Chapter 19

2.9K 79 0
                                    

Chapter 19

Joshua's POV

Asan na ba yung Janzen na yun?! Alam kong kanina pa ako na papansin ni April na walang kasama. Lagi nalang syang absent?

"Krishia asan si Janzen?" Tanong ko sa isa sa mga laging kasama ni Janzen.

"May sinat sya kaya hindi sya pumasok." Sagot ni Krishia. Sinat lang pala e, ang arte naman nya!

"Ah sige, puntahan ko nalang sya sa kinila." Sabi ko at umalis na. Alam ko naman na yung bahay nila kasi nung nakaraan lang hinatid ko sya dun.

"Okay." Sabi nya at umalis na ako may 2 subject pa kaming na titira kaya mag iskip nalang ako. Hindi ko na hinintay sila Jc at Nick mag cucutting naman daw sila.

Sumakay na ako sa motor ko at pumunta kila Janzen, wala naman dun yung parents nya kaya nakakapunta ako. Hindi ko nga maintindihan kung anong pamilya meron to si Janzen!


Pag dating ko sa bahay nila Janzen, dirediretso akong pumasok sa kwarto nya at nakita ko na ang sarap-sarap ng tulog nya, habang naka kumot pa.

"Hoy gumising ka dyan!" sabi ko sabay hila sa kanya patayo.

"Josh mamaya na nahihilo pa ko." mahina nyang sabi.

"Janzen wag ka nga umarte dyan alam kong tinatamad ka lang!Tumayo ka dyan kailangan pa natin sundan si April!" Sabi ko at tumayo naman sya. Sabi na wala naman syang sakit e!

Nag-lakad sya sa papuntang cr ng biglang naman syang natumba. Kaya naman patakbo akong lumapit sa kanya.

Shit anong nangyari sa kanya?!

Nag loloko lang sya diba?!

Pagka lapit ko sa kanya ay hinawakan ko sya. At don ko lang nalaman na sobrang init nya na pala. Binuhat ko na sya papuntang kama nya.

Inayos ko sya nanghiga. Shit ano ba kasing pumasok sa utak ko at pinilit ko si Janzen na tumayo? Ang tanga ko namana! Dapat hinawakan ko muna sya para nalaman ko na mainit nga sya!

"Janzen sorry." Bulong sabay hinimas ko yung buhok nya.

Kumuha ako ng warm water at towel para sa kanya. Pinunasan ko yung braso nya at yung ulo nya. At nilagyan ko sya ng towel sa ulo.



Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako sa tabi ni Janzen..

At ng magising ako tinignan ko yung cellphone ko 6pm na pala. Pero tulog parin si Janzen, tumayo ako para pumunta sa kusina. At tinignan ko kung may makakain ba dito. Tumingin ako sa mga cabinet at naka kita ako ng dalawang noodles.

Maganda ang bahay nila Janzen at halatang may kaya sila pero bakit halos wala ng laman yung bahay nila?

Niluto ko yung dalawang noodles pag katapos ay inakyat ko ito sa kwarto nya.

Xyra's calling..

"Hello."

"Josh, hayaan mo muna si Janzen nag kasakit sya dahil nag usap sila ni April about sayo. Josh  sinampal ni April si Janzen at kanina ko lang nabasa yon sa facebook. Nabasa sya ng ulan kasi yung bike nya binutas nung mga kasama ni April."

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Xyra. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bakit ganito nag ginawa ni April kay Janzen?! Hindi naman ganito yung dating April na nakilala ko.

"Xyra, sige na ako nang bahala kaya Janzen. Salamat sa pag paalam sakin."

"Josh sinabi ko to dahil sa nalaman ko na mukang naiinis ka kanina ky Janzen, dahil hindi sya pumasok. Kaya wag kang magagalit sa kanya.." paliwanag ni Xyra sakin.

"Oo naiintindihan ko"

"Sige bye na."

"Okay bye."

-end call

Ginising ko na si Janzen, ngayon na iintindihan ko na sya at ngayon na giguilty ako.

"Janzen gising kana." Sabi ko sa kanya medyo bumababa na naman din yung lagnat nya, kanina kasi halos mag aapoy na sya sa init.

"Joshua?! Bakit ka nandito?" Tanong nya sakin.

"Pumunta ako dito kanina para samahan mo ko ky April. Pero may lagnat ka kaya hindi ko na tuloy." Paliwanag ko sa kaniya at dahan-dahan ko siyang pinabangon pada makaupo.

hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang iwanan si Janzen. Grabe yung pag aalala ko sa kanya, hindi ko alam kung konsensya nga talaga ang tawag don.

"Sorry Josh." Yun nalang yung sinabi nya at yumuko nalang sya. Nitaas ko yung muka nya at dun ko lang na realized na sobrang lapit ng mga muka namin, na akala mo mag kikiss na kami.

"Don't be Janzen, I know na kaya ka nag kasakit dahil din sakin. Na kwento na sakin ni Xyra na kinausap mo nung nakaraan si April at naabutan ka ng ulan kaya ka nag ka sakit. Janzen sorry." Sabi ko nalang.

"Josh, ginawa ko lang naman yon dahil sayo e. Joshua, hindi ko alam kung bakit pero na bibwisit ako everytime na makikita ko sya na pag seselosin ka! Josh sorry nasabi ko sa kanya yung totoo. Grabe na kasi yung panlalait nya sayo e. Josh---" naputol yung sinabi nya dahil ewan ko para akong na magnet sa kanya.

Dahan-dahan kong inilapit ang muka sa muka niya hanggang sa mag dikit ang aming mga labi. Ramdam ko ang init ng mga labi ni Janze na dulot na rin siguro ng sakit nya

Ramdam na ramdam ko ang tibok ng aming puso na oras yon.  Na parang kami lang ang tao sa mundo.

*phone ringing *

Napatigil ako dahil biglang nag ring yung phone ko.

At napatingin naman sa akin si Janzen ng nakita nya ang pangalan sa caller id.

At ng naramdaman nya ang pag aalinlangan ko tumango na lamang siya kaya't sinagot ko na rin ang tawag ni April.

"Hello April."

"Joshua please help me. Josh I need your help. May mga mag nanakaw dito sa bahay. Wala sila mommy at daddy so Josh please pumunta ka dito!"

"Sige hintayin mo ko." Sabi ko tumingin ako ky Janzen at ngumiti lang sya. Kaya tumakbo na ako papunta ky April.

Janzen's POV

Napahawak nalang ako sa muka ko. bakit ba pumayag ako? Takte alam kong hindi ako mahal ni Joshua at alam kong si April parin yung gusto nya.

Pero takte bakit ako na sasaktan. I am just only his fvking fake girlfriend. At wala ng hihigit pa don!

Ayokong mafall sa kanya. Hindi pa ko handa para masaktan ng bongga. Masyado ng masakit ang mga nangyari sa pamilya ko. Quotang-quota na ko.



Joshua's POV

Pinatakbo ko ng mabilis yung motor ko at pag kadating ko don. Bukas yung pinto, pumasok ako at halos wala akong makitang tao.

"April..April.." Tawag ko.

"Joshua?" Narining kong sabi nya at bigla syang lumabas sa isang kwarto at kaagad na yumakap sakin.

"Joshua na tatakot ako." Sabi nya habang naka yakap sakin.

"Mukang wala na sila, wag kana matakot andito na ko." Sabi ko sa kanya at niyakap ko rin sya.

"Joshua, I wan't you to back. Hindi ko kaya na mawala ka sakin. Mahal na mahal kita."

"April.."

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon