Kabanata 35
"I heard our classmates talking about the Lacsons and you..."
Bumaling ako kay Ely. Nakataas na ngayon ang dalawang kilay ko at hinihintay if may idudugtong pa siya sa sinabi niya. Nang wala na ay nagkibit-balikat ako.
"Matagal na nila akong pinag-uusapan. Minsan dahil sa mga Lacson bakit meron silang topic tungkol sa akin," I said and looked back at my book.
Nasa coffee shop kami ngayon. 'Yung coffee shop na nasa gilid ng school at sports complex. 'Yung nasa tabi lang ng Cornerflag na convenience store.
I played with my highlighter using my hand and read what's written on the book.
"Noong una nga ni-stalk kita, unang lumabas agad 'yung mga pictures mo na kasama ang mga Lacson," sambit ni Ely.
"Malaki ang populasyon dito sa inyo na kilala ang mga Lacson, 'no?" Pansin ko lang. And it was kinda big deal to them.
He chuckled. "I don't know them. Naririnig ko lang minsan pangalan nila. Tinitilian at tinitingala ng karamihan, e, kaya sobrang sikat. If they just went to my school when they're still in highschool, maybe we could get along with each other. Baka nga maging close rin sila ng mga pinsan ko, e," sabi nito.
Kinuha ko ang kape na nakapatong sa coaster. I took a sip then put it back on the coaster.
"Speaking of cousins... Euphemia Sannee is really a bitch." Hindi ko mapigilan sabihin ang salitang 'bitch'.
Eleazar Mignus just chuckled at my comment.
"So you agree, too?" I asked.
Tumingin ako sa kanya at nahuli itong umiiling.
"Ask my other cousins, bet they would agree with that," he said in between laughs.
I shook my head. "Sakit nga ng tingin no'n sa akin kanina. Sana hindi na lang natin binigyan ng Mcdo. Parang inabala pa natin siya, e, siya lang naman ang nag-request na magpabili no'n dahil hindi sila pwedeng lumabas ng school."
"Just don't mind her. Maldita talaga si Eanne. Hang out with Evaine Luella, mas mabait iyon at matalino. She will bore you with her international books recommendations," he suggested.
"Yeah, maybe. Kapag merong extra time ako. Pwede kaming mag-date ni Uella sa Book Latté."
"She's going to be happy."
"Agree."
Ely and I went back to study. Meron kaming quiz bukas. Nagsasagot din kami ng iilang take home test papers ngayon. Sinasabay namin ang dalawang ginagawa.
"Tapos mo na ba notes mo sa Biochem?" Ely asked after half an hour of highlighting our books.
I nodded my head. "Yup! Hihingi ka ng copy?"
Ely chuckled. "You knew me so much, Nadia," sambit nito na merong kasamang iling.
Tumawa ako ng mahina. "Of course! You're smart but you have a lazy ass."
"Oh, iniinsulto mo na ako ngayon, Nadia?"
"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. Aminin mo na lang, Ely. You're lazy."
Tumawa ulit ito. "Yeah, yeah. So can I have your notes?"
"S'yempre. Ikaw pa ba?" I chuckled and handed him my iPad.
Alam na niya ang gagawin doon kaya pinabayaan ko siya at binalikan ulit ang libro. My highlighters are color coded. It was Ely's idea at first that made my life and study habit a lot more easier.
![](https://img.wattpad.com/cover/257988003-288-k605747.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain of the Past (Lacson Series #2)
RomanceSanay sa karangyaan si Nadia. Ang mama at nakakatandang kapatid na lalaki ay payag sa kahit na anumang luho nito. Pero isang tao, ang papa nito, ang ayaw na ayaw itong palakihin base sa kung ano ang gusto nito. He wants his only daughter to follow h...