Chapter 73

1.9K 37 0
                                    

Chapter 73

Tricia POV

"Whooo!" sigaw ko habang nakahiga ako sa kama ko.

Ilang days na since nung JS at hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwala na sinabi ni Nick na gusto nya ako.

Pero seriously, sinabi nya ba talaga yon?

Taena naman kasi ilang araw na rin syang hindi napasok, since nung JS prom at ngayon absent ako tska naman sya pumasok sa school.

Ang malas ko talaga oh!!

Bwisit kasi bakit ngayon pa sumakit yung ulo ko! Si Jc naman ang tagal mag reply, bukod kasi sa class hour pa ngayon ay katext rin nya si Xyra.

Letche naman ang sweet nung dalawa e, oo medyo apektado parin ako sa kanya pero wag kayong o.a! Hindi na katulad dati, may Nick na kaya ako.

Pero hindi ba masyadong na kakaguilty kasi... Parehas akong nag kagusto sa dalawang mag kaibigan.....haysss wag assuming!!!

Oo nga pala walang kami ni Jc, kaya hindi ko kailangan mag drama.. Sorry naman.

Fr: Jc

"Mamaya kana mag text... Mahuhuli na ako ni ma'am e. Busy rin naman si Nick, mamaya pupunta nalang daw sya dyan bibigay nya sayo yung mga assignment at tuturuan ka din nya."

Shocksss seryoso?

Pupunta talaga dito si Nick!?

Hala baka naman hindi ko na matutunan yung tinuturo nya kakatitig sa kanya.

Krishia's POV

Ilang days na bang nag papakitang gilas yung dalawa. Hays yung totoo?! Nabibwisit na talaga ako sa kanila.

Ayoko na kikitang nag kukumpitensya yung dalawang mag kapatid ng dahil lang sakin.

"Krish ako na gagawa nung assignment mo." Bungad sakin ni Dani, oo nga pala hindi ko kasama sila Janzen ngayon pumunta kasi sila sa mall e hindi naman ako pinayagan ni ate..

Ang dami ko rin kasing ginawa na requirements dahil malapit na ang midterm kaya eto sobrang pagudan. Dagdag mo pa si Dani ngayon na nasa harapan ko.

"Kaya kong gawin yung assignment ko." sabi ko, kasi yung totoo ayoko talaga na ganito si Dani sakin.

Kaibigan ko sya! Ayoko ng ganito sya ng dahil lang sakin. Gusto ko yung dating sya.

"Sama ka nalang sakin, muka ka kasing wala sa mood e. Pramis libre ko!"

"Dani marami talaga akong gagawin ngayon, hinihintay ko nalang si ate Janet para sabay kaming umuwi. Tska ikaw bakit hindi ka pa na uwi?"

"Baka kasi may mangyaring masama sayo kaya eto, hinihintay kong dumating si ma'am Janet  para masigurado kong safe ka."

May sapak talaga to si Dani, ano bang trip nya?

Ano namang pwedeng mangyaring masama sa akin eh nasa school kaya kami.

"Alam mo miss ko na yung dating Dani, yung ang kulit, tapos minsan tahimik. Yung kala mo minsan may topak. Bakit ba kasi nag bago ka?" Tinaas ko yung  ulo ko mula sa pag susulat at na kita kong naka tingin rin sya sakin.

"Hindi naman ako nag bago ah." Sabi nya sakin at umupo na lang sya sa tabi ko.

"No Dani nag bago ka e! Kasi simula nung nag open up ka sakin na gusto mo ko, feeling ko ibang Daniel na yung kasama ko." 

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon