigyan ng pangalawa ikaw na mismo yung sumira non! May mahal na akong iba Amber, sya yung babaeng alam kong mamahalin ako at hindi ako iiwan katulad mo. Ibang iba sya sayo Amber!" Halos pasigaw ko ng kasabi ko non hindi na sya naka sagot.At umalis nalang ako. Hindi ko na sya kailangan pag aksyahan ng oras.
Meron mas importanteng tao kesa sa kanya.

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon