Kabanata 1

21 1 12
                                    


Inaayos ko ang gamit ko sa locker habang hindi pa kami tinatawag ni Coach para sa training. Mabuti na lang umalis na ang mayayabang na mga highschool students. Bukod sa ang iingay nila, ang kakalat pa sa gamit.


Paglabas ko ng locker room tanaw ko na kaagad sa may pool side si Maysie, umiinom ng tubig sa bagong biling water bottle. Pagkatapos niyang maubos ang laman, tinapon rin kaagad sa basurahan. Naupo na siya sa isang tabi habang hawak hawak ang kanyang puting tuwalya.


"What's up? Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko ng makalapit na. Nilagay ko ang towel ko sa kalapit na upuan.


Ngumuso siya. "Nakakainis, hindi ako komportable sa swim wear ko! Bakit ba kasi eto pa ang binili ni Nanay? Ang baduy naman! At saka ang pangit ng design! Ako na yata ang may pinaka pangit na suot dito ngayon, nakakainis!" reklamo niya.


Pinasadahan ko naman ng tingin ang violet swim wear niya. Hindi naman ito gaano ka ikli, sakto lang. At hindi rin naman ito pangit. Mahilig lang talaga si Maysie makipag kumpetensya. Gusto niya na siya ay naiiba. Hindi din naman allowed dito sa school ang masyadong daring na panligo. Wala kami sa beach, kundi nasa eskwelahan.


"It's okay Maysie, hindi naman pangit ang binili ni Manang." sabi ko.


Tumawa siya at hinampas pa ako sa braso. "Wala bang puri dyan? Wala manlang bang ang ganda mo Maysie."


Tumaas ang kilay ko. Humalakhak naman siya. "Alam mo ba si Kevin nagte-text pa rin siya sa akin! Ang tanda niya na, 'no! Highschool na kaya siya, samantalang elementary pa lang ako."


Marami rin naman ang nagkakagusto sa kanya. Hindi nga lang niya gusto ang mga ito. Para sa kanya ang perpekto lang sa kanya ay ang mga ka edad niya. She doesn't want boys who are not in her age. 


"Grade levels doesn't matter." sagot ko naman sa kanya.


"Bakit? Magkakagusto ka ba sa mas matanda sa'yo? O kaya naman mas bata sa'yo? Kagaya nino? Nung Gabrielle na grade four? Ang baduy!"


Inilingan ko naman siya, "Hindi ko alam. Maganda siya pero bata pa kami parehas. Wala naman masama kung sakaling magkaroon rin ako ng crush sa kanya." I said. Ang sabi ng karamihan ay crush nga daw ako ni Gab, pero hindi ako naniniwala. Dahil kapag nakikita ko siya, ay itinatanggi niya ito at halatang asar na asar. 


Dumadami na ang mga pumapasok na members, kanya kanya silang hanap ng pwesto. Halos lahat nakapang suot panligo na rin. Napabaling kami ni Maysie sa entrance nang makarinig ng mga sigawan.


Masayang naglalakad habang kumakaway sa mga kakilala si Shay. Angat na angat ang kanyang pagka-morena sa suot na color pink na swim wear. Kahit nasa grade six pa lang kami, talagang maganda siya at may katangkaran. Kumaway pa siya lalo sa mga grupo ng mga lalaki. Grade seven yata ang mga 'yon.


"Gusto ko maging kagaya ni Shay, sikat at maganda. Nakakainggit." bulong ni Maysie sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Both of you have different personalities. Hindi mo naman kailangang mainggit sa kanya. At saka isa pa, babagong pasok lang 'yan dito. Panigurado ako, mas magaling ka d'yan mag-swimming." 

Love in Silence (COF #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon