She turned around and showed me her beautiful gown. She looks very classy and expensive, as always. Humarap ulit siya sa salamin at saka ngumiti. At saka bumaling ulit sa akin, naglakad palapit.
"What do you think, babe? Bagay ba sa'kin? Hindi ba mukhang oa, baka sabihin umeeksena ako." nakasimangot pa siya sa akin.
She's invited to her cousin's birthday party. Formal ang celebration kaya't obligadong mag suot ng magagandang kasuotan ang mga bisita. Simple lang ang napili niya pero hindi ko maitatanggi na hindi ito mukhang simple dahil siya ang may suot. Maganda siya.
"Yeah, it's too simple but you're pretty that's why I don't have any doubt if the people on the party will think that you have the spotlight rather than the celebrant."
Humalakhak siya. "Oh, talaga? For sure bongga ang mga gowns 'non, kaya hindi naman siguro. Ayoko lang isipin ng mga tao na pumapapel ako porke't isa akong Villavicencio."
Bumalik na siya sa loob para magpalit. Naupo muli ako sa sofa para doon mag hintay. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa nang mag vibrate ito.
Maysie:
Lloyd. Kailangan kong pumunta ngayon sa OB. Ngayon ang sunod kong check-up. Hihintayin kita, maliligo na ako.
Sakto namang lumabas si Shay kaya ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa. Matapos makuha ang gown ay sumakay kami sa kotse at umalis na doon. Plano namin mag lunch ngayon sa Tagaytay. Since gusto rin naman ni Shay mamasyal roon.
"I brought my camera! Take a picture of me, okay. Marami! Excited ako mag-upload sa instagram. By the way, masarap rin daw ang ube roon. Bibili ako ng marami!" masayang sabi niya sa akin.
Nararamdam ko ang sunod-sunod na pagva-vibrate ng cellphone ko na nasa bulsa. Ayokong silipin ito ngayon dahil nagmamaneho ako. Kaya naman siguro niya mag-isa hindi ba?
"Ano 'yon? Phone mo? Gusto mo ako na mag check? Baka importante?" tanong niya.
Umiling ako, "Hindi na. Notifications lang 'yan panigurado sa gc namin nina Kael." nginitian ko siya.
"Uhm, okay!" sagot niya at ngumiti na naman sa akin.
Itinigil ko muna ang sasakyan sa tabing daan. Gusto ni Sha mag picture doon, maganda kasi ang view. Tanaw namin rito ang isa sa magandang pasyalan.
"We have to visit churches too, okay? I wanna see the pink sisters!" aniya.
I smiled. "Okay, babe. We will do it all. Baka ubos na energy mo?"
"May dala akong gatorade." sabay halakhak niya. "Nakikita ko iniinom ng mga basketball players ito, eh. Pang pa energize pala 'yon?"
"Buti hindi cobra binili mo? Pang pa-energize din 'yon." biro ko naman sa kanya. Trying hard to get the conversation going. I'm not a fool not to notice that she's already aware of my actions. My girlfriend is not stupid.
She looked at me quietly. It was as if her eyes were catching me. I know she's thinking of something else but I hope she doesn't think of letting me go. I promise, I will tell her the truth too. I really need to talk to Maysie about this. I can't keep that from Shay anymore.
"I know we met today to have fun, to take a break from all the school work. But tell me Lloyd, is there a problem that you aren't telling me?" and she hit me there. Nararamdaman niya.
I was ready to tell her the truth when my cellphone rang again. Someone's calling me again. Hindi ba puwedeng mamaya na lang? Abot langit ang kaba na nararamdaman ko na baka hindi niya maintindihan. Baka hindi niya ako paniwalaan.