Chapter 20

2.9K 69 0
                                    

Chapter 20

Krishia's POV

Paakyat na kami sa room kasama sila Xyra at Janzen, kanina pa sya wala sa mood. Kakatapos lang ng break time kaya aakyat na kami. Kwinento na nya samin yung nangyari sa kanya. Sino ba naman kasi yung magiging masaya na mararamdaman mo na fafall kana sa maling tao? Yan na sinasabi ko sa pagpapanggap nila eeeee!

Pag-dating namin sa room agad namin nakita yung mga kumpulang namin classmate at nag sisigawan pa.

At pag pasok namin kaagad naman naming nakita yung mga nag susuntukan. Si Ranz tska si Aron isa sa kaklase namin dito. Sa likuran din to laging naka upo at isa din sya sa pinaka makulit at matrip dito sa room.

"Go!!!Go!!!Go!!" Sabi ng mga classmates ko. Mga sira ulo ba sila? At least na awatin sila Ranz e lalo pang sinisigaw wala naman si Nick at Jc si Joshua ayon tulala.

Hayys anong bang nangyayari sa mga tao sa earth?

"Ranz tumigil kana!" Pag awat ko ky Ranz.

"Krish umalis ka muna dito." Sabi ni Ranz sabay sapak ky Aron

"Wag mo ko pag titripan Aron!" Sigaw ni Ranz at hindi ko naman sya mapigilan sila Xyra at Janzen asa likuran ko lang.

"Hahaha gago ka kasi!" Pang-aasar pa ni Aron

Si Ranz na mumula na at halatang na gagalit na. Yung iba ko namang classmates ayon todo video, movie ba to?

"Hoy tumigil na kayo!" Sabi nung guard at tumigil naman si Ranz at Aron.

"Sir eto kasi nag simula." Pag sisinungaling ni Aron. Parang sya naman yung nang aasar kanina pa.

"Sumama kayo sakin." Galit na sabi nung guard. At dinala na sila sa guidance. Hayys bakit ba kasi nakipag suntukan yan?!

"Krish tara cr muna tayo" yaya ni Janzen sakin.

"Tara." Sabi ko at tumayo na.

"Oi ano mang iwan daw ba?! sama ko." Sabat naman ni Xyra, inantay na din namin sya bago kami pumunta sa cr.

Pag dating namin sa cr nakita naman namin agad sila Faith, Shina at Katy.

"Hi." Bati samin ni Katy at Shina habang si Faith wala lang.

Bumati rin naman kami at pumasok na si Janzen sa isang cubicle, si Faith naman ayon na pansin ko na tinarayan nya ako pero hindi ko nalang sya pinansin.

Habang nag ccr si Janzen nag labas naman si Xyra ng cellphone at nag selfie.

"Be sama ka." Sabi ni Xyra at nag picture kami.

"Hi pa join." Sabi nila Katy at Shina

"Sure " sagot ni Xyra at apat kaming nag picture.

"Patingin." Sabi ni Shina sabay hablot ng cellphone ni Xyra. Talaga bastusan??

"Pa picture na rin." Sabi ni Shina, parang may choice pa si Xyra, e hawak na ni Shina yung cellphone ni Xyra. Hayyys

"Sama ko." Sabi ni Katy at nag selfie silang dalawa. Lumabas na naman si Janzen.

"Tara na." Sabi ni Janzen.

"Wait lang."

"Bakit?" Tanong nya. At sinenyas nalang ni Xyra yung dalawa na todo sa pag picture.

"Ang pangit ko dito coz. Delete mo na" Sabi ni Katy.

"Eh ayoko maganda ako d'yan e." Sabi naman ni Shina, grabe makapag selfie kala mo sa kanilang cellphone.

"Akin na yung phone ko, aalis na kami." Sabi ni Xyra.

"Wait last na." Sabi ni Katy sabay selfie ulit pero naka dalawang picture sila ha! Last na daw e.

"Yan oh!" Sabay abot ni Katy ng cellphone ky Xyra. "Upload mo sa facebook tapos tag mo ko ha?" Sabi ni Katy.

"Okay." Sagot nalang ni Xyra.

"Okay bye." Sabi nila at lumabas na ng cr. Lumabas na rin naman kami.

Pag- labas namin saktong nakita namin si Joshua kasama si April at si Janzen eto hindi na maipinta yung muka.

Lumapit sya ky Joshua, kaya sumunod kami.

"Hi Josh." Sabi ni Janzen with matching pilit na ngiti.

"Hi Janzen, thank you nga pala. Finally kami na ulit ni Joshua." Sabi ni April na abot langit yung ngiti.

"Ah wala yon." Sabi ni Janzen, takte na sasaktan na sya e.

"Ah Janzen here's your last payment." Sabi ni Joshua sabay abot ng 500 tinigan ni Janzen yung pera bago kuwain. Takte wala na ba talaga syang pride bakit nya kinuha?!

"Sige thank you." Sabi nya at nag smile nalang.

"Thank you rin Janzen sa pag aalaga sa boyfriend ko ah?!" Nakangiting sahi ni April pero halata naman na plastic lang yung ngiti nya.

Takte April wag muna ipag duldulan na boyfriend mo na ulit si Joshua! Na sasaktan na yung kaibigan ko oh! Wag kang manhid pati ikaw Joshua wag lang manhind! Bweset!

Napa tingin naman ako ky Xyra at halatang nag pipigil din sya ng inis.

"Sige na, una na kami bye." Sabi ni April habang naka pulupot pa din ang kamay nya kay Joshua. Tumango nalang si Janzen at umalis na rin ang dalawa.

Pagka alis na pagka alis ni Joshua, niyakap agad ako ni Janzen at niyakap ko naman sya, nagyakapan kaming tatlo para damayan ang isa't isa.


"Janzen ano iiyak kana naman?! dahil sa lalaking yon?! Almost 2 months mo lang naman syang naka sama e! Janzen wag naman ganyan!" Saway ni Xyra habang nagpipigil ng iyak. Hindi na din kasi napigilan ni Janzen umiyak.

"Xy sakit eh! Hindi ko namalayan na minamahal ko na pala sya. Xy ang daya nya!" Patuloy parin na umiiyak si Janzen habang mag kakayakap kaming tatlo.

"Janzen I know who much hard na makita yung taong gusto mo na may mahal ng iba. Naiintindihan ka namin at andito lang kami para sayo." Sabi ko, at hinimas himas yung likod nya.

"Krish bakit ganun?"

"Janzen, hindi ko din alam. Maybe may mga tao lang talaga na dadating sa atin para saktan tayo , siguro kaya sila dumating para bigyan tayo ng lesson—lesson na alam natin na mag bibigay aral satin. It just a phase Janzen and it will surpass eventually and we will stay by your side until that day happen." Sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ni Janzen.

Yan naman ang tanong ng lahat, bakit kung sino pa ang minamahal natin yun pa ang hindi pwede at nawawala, yun pa yung pinagkakait satin ng mundo.

Hindi ko kayang nakikita ang mga kaibigan ko na ganito, pero minsan mukang ganito rin naman ako. At hindi ko alam kung bakit sa ganong panahon halos hindi ko maisip ang sarili ko.

Sana malagpasan na namin ang lahat ng ito.

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon