Today is February 1. Saturday in the morning. May game dapat kami ngayon ng basketball, kaya lang mga hapon na lang daw kasi busy si Nhicko. Iisa lang ang inuupuan naming sofa ni Maysie habang nanonood ng TV. Hindi niya ako kinakausap.
"What are you so badly mad of?" tanong ko.
She rolled her eyes, she looked at me and then take her eyes off of me quickly. Umupo ako nang mas malapit sa kanya. I saw her eyes panicking, na agad ring bumalik sa ayos.
"Tell me, anong kinagagalit mo? Hindi naman tayo ganito dati, please. Huwag naman ganito, May."
She looked at me madly.
"Naiinis ako sa ginagawa mo, Llloyd! Alam mo bang nagtatanong na sa akin si Shay kung ganoon ka ba talaga makipag-usap? Huh, never ka pa nag advice sa akin about love ano! Anong inaadvice mo kay Shay? Sinasabi ko na nga ba, dumadamoves ka lang!" aniya na ikinagulat ko naman.
Kumunot naman ang noo ko.
"Hoy, hindi ha. Hindi sabi! Kaibigan ang pakikitungo ko sa kanya, kung hindi man edi sana nag tanong na ako kung puwede ako manligaw."
"Balak mo siyang ligawan?!" sigaw niya sa akin.
"Mapipigilan ko ba ang sarili ko kung gustong gusto ko siya? Sige nga, makakapagpigil ba ako kung selos na selos na ako sa ibang lalaki? Siyempre gusto ko siya, kaya gusto kong akin siya." sagot ko sa kanya.
Umirap naman si Maysie.
"Why are you guys shouting?"
Kamuntikan na matapon ang iniinom ni Maysie nang may marinig kaming nag salita. I know that voice. I really know her. Tang ina, dito yata ako mababaliw.
"Oh, Shay! Andito ka na pala, halika tuloy ka. Sabi ko naman sa'yo narito si Lloyd eh. Nakikitira lang kami sa kanila pero puwede na tayo dito." ani Maysie, lumingon siya sa akin. "Gusto namin mag laro ng ps4, okay lang ba?"
Tumango ako at nag punta papunta sa may tv. Binuksan ko na ito at inayos para makapag laro na sila. Hindi ako makatingin kay Shay pero rinig na rinig ko ang boses niya. Nahihiya ako.
"Uhm, saka Lloyd okay lang ba mag request? Gusto kasi namin itry mamaya ni Shay yung gym room. Tuturuan niya ako ng mga basic exercise na alam niya, okay lang ba?" tanong ni Maysie, halatang dinidiinan niya pa ang pag tanong kung okay lang ba.
Humarap ako at ngumiti. "Okay, sure. I'll just go to my room, if you need anything just ask our helpers."
Hindi pa ako nakakaupo sa study table ko nang may kumatok na. Lumapit ako para buksan ito, nakita ko si Shay na tahimik na nakatayo roon.
"Uh, Shay. Why?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Naiwan daw ni Maysie ang phone niya dito sa kwarto mo.." mahina niyang sabi. "Pinapakuha niya lang kasi ano may ginagawa siya sa kusina."
Tumabi ako para makapasok siya, naglakad siya papuntang kama at naghanap doon ng phone ni Maysie. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan itong tawagan. Pero namatay rin agad.
Maysie:
Huwag mo nga akong tawagan! Anong feeling na nandyan siya sa kwarto mo? :)))
Napamura ako sa isipan ko sa nabasa sa text ni Maysie. She planned it. Pinapunta niya si Shay para mang inis sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari at parang naging si Maysie pa ang tumutulak sa akin ngayon kay Shay.
"Uh, Shay nakita na ang phone ni Maysie. Nasa kitchen pala daw."
Tumango siya sa akin at ngumiti. Naglakad siya palabas ng kwarto ko at tahimik na isinarado ang pintuan. Lumapit ako sa kama at nahiga doon. Napabangon ako nang may mapansin sa gilid.