Kabanata 37

255 5 0
                                    

Kabanata 37

I am certain. 

I've checked the attendees name many times before I send it to Alina. Hindi lang naman siya ang may ayaw na makita ang mga Lacson... Ako rin.

Except for Matthan. Many worlds won't sparkle and will be a dull one without him. So, he's a must.

The percentage of Astro in the military car last time at Sol Y Mar was little. I don't know any updates about him. Walang-wala. Imposibleng makakuha ako ng balita tungkol sa kanya dahil mismo si Alina ay umiiwas kay Larkin. Ma'am Esther, Bekah, and Linus don't know him. And Matthan also doesn't talk about him.

No one has a connection regarding Astro.

"Mommy!" sigaw ko nang makapasok na kami sa bahay namin sa Negros.

Alam kong nakasunod ang tatlo sa likod ko kaya hinayaan ko lang sila na pumasok. Hindi nila kailangang mahiya dahil minsan kapag navi-video call si Mama Ada sa akin nakikisama rin ang tatlo at nakikipag biruan kay Mama Ada.

Niyakap ako ni Mama Ada ng mahigpit. Paminsan-minsan naman noong bumisita si Mama sa Iloilo. Noong una mag-isa lang siya pero noong kalaunan ay nakakasama na rin si Papa Frederico kapag hindi ito busy sa trabaho. He's still helping Kuya Nathanielle at Silay.

"Alina!" sa masiglang tono na bati ni Mama Ada kay Alina matapos niya akong pakawalan sa mahigpit na yakap. Niyakap niya si Alina nang mahigpit.

"Ah, Mama, si Bekah," lumapit ako kay Bekah at sunod na pumunta kay Linus. "At Linus po. Kaibigan namin sa Iloilo," I said, even though there's no need in introducing them.

Pero iba kasi ang nakikita nito kapag nagv-video call. At mas mainam na ipakilala ko ang dalawa dahil masaya akong naging kaibigan ko sila.

Nanlaki pa ang mga mata ng dalawa nang bigla silang dambahin ng yakap ni Mama Ada. They hugged Mama Ada and gave her a happy smile.

"Sa kusina na muna tayo at magkuwentuhan. Mamaya na kayo magpahinga," aya ni Mama Ada.

Dahil malapit si Mama Ada kay Bekah, hinablot nito ang kamay ni Bekah para siguro hindi kami umayaw sa gusto nito.

Bumaling sa amin si Bekah nang magsimula na si Mama Ada sa paglalakad patungo sa kusina bitbit siya. I shook my head.

Bekah is looking at us, pleading. Pleading to follow her instantly.

Ang madaldal na si Bekah ay hindi nagpapakita ngayon. Nahihiya pa siguro ito kay Mama Ada. Natatawa ako habang nagmamakaawa pa rin si Bekah namin. Sumunod din naman ako kaagad nang maibigay ko sa katulong ang bag na bitbit.

Napasarap ang kuwentuhan namin. Kung kanina, tahimik si Bekah, ngayon naman ay parang close na sila ni Mama Ada kung makipagkuwento ito.

We've decided to stay in my room. Linus will be sleeping at my bay window. Kasya naman siya roon.

"Sino sila?" Bekah asked.

Naka-upo ako sa kama ng magsalita si Bekah. I turned my head to look at her. She's holding the picture frame that has gold and detailed detailing on the wooden frame.

"They're my friends here," sabi ko at hindi ganoon kasaya ang boses.

Naging mga kaibigan ko rito sa lugar na 'to mismo. Pero para bang dito rin kami nagkawatak-watak at may mga sariling buhay na ngayon.

"Sino itong katabi ni Alina?" tanong ulit ni Bekah.

Tumingin ako kay Alina at nginitian ito ng malungkot.

Umalalay si Linus kay Alina paupo sa tabi ko. Magaling talagang mangramdam si Linus. If he feels like you don't want to talk about it, he will change the topic. If the people around you are making you uncomfortable, he will ask if you wanted to go to some other place. Alam din nito ang ugali naming tatlo.

Pain of the Past (Lacson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon