This is a special chapter for Shay Villavicencio. I dedicated the two chapters for her because she deserves it. Lol. Have a nice reading! Scenes that aren't written during Lloyd's POV.
--
Inubos ko beer na nilagay ko sa baso ko. I am so devastated. I am so broken! Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, sila pa ang naloloko. At kung sino pa ang hindi mo kaaway at tinuring mong kaibigan, ang siyang sasaksak pa sa'yo patalikod! I can't help it!
I wanted to hurt her, gusto ko siyang sabunutan at saktan pa ng sobra. But the only reason that stops me is him. I don't want him to think that I'm this violent. Fuck it.
Kinuha ko ang mga bagay na ibinigay sa akin ni Vion noon, isa-isa ko itong itinapon. Pinunit ko ang mga love letters na binigay niya sa akin noon. Love letters? The fuck, he's a whole damn jerk!
"Mamatay na sana kayo!" sigaw ko. Out of anger. I'm so fucking pissed at them. Hindi ko alam paano ko haharapin si Maysie. I hate her right now...
Kinuha ko sa wallet ko ang picture namin ni Maysie. Itatapon ko na sana iyon nang bigla kong tiningnan ang mga ngiti naming dalawa. Dahan-dahang bumuhos ang mga luha ko.
"How could you do this to me, Maysie?" bulong ko habang umiiyak.
Sa huli, ibinalik ko ulit ang picture namin sa wallet ko. Kinabukasan, naghanda ako para sa pag pasok. I shouldn't let it break me more. I have a future to make sure of. At the end of the day, those cheaters will find their own karma and I only need to watch them.
I ran when I saw him, "Dan! Dan Lloyd!"
He looked back. Ngumiti ako. Bagong gupit siya. Mukha siyang, uhm mabango. Nagtataka siya habang nakatingin sa akin kaya pinakita ko sa kanya ang phone ko.
"Lowbat. Puwede pa-text?" tanong ko. Well in fact, hindi ako lowbat. Gawa gawa ko lang iyon.
Actually, after we found out about Vion and Maysie's relationshit eh naging mailap siya sa akin. I don't know the exact reason is, but I have a guts na dahil kaibigan niya si Maysie. At siguro, nahihiya rin siya sa akin. Sa huli, he let me borrowed his phone.
The next day...
"Dan?" bulong ko. Kakalabas ko lang galing library nang makita ko siyang naglalakad habang naka earphones.
Tumakbo ako para maabutan siya. At nang makahabol, tinapik ko siya sa balikat. Nagulat naman siya nang makita ako kaya nginitian ko siya.
"Lunch?" aya ko.
Sa mga susunod pang buwan ay palagi ko na siyang kasama. Actually, minsan inaaya niya ako. Pero kadalasan ako ang umaaya sa kanya. I used to talk about how's my day with him. Palagi naman siyang nakikinig.
"Dan! Help! Ngayon kasi presentation namin, may laptop isn't working. Nakakainis!" pagmamaktol ko nang makita ko siya sa study area.
Well, I'm just lying. Gusto ko lang may reason ako to approach him, wala lang. Then, he exit all the tabs, and then gave me his laptop.
"Use mine, balik mo na lang if tapos ka na." matipid na sagot niya.
Lumapad ang ngiti ko. "Thank you! The best ka talaga! Uhm, may gagawin ka mamaya? Ano? Ice cream tayo?" aya ko na naman sa kanya.
My cousin Gab screamed after I told her that Dan Lloyd's courting me. Kilig na kilig siya sa amin kahit long time crush niya si Dan. Napangiti ako. Hindi ko rin namalayan na may gusto ako doon, eh. Kaya pala papansin na ako.