Chapter 39

2.1K 46 0
                                    

Chapter 39

Jc's POV

"Hoy Nick, nakita mo ba si Ranz?" Tanong ni Nick samin, kami nalang kasi yung laging mag kasama e. Si Joshua kasi ayun lagi ng kasama si Janzen kahit ang girlfriend nya talaga ay si April. Ang gulo nga ng utak ng mga yun.

Si Ranz naman isa din yung lalaking yon napaka complicated nila. Malay ko ba kasi sa mga yon kung anong nakain at nag kaganon! Mga nabubuang na talaga sila!

Nag senior high lang kami mga nag kaganyan na. Palibhasa aalis na din kami dito next year, dahil syempre graduate na!Buti pa kami ni Nick chill-chill lang. Hays

Wag na tayo masyado mag pakakomplikado sa life.

"Malay ko dun ky Ranz, ilang araw ng ganun yon kung hindi balisa parang baliw. Baka nga naka drugs na yon!" Sagot naman ni Nick at pumunta na kami sa canteen, wala naman gagawin sa room. katamad naman mag cutting, kaya dito nalang kami sa canteen.

"Tigil nga! Kaibigan parin naman natin yon kahit papano.." saway ko ky Nick.

"Tshhh totoo naman muka syang naka drugs. Alam naman natin na nag sisigarilyo yun, pero tinigil nya na yun simula nung naging mas close pa sila ni Krishia." Paliwanag ni Nick, habang na kuha ako ng pag-kain.

"Ayun naman pala, oh bakit nag kakaganyan si Ranz ngayon?" Tanong ko, ang dami ng nangyari sa buhay at pamilya ni Ranz, kaya alam ko na marami syang problemang kinakaharap ngayon.

"Siguro may problema sila ni Krishia or kaya naman baka sa pamilya nya. Yun naman palagi yung problema ni Ranz di ba?!"

"Hayys siguro nga." Sabi ko nalang.

Bigla namang na hagip ng mata ko si Xyra, si Xyra Alexis Delo Santos.
.

"Si Xyra na naman oh!" Sabi ni Nick sakin. "Ano lalapitan mo na ba?" Tanong ni Nick sakin.

Pano ko naging crush si Xyra? Simple lang na attract ako sa kanya nung nag ayos kami ng para sa date nila ma'am Janet. Ang ganda nya grabe para akong tinaman ni Kupido, haha ako na corny! Pero minsan lang to, kaya hayaan na!

"Sige lalapitan ko," sabi ko at lakas loob akong pumunta na ako kung nasan si Xyra, this is the first time na lalapitan ko sya since nung huli kaming nag-kausap nung preparation ng date nila ma'am Janet at sir. nathan.

"Hi Xy." Bati ko at umupo sa harapan nya. Sya lang yung na andon wala si Janzen at si Krishia.

"Hi Jc!" Bati nya at bumalik na sa pag susulat.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko

"Eto okay naman, sobrang dami nga lang assignment. Hehehe!"

"Oo nga ang daming pinapa-assignment ngayon." pag sang ayon ko naman. Ang cute nya talaga pag natawa.

"Ahm by the way bakit nga pala mag isa ka? Asan yung mga kasama mo?" Tanong nya sakin. Kaya ako eto medyo nalelate mag respond sa kanya dahil nakatitig lang ako sa kanya hahaha.. Ang ganda kasi talaga nya kahit kelan, naka kaattract.

"Sila Ranz at Joshua hindi namin alam kung nasan pero si Nick ayun oh!" sabay turo ko ky Nick, at kumaway din naman sya

"Ahm kamusta na pala si Krishia?" Tanong ko bweset wala akong maisip na tanong ah!

"Ayun okay naman pero kahapon halos wala sya sa mood e." Sagot ni Xyra.

"Ahm nag away siguro sila ni Ranz."

"Siguro, pero wala pa kasi syang sinabi about dito." Kwento ni Xyra.

"Hayaan natin sila, mukang maayos din naman yung love story nila e." Sabi ko. Totoo naman diba? Na ang sweet kaya nila para silang perfect couple pero hindi naman perfect e kasi parang dumadami yung mga problema nila... Haysss bahala na si batman sa love story nila.

"Mukang na hihirapan kana sa ginagawa mo ah?!" tanong ko at lumipat ako ng upuan sa tabi nya.

"Ang hirap kasi ng assignment ko dito sa math e" sabi nya at napakamot na sya sa ulo nya.

"Bakit anong assignment ba yan?"

"Yung sa business math."

"Akin na nga." Sabi ko sabay kuha ng notebook nya.

"Ganito kasi yan, una kuwain mo muna yung given number..." Sabi ko, haha na kaka-chansing naman ako!

Tinuruan ko na sya sa assignment nya tapos ko na yung assignment ko e. Hindi naman ako ganun katalino pero may alam naman ako pag dating sa math..

"Ah okay na gets ko na thank you." nakangiti nyang sabi.

"Ahm Xyra pwede ba makuha cellphone number mo?" Tanong ko para naman text mate na kami haha, ma papasagot ko din yan!

"Sige akin na cellphone mo." sagot naman nya at binigay ko naman yung cellphone ko.

"'Yan okay na!" Binalik na ni Xyra yung cellphone ko.

"Ah sige ah, una na kami. May pupuntahan pa kasi kami."

"Sige, thank you sa time." Sabi nya at umalis na kami ni Nick sa canteen.

Tricia's calling....

"Hello best!" tumawag si Tricia sya lang naman ang bestfriend ko.

"Hi best, may good news ako sayo!" Masayang sabi ni Tricia habang kausap ko sa phone.

"Ano ba yung good news? Pinapaexcite mo naman ako e!" sabi ko

"Uuwi na ako dyan sa saturday and guess what..dyan na ako mag aaral this year! Napa ayos na ni mommy yung mga kailangan ko, par makapag tranffer dyan!" hays finally maka kasama ko na ulit ang bestfriend ko.

"Naman best galing ah!"

"Alam mo ba kung gaano ko katagal napapayag si mommy?! Hay nako best sampung oras na misa ata yung pinag daanan ko e! Pero syempre ang ending pinayagan ako ng ermats ko! You know! Di nya ako matitiis hahaha..." Si Tricia talaga kahit kelan ang kulit.

"Hay nako best, kahit kelan ka talaga!" Sabi ko nalang.

"Haha o sige na babye na! Aayusin ko pa yung gamit ko.."

"Sige bye."

"Bye bestfriend miss you na!"

"Miss you too bestfriend"

-endcall..

Si Tricia talaga kahit kelan napaka childish! Hays kung titignan mo kami kala mo girlfriend ko sya e. Pero hindi bestfriend ko lang si Tricia, asa New York sya ngayon pero uuwi na daw sya. Pinagalitan pa siguro sya ng parents nya bago sya payagan, strict ang parents ni Tricia kaya laking private si Tricia, at first time nya mag papublic.

Si Xyra naman sya si my loves ko, si crush. May kalaban nga lang ako si Steven yung sa ibang strand. STEM ata. Ewan ko ba. Pero as if naman na mag papatalo ako dun.

Mas gwapo kaya ako ky Steven!

My High School Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon