Chapter 71

1.8K 39 2
                                    

Chapter 71

Daniel's POV

After ng prom night hinatid ko na si Faith, na wala sya sa mood kanina pero bumalik rin naman. Marami parin naman kasi akong gagawin ngayon, kailangan ko pang mag ayos.

Ipapakilala na rin kasi bukas ni mommy yung iba kong kapatid. Tanggap ko na naman 'yon na meron kaming kapatid sa side ni mommy, kaya ngayon eto nag aayos na ako mamaya kasi darating na sila.

"Daniel okay ka na ba?" Tanong ni Ate Angela.

"Yes ate, ready na ko." sagot ko at lumabas na.

Hays grabe masakit pa yung puso ko dahil kahapon pero sana maging okay muna ako ngayon.

Bumaba na ako sa hagdan. Mag lulunch daw kami sabay-sabay nila mommy ngayon, si daddy kasi asa New York busy masyado sa work.

Pumunta na kami sa favorite restaurant ni mommy, dun daw kasi kami mag kikita.

Medyo chill lang naman ako ngayon, excited lang makita yung kapatid ko. Wala kaya akong brother, haha sabik lang konti.

Pumasok na kami sa restaurant at umorder na rin.

"Mom matagal pa ba sila?" Tanong ni ate Angela ky mommy Sarah.

"Hindi malapit na daw sila." sagot naman ni mommy at may lumapit samin.

"Hi mom, sorry po na late kami ang haba po lasi nung traffic e." Sabi nung lalaki.

Wait kilala ko sya.

"Okay lang sige maupo na kayo." Sabi ni mommy at pinaupo na si Ranz at yung kapatid nyang babae.

"Ahm Ranz, Sofie sila yung mga kapatid nyo si Angela and Daniel...Daniel, Angela si Ranz at Sofie,kapatid nyo." Halatang na gulat rin si Ranz sa sinabi ni mommy.

Hindi pwede bakit sya pa? Sa dinami-dami ng pwede kong maging kapatid bakit sya pa? Bakit si Ranz pa?

"I know him." Sabi ko at habang naka tingin parin ako sa kanila.

"Mag kakilala kayo?" Tanong ni mommy sakin.

"Yes mom, classmate ko pa sya." Sagot ni Ranz at umupo na kami.

"Good, ibig sabihin kilala nyo na ang isa't isa. How about you Sofie baka kilala mo rin si Angela?"

"No mommy, hindi ko po sya kilala. Nice to meet you Angela." Sabi ni Sofie.

"Nice to meet you too." Maikling sabi ni Ate Angela

After non, kumain na rin kami. And until now hindi pa rin ako maka paniwala.

Si Ranz kapatid ko. Hays!

Buhay nga naman!

Gusto kong maging kaclose yung kapatid ko pero ngayon pano? Parehas kaming may gusto ky Krishia. At alam ko na nung lumabas sya ng hospital lagi na syang na punta sa school at tinitignan si Krishia.

Ayokong makipag kompitensya sa kapatid ko pero mahal ko si Krishia! Hindi ko alam kung panong gagawin ko.

Gusto ko ipag laban si Krishia. Mabait, simple, maganda at matalino lahat na aka'y Krishia kaya imposible na hindi ako ma-fall sa kanya.

Sya din yung dahilan kung bakit ako naka move on agad ky Faith. She made me realize kung ano nga ba ang friendship perp sa kanya gusto kong maging more then a friend.

Ayoko ng matorpe like ng nangyari sakin ky Faith. Ayoko ng maunahan ng iba.

Ranz's POV

Seriously? Kapatid ko si Dani?

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon