Kabanata 25

2 0 0
                                    


Kumakain ako ng umagahan nang lumabas si Maysie sa kwarto niya. Naka uniform na siya, handa na para sa pagpasok. Kahit na ayos na ayos, she still looks so pale.

"Eat first." aya ko.

"Busog pa ako. Sa school na lang ako kakain." sagot niya na hindi ko nagustuhan.

Binaba ko ang tinidor ko. "I said eat first. Sit down and eat."

Kung dati ay hahayaan ko siya, hindi ngayon. Ngayon pa na alam kong hindi na lang siya kakain para sa sarili niya. Hindi ako papayag na pabayaan niya ang bata. Masakit ang pinagdadaanan niya pero hindi pa rin puwede na ganito.

Wala siyang nagawa kundi saluhan akong kumain. Nakatingin sa amin si Manang pero nagkibit balikat na lang at saka pumunta sa kusina.

"Sa atin lang ito, Lloyd. 'Wag mo na muna sabihin kay Shay. Ayokong may ibang makaalam. Gusto kong mag-aral ng tahimik. Graduating na ako next year. Ayokong masayang ang lahat. Payag na akong ipaalam kay na Manang, huwag lang kay Shay. Bigyan mo ako ng kahihiyan."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sumakay na ako sa motor habang si Maysie ay sa kotse ko na pinasakay. Pagdating ko sa school naabutan ko sina Kael sa study area. Kasabay ko pa rin na naglalakad si Maysie. Tahimik lang siya.

"Hey, dude! Hoy, Maysie! Monay!" sabay halakhak ni Nhicko. Aasarin na naman niya kasi ito.

"Manahimik ka nga!" sigaw ni Maysie. Natakot akong ma stress siya kaya sinamaan ko na nang tingin si Nhicko.

"Agang aga, galit na galit? Anong problema mo? May dalaw ka?" sabay halakhak nito. "Gusto mo ng fries?"

Akmang hahampasin ni Maysie si Nhicko ng briefcase niya pero pinigilan ko na.

"Pumasok ka na, ipapasundo ulit kita kay Kuya Lorens mamaya." sabi ko naman.

Tumango naman siya at naglakad na paalis. Pinagmasdan ko lang siya. Medyo iba nga ang katawan niya ngayon pero para sa akin pumapayat siya. Dahil na rin siguro sa stress na nararamdaman.

"Back to spoiling the brat?" ani Kael. Sumang-ayon pa sa kanya sina Rence at Nhicko.

"No. Iyon naman palagi, ah? Pinapasundo ko siya kay Kuya Lorens. Nothing has changed."

Inakbayan ako ni Nhicko, "Alam ba 'yan ni Shay? Baka mamaya nagseselos na girlfriend mo dahil sa girl bestfriend mo?" sabay halakhak nito.

Umiling na lang ako. Shay is not like that. Alam niyang magkaibigan lang kami ni Maysie. Shay is matured enough to understand that I have girl friends. She trust me.

"Hindi ka na ba kasali sa swimming team?" tanong sa'kin ni Gab nang dumating na sila nina Jai.

"No. I'm still on the team. Hindi lang ako nagpaparticipate sa ngayon, busy sa acads. Why?"

"Wala lang. Si Shay lang nakikita ko lagi sa pool area. Si Maysie pala nakauwi na? Nakita ko kaso hindi ako pinansin, wala yata sa sarili."

"So, nasaan?" pambabara sa kanya ni Nhicko.

Umirap ito kay Nhicko. "Gusto mong magka-eye shadow na violet, huh? Or gusto mong pumasok mamaya sa klase niyo ng panot?"

Humalakhak naman kami sa mabilis na pag-iling ni Nhicko. Nag tago pa ito sa likod ni Selene.

"I told you don't mess up with the monster." ani Kael.

"Sinong monster?!" sigaw ni Gab. Tumahimik na lang si Kael at niyapos ang girlfriend.

Love in Silence (COF #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon