Kabanata 4

5 0 0
                                    

Nanatili pa rin namang friends si Maysie at Shay. Nag sorry sa isa't isa. Last year na namin ngayon as a junior highschool student. Me and Kael will have honors and medals. While, Nhicko and Rence? Babae lang ata ang nakolekta saka record sa guidance office.

"Bilis na, magpa-picture ka na!" I smiled when I saw Gab. Tinutulak na naman ng mga kaibigan niya. "Lloyd, picture daw kayo ni Gab! Pasensya ka na, mahiyain kasi 'yang kaibigan namin." si Jaira habang kinurit pa sa tagiliran si Gab.

Nag-picture kaming dalawa. Nahihiya pa si Gab pero I assured her na okay lang. Tinawag ko sina Kael para makilala nila si Gab pero sayang naman kasi tumakbo na ng mabilis kasama ang mga kaibigan niya. She always runs away from me. 

"What?" si Kael, narinig niya pala na tinawag ko siya kanina.

"Wala! May ipapakilala sana ako sa inyong mga kaibigan ko sa lower levels, kaya lang umalis na."

Inakbayan ako ni Rence. "Magaganda ba? Pucha, sayang! Gagraduate na tayo next month, bakit kasi ngayon mo lang naisip na ipakilala? Bobo mo, bro!"

"Hindi ko naman sila palagi nakikita, bobo!" sagot ko.

Kumaway sa akin si Maysie. I waved back. Umiksi ang buhok niya, bagay sa kanya ang gupit. I can't take my eyes off of her. Naninibago kasi ngayon lang siya nag pagupit ng ganyan kaikli. Hanggang balikat ito at mas nadepina ang maliit niyang mukha. 

"Bagay sa'yo, buti naisip mo magpagupit?" ako habang inayos pa ang konting gulo sa buhok niya.

"Oo nga, eh! Binabanas na kasi ako, kaya eto naisipan."

Nalipat kay na Rence ang atensyon niya. Inaasar siya ng mga ito. Nagbalak na pormahan ni Rence si Maysie noon pero hindi ko alam kung bakit hindi na niya tinuloy. Ayoko rin naman lalo wala pang balak na mag seryoso, ayoko naman masaktan si Maysie.

"Narinig niyo ba, kinuha si Villavicencio bilang representative ng swimming team ng girls ngayong buong school year! Nakakainggit!" rinig ko sa mga ilang estudyante na dumaan.

Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga babaeng dumaan. Hindi ko pa siya nakikita ngayong pasukan, kasi hindi ko siya kaklase. Iba ang section niya, eh. Naramdaman ko ang iritasyon ni Maysie nang mag salita siya.

"Pinag-usapan na namin 'yon, ah? Hindi siya tumutupad sa usapan!" aniya. Napakunot noo kami.

"Hoy, anong sinasabi mo?" tanong ni Nhicko. "Inggit ka na naman kay Villavicencio? Kaya ka nagpagupit, 'no? Kasi bagong gupit rin 'yon? Grabe, napaka inggitera mo talaga Maysie!"

"Puwede bang manahimik ka, Nhicko?! Kausap ba kita? Nakakairita!" kinuha niya ang bag, umalis at hindi manlang nagpaalam.

"Alam mo pre, sanay kasi si Maysie na nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi niya matanggap na mas magaling si Villavicencio sa kanya sa larangan ng paglangoy. Nakakairita na nga minsan, men!" si Rence. "Parang bigla ko na lang siyang gustong sampalin, buti narerealize ko pa na babae siya." dagdag pa niya.

Kael and Nhicko chuckled.

"Nakipag-kaibigan lang 'yan doon kasi naiinggit siya. Gusto niya mapansin na naman siya dito sa school. Hindi pa nakuntento, lagi na nga nakadikit sa'yo?" si Nhicko.

"Stop it. Kaibigan ko siya. Alam niyo naman 'yon, pagpasensyahan niyo na lang ang ugali." ani ko.

Napailing naman sina Rence. They mouthed 'spoiling the brat' and I just shrugged. Naiwan kami ni Kael sa table. He's scrolling on his phone, because of curiosity I looked at his phone. I saw Shay's facebook timeline.

Love in Silence (COF #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon