Kabanata 9

4 0 0
                                    


Naglalakad ako papuntang canteen kasabay sina Nhicko. Hindi pumasok si Maysie, hindi ko alam kung bakit. Pag-uwi ko sa bahay, hindi na kami nakapag-usap. Hindi ko na rin siya pinuntahan sa kanyang kwarto. 

"Inutusan ako mamalengke kahapon, sayang! Ayos ba handa ni Shay, pre?" tanong ni Nhicko.

I nodded. "Simple lang saka wala gaanong bisita."

Nakasalubong naman namin si Kael.

"I saw Maysie." salubong niya sa amin.

"Saan?" tanong ko. Hindi ko siya nakita kaninang umaga, kaya akala ko hindi siya papasok.

"Nakita ko rin nga kanina doon sa bilihan ng fishball. Hindi ko lang sinabi sa'yo kanina." si Rence habang may kinakalikot sa cellphone niya.

Nagpaalam akong pupuntahan lang si Maysie. Baka nagtatampo na naman 'yon. She's kinda childish. But I'm used to it. Mabait naman siya.

"Maysie." tawag ko nang makitang kumakain siya ng fishball, mag isa.

She rolled her eyes at me. Hindi ako pinansin at pinagpatuloy niya lang ang pag kain. I knew it. Nagtatampo nga siya.

"Huwag ka na mag tampo. Bakit ba hindi ka sumunod sa bahay nina Shay kagabi? Hinihintay kita."

"Talaga lang, huh? 'Di sana dumeretso ka na lang ng uwi sa bahay, nag handa ako!" aniya.

I sighed. "Hindi ba nasabi ko na ngang 'wag na? Hindi ka nakikinig sa akin. Beside wala si Mom and Dad, mas gusto mag celebrate tayo ng kumpleto."

She pouted, I saw a tears in her eyes. Umiwas siya ng tingin sa akin. I don't wanna see her in tears, she's a very special friend to me. At masakit sa akin na makitang umiiyak siya dahil sa akin.

"Puwede mo naman tanggihan si Shay, eh. Bakit hindi ka tumanggi? Mas nauna akong nag sabi na magce-celebrate tayo, bakit ba kasi ang unfair mo? Sino ba ang kaibigan mo sa'ming dalawa? Oh, baka naman may gusto ka sa kanya?"

I sighed. Kahit ako hindi ako sigurado sa ngayon kung ano ba si Shay sa akin at kung anong nararamdaman ko sa kanya.

"What are you talking about, Maysie? Wala akong gusto sa kanya."

"Hindi! May gusto ka sa kanya. Kaya mas lagi mo siyang pinipili kaysa sa akin. Kakalimutan mo lahat dahil sa kanya?" Oh god, she's overreacting!

"Stop that nonsense, Maysie." inis akong naglakad palayo sa kanya.


Narinig ko ang pagkaripas niya ng takbo para mahabol ako. Naiinis rin naman ako sa asal niya, pero gaya ng sabi ko, kaibigan ko siya. Ako lang ang kaibigan niya sa school na 'to. I don't know, kung bakit hirap na hirap siyang makihalubilo sa ibang tao.

"Bakit ba kasi ayaw mo pa umamin? Ano bang mahirap doon?" pangungulit niya sa akin.

Bumaling ako sa kanya. "Yun na nga ang mahirap, hindi ko alam kung ano ba talaga! Hindi ko alam kung may gusto ako sa kanya!"


"Sa kung paano ka umakto ngayon ay alam ko na ang sagot, Lloyd. Gusto mo siya."

Natahimik ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ko maitanggi, hindi ko alam paano ako magsasalita. Maysie started to cry.

"Bakit kailangan sa kanya pa, Lloyd? Ang dami namang ibang babae!" 

I was about to held her hand but she covers her face with her hands. Tinatakpan ang kanyang mukha habang umiiyak. Nanatili akong nakatayo doon, hindi alam ang gagawin.

Love in Silence (COF #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon