"Lloyd bagay ba?" rinig kong tanong ni Maysie sa akin.Napalingon ako kay Maysie nang lumabas siya sa fitting room, suot ang isang dress na kagaya ng suot ni Shay. Maysie got all the different colors of the dress in her hands. Lahat. That's why Shay is asking if there's still another color. Paborito niya siguro ito.
"Yon na lang po Ma'am ang mga colors at stock namin ngayon. Na kay Miss na po." sabi ng saleslady kay Shay.
She nodded. Tumingin siya sa akin at ngumiti kay Maysie.
"Bibilihin mo ba lahat, Maysie?" tanong niya.
Naglakad palapit si Maysie at inabot sa saleslady ang mga dress. Nagtatanong ang mga mata ng saleslady sa akin, aba malay ko d'yan hindi naman ako ang customer.
"Anong tanong 'yan, Shay? Malamang oo! Bakit? Tingin mo hindi ko kaya bayaran? Excuse me, pero may pera ako." sagot naman ni Maysie.
Lumapit ako at hinawakan siya sa braso. Nagmamaldita na naman siya. Wala na naman sa lugar ang pagka mainitin ng ulo niya. Naguguluhan na talaga ako minsan sa attitude niya.
"No, Maysie that's not what I mean. Tinanong ko lang naman para kung mayroon kang hindi bibilihin ay bibilihin ko." sagot sa kanya ni Shay.
Tumango si Maysie. "Mabuti kung ganon, hindi porket mayaman ka mamaliitin mo na ako. Pero sorry ka, bibilihin ko lahat ang mga iyon."
Napalingon naman sa akin si Shay. Napapikit ako at saka masamang tiningnan si Maysie, inirapan niya lang ako. Lumapit siya sa saleslady para tanungin kung magkano ang babayaran niya.
"Patingin na lang ng iba pang designs niyo. Sinabi mo sa akin kahapon na may dadating na bagong designs, patingin ako. At saka 'yung recommended ni Miss Ongpauco." aniya sa saleslady.
Nang mapatingin sa akin ay ngumiti siya. I smiled back at her. Kamuntikan nang malaglag ang panga ko nang marinig ang babayaran ni Maysie sa counter.
"6,940 po Ma'am."
Lumapit ako at pinanood si Maysie habang naglalabas ng pera sa bag niya. Pagkatapos bayaran kinuha niya na ang anim na paper bag. Tiningnan niya ako at sinenyasan na lalabas na kami.
Napatigil ako upang paunahin ang saleslady na may mga dalang damit na ipapakita kay Shay. Magaganda ang mga iyon. Halatang bago. Wala pa akong nakitang ganoong mga damit na naka display dito sa store.
Tumayo si Shay para pumasok sa fitting room, dala ang tatlong dress.
"Wait lang, Miss. Pipili ako d'yan." si Maysie habang tinitingnan ang mga damit na nasa saleslady.
"Maysie that's enough. Marami na ang mga nabili mo, masyado ng magastos." saway ko sa kanya.
"Puwede ba Lloyd, hayaan mo nga ako." aniya.
Ngumiti ang saleslady sa amin. "Miss pasensya na po, pero kukuhanin po ito ni Ma'am."
"Asan ang ibang stocks?" tanong ni Maysie.
"Wala po Ma'am, exclusive po ang nga designs na ito. Sinadya para ioffer kay Ma'am Villavicencio."
Umirap si Maysie. "Whatever."
Lumabas na kami sa store. Hindi ko na nakita si Shay para magpaalam kasi nasa loob pa siya ng fitting room. Nakasunod lang ako kay Maysie.
"Alam ba ni Manang na gagastos ka ng ganon ka laki?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin. "Ano sa tingin mo? Syempre, oo! Siya pa nga ang nag abot sa akin ng pera. Anong masama, Lloyd? Bawal ko ba itreat ang sarili ko? Deserve ko 'to kasi gumraduate ako na with honors."