Kabanata 2

427 10 2
                                    

Kabanata 2

"Nadia, kalian tayo pupunta sa inyo?" tanong ni Mica.

"Hindi ko talaga alam, Mica. Ite-text ko na lang kayo 'pag sigurado na," sabi ko dito.

"Bakit ba kasi ayaw mo kaming papuntahin sa inyo, Nadia?"

"Nandoon kasi si Papa Frederico, Mechelle. Ayaw niya ng ibang tao sa bahay."

Nakita kong siniko ni Mechelle si Mica. Magkatapat kami ngayon sa cafeteria, kumakain ng lunch. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Naipinta sa mukha nila na hindi sila naniniwala sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako ng mahina. Totoo naman ang sinabi ko. Ayaw ni Papa Frederico na may pumupunta sa bahay na kaklase ko dahil maingay. Pero mas ayaw kong papuntahin sina Mechelle at Mica doon dahil ayaw kong marinig nila ang hindi magandang salita na sinasabi ni Papa Frederico sa akin.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may humalik sa akin sa pisngi. Nangisay naman ang dalawa na nasa harapan ko. Umupo si Benson sa tabi ko na may ngisi sa labi.

"Benson 'di ba sinabi ko sa'yo na huwag mo kong halikan sa pisngi?" sabi ko dito.

Tumawa ito. "Bakit ba? Magiging girlfriend naman kita, 'di ba?"

"Pero mali pa rin Benson. Maraming nakakita sa atin!"

"So, sinasabi mo na okay lang 'pag walang matang nakatingin?"

"Hindi, mali pa rin iyon!"

"Ano ba, Nadia. Sa halik sa pisngi nagagalit ka na agad?" sambit ni Mica.

Bumaling ako sa kanya. Umaakyat na ang galit sa katawan ko kaya ilang beses akong huminga nang malalim para hindi ako agad mapuno.

"Gusto rin 'yan ni Nadia. Nahihiya lang 'yan magsabi," utas ni Mechelle.

Sinamaan ko ito ng tingin at tumahimik ito. Mabilis akong tumayo sa kinuupuan ko.

"I don't like it, Mica and Mechelle. Any kinds of kissing basta hindi ko asawa ang humalik sa akin, ayaw ko!"

I walked away from them. Nanggagalaiti akong bumalik sa classroom kahit hindi pa ganoon karami ang kinain ko. Sumalampak ako sa upuan at humalukipkip. Nakakairita talaga ang sinabi ni Mica at Mechelle!

"Nadia!" Hapo-hapong humawak si Benson sa pintuan. Nilibot nito ang tingin sa buong classroom at huminga nang malalim nang makita ako.

Lumapit ito sa akin at umupo sa katabi kong upuan. Nasa harapan pa rin ang titig ko. Hindi ko tinapunan ng tingin si Benson na papalapit.

"Pagpasensyahan mo na sina Mica at Mechelle. At hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina sa'yo," mahinang sambit nito.

Hindi ko ito pinansin, at sina Mechelle at Mica hanggang uwian.

"Goodbye, Alina."

Nasa sasakyan na ako. Nakita ko si Alina na papalabas ng campus kaya binaba ko ang windshield.

Tumigil ito sa paglalakad at lumapit sa sasakyan. Merong ngiti sa labi nito. "Paalam, Nadia. Mag-ingat ka," sabi nito sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Alina. Sasabihan ko nasana si Kuya Odin na mag-drive na ngunit mayroong biglang dumamba sa gilid ko.

Gulat akong napahawak sa puso ko. "Ano ba, Benson!"

Tumawa ito ng malakas. "Nasa likod ko si Mica at Mechelle," sinundan ko ng tingin ang likod nito. Nandoon nga ang dalawa at nakatingin sa amin.

"Bakit sila nandoon?"

"Natatakot sila baka galit ka pa sa kanila kaya nagpapasuyo."

"Sabihin mo na hindi ako galit sa kanila. Kung gusto pa nila akong maging kaibigan kausapin kamo nila ako bukas. Aalis na 'ko, Benson. Paalam," sabi ko dito.

Pain of the Past (Lacson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon