Kabanata 30

7 0 0
                                    

We partied all night kaya lahat kami, bagsak. Masakit ang ulo ko pagkagising kinabukasan, grabe hangover. Napangiwi ako nang may bumato sa akin ng unan.

"Malamig na ang kape! Inom pa more!" bulyaw sa akin ni Maysie. Bumalik ako sa pagkakahiga, ang sakit pa rin ng ulo ko.

"Engineer Javiño, with all due respect hindi ka na po estudyante! Titirik na ang araw, papawisan na ang mga tao sa site narito ka pa rin!" reklamo niya, "Puta, kung ganito lang ang buhay ko dito hindi na sana ako umuwi!"

Bumangon na ako dahil galit na siya. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman natawa ako. For years, I lived with her. Sanay na ako sa kanya at hindi na rin ako sanay na hindi naririnig ang boses niya sa umaga.

"You looked like a mad wife," sabay halakhak ko. "You want to be my wife?" tanong ko sa kanya.

Umirap siya at inabutan ako ng isang tasa na kape. Tinanggap ko ito, the coffee she made for me is the one that I like. Ayoko na nga uminom ng ibang kape, gusto ko kasi ay ang timpla niya.

"Hay, nako! Huwag mo ako idinadaan sa ganyan at baka mapa oo ako. Bilisan mo na, kanina pa tumatawag si Rence. Pa late late ka, feeling student!" asar niya sa akin. Tumalikod na siya at nagpaalam na maliligo na dahil papasok na rin sa trabaho.

Gab came back from America. They all know that she's in France all those years. But, not me. Alam kong nasa America siya. Alam kong na aksidente siya. I didn't tell anyone, even Kael. Kahit gusto ko. It's because I want Gab to be honest. I want her to conquer the fear, kasi kahit anong mangyari we will never leave her. And I respect her decisions, lalo na her Tita Karen asked me to let Gab do her part.

"She's back." sabi ko kay Kael, kauuwi lang nito galing Cebu.

Tumango siya, "Yeah, right."

Sumingit si Nhicko, "Kaya nga kami nandito, kasi nalaman niyang umuwi! Kulang na lang palitan na nito ang piloto sa eroplano, gusto yata mag over take na 'yong plane sa ere!"

"Shut up!" ani Kael.

Sinagot ko ang tawag ni Maysie kaya lumabas muna ako at lumayo sa site.

"Hey," sagot ko.

She cleared her throat, "Please, do me a favor! Please!"

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

She sighed. "I have a client. Since, hindi ko siya mame-meet today, can you please meet her instead? Para sa kailangan pirmahan? Syempre malalaman nila na we're on a team. Ikaw ang Engineer, eh. She needs to sign some papers, hindi kasi siya sumasagot sa emails. I left a note naman na you will meet her instead of me."

"Alright. Nasaan ang mga papeles?"

"On the way, thank you! Bye na, see you later na lang." sagot niya at ibinaba na ang tawag.

Damn.

Her client is Shay Villavicencio. Hindi ko alam na boss siya sa kompanya na 'to. Wala akong balita sa kanya dahil iniwasan ko. Basta ang alam ko lang, after she won the medal for the swimming competition, naging sikat na modelo siya. Ngayon, isa na siyang may-ari nitong building na 'to? Wow, at least hindi ko nasira ang career na sinasabi niya.

Napaka sungit niya. Iniwan ko na lang sa secretary niya ang mga kailangan niyang pirmahan. Ayoko nga mag hintay roon, nakakainip. And I can really feel that I'm not welcome. Nakakainis.

"Bitter niyo parehas! Kung sana tinanggap mo na lang ang letter niya, edi sana tapos na! Ngayon tuloy, mas kasalanan mo na kung bakit kayo nag hiwalay dati." sabi ni Maysie. "Kung hindi ako nabuntis ng maaga noon, baka ako ang lumaban sa international! At hindi kayo nag hiwalay." Dagdag niya at saka humalakhak.

Love in Silence (COF #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon