Chapter 75

1.7K 41 0
                                    

Chapter 75

Ranz's POV

"Anak, na tanong mo na ba yung mga classmates mo baka asa kanila si Daniel." Nag aalalang tanong ni mommy.

"Nakausap ko na po yung mga tropa ni Daniel pero wala pong may alam sa kanila." Sagot ko.

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang sila mommy aligagang-aligaga na kakahanap ky Daniel.

Nag cutting kasi sya kanina tapos ngayon 5 AM na pero wala parin. Kaya eto, si Ate Sofie at Angela ayun kakasakay lang sa kotse, aalis yung dalawa hahanapin si Daniel.

Sira ulo talaga yung lalaking yon. Kahit kelan. Hayss...

"Anak aalis lang ako saglit, hahanapin ko lang din yung kapatid mo." Paalam ni mommy  at nag ayos na ng gamit.

"Sige po mom, papasok na rin ako sa school." Sabi ko at pinatay ko na yung tv. Lumabas na ako ng bahay, at nag lakad papuntang school.

Medyo malayo pa yung school dito, at dapat nga mag cocomute ako dahil hindi naman ako mahahatid ngayon  pero  trip kong mag lakad tska maaga pa naman ngayon.

Habang nag lalakad ako, bigla kong nakita yung mga kumpulan at sobrang daming tao. Parang may aksidente kaya dahil sa curiosity ko nakisingit na rin ako.

Pag-tingin ko na kita ko yung kotse na bumangga dun sa puno, pamiliar ang istura sakin nuong sasakyan pero hindi ko matandaan kung saan.

Minubuti ko ng lumapit para makita kung sino ang naaksidente. Nakipagsisikan na ako para mas mapalapit pa duon.

Napaatras naman ako ng makita ko kung sino ang nasaloob ng sasakyan.

Hindi ako nag kakamali...

Si Daniel iyon. Kasama ang mga kaibigan niya. Kung hindi ako nag kakamali ay apat silang asa loob ng sasakyan.

Yung sasakyan. Sasakyan yon ng isa sa tropa ni Daniel.

Ipinasok na sya sa loob ng ambulansya at agad naman akong lumapit para sabihin na kapatid ko ang naaksidente, kaya pinasakay na rin ako sa loob ng ambulansya,

Walang malay at duguan si Dani.

Agad ko ng tinawagan sila mommy para sumunod sa ospital kung saan man dadalhin si Daniel.

~hospital.

Asa ICU ngayon si Daniel, maayos na yung lagay nya pero hanggang ngayon hindi pa sya nagigising.

Masyadong malala yung nangyari sa kanila, pero mabuti nalang at buhay pa sila.

Nag alala ako ngayon ky Daniel, oo hindi kami naging close ng sobra dahil ky Krishia pero kapatid ko parin sya e.

Pag lipas ng ilang dumilat na rin yung mga mata ni Daniel. At na kita ko yung mag-aalala ng sobra ni mommy para ky Daniel.

"Mom sorry." Mahinang sabi ni Daniel habang asa gilid lang nya ako.at si mommy naiyak nalang.

"Don't worry honey, hindi ako galit sayo." Sabi ni mommy at niyakap nya si Daniel.

"Si Krishia, sabihin nyo patawarin na nya ko." Mahina nyang sabi at napa tingin naman si mommy sakin.


Uuwi na sana ako ng bahay ng bigla akong tinawag ni mommy para kausapin.  Alam ko na yung sasabihin nya, pero papayag ba ko?

Mahal na mahal ko si Krishia, papayag ba ko? 

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon