Kabanata 40
"Saan ka pupunta, Nadia?" si Ma'am Esther.
"Magde-date 'yan po, Ma'am," singit ni Linus.
Sinamaan ko ng tingin si Linus. Agad itong yumuko at binalik ang tingin sa harap ng laptop nito.
"D'yan lang po sa bagong bukas na coffee shop, Ma'am," magalang na sabi ko.
Ma'am Esther nodded her head. "Sige. Mag-ingat ka, ha. Chat ka rin sa akin kung gagabihin ka." Paalala ng matanda.
Ngumiti ako kay Ma'am at tumango. Nagpaalam ako sa kanilang tatlo at lumabas na ng tuluyan sa bahay. Linakad ko ang ang papuntang labas. Nasa tapat lang ng labasan ang coffee shop na tinutukoy ko. Noon, isang bridal shop ang nakatayo sa pupuntahan ko pero pagkatapos na pagkatapos ng kasal ni Alina at Larkin, naging coffee shop na ito.
It's been a year since their wedding. They're now residing at a subdivision here in Iloilo. Paminsan-minsan din kaming dumalaw sa dalawa upang laruin ang anak nila. Ang bilis nilang nagpakasal at ang bilis din magka-anak.
I wonder if that would happen to me. Sa palagay ko'y hindi rin. Wala namang may nanliligaw sa akin. And I am not looking for any suitors as of now. I am happy with my life at okay na ako sa ganitong pamumuhay.
I ordered a refreshing drink from the cafe at isang slice ng cake. Umupo ako malapit sa counter at hinintay na ibigay sa akin ang in-order ko. Habang naghihintay, kinuha ko ang iPad at nanood ng videos doon.
Minsan din akong bumisita sa Negros. Mga once a month. Papa Frederico and I are okay now. Napapangiti ako sa tuwing maalala ang nangyari. At naluluha rin minsan. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam.
"Kumusta ka sa Iloilo?"
I smiled at Papa Frederico and swallowed the food I was eating.
"Okay po, Papa. Nakakapagod po minsan pero makakaya ko pa naman po," I explained.
Tumango-tango ito. Sumubo ito ng kanin. Napatingin ako kay Mama Ada and she nodded her head.
"Ikaw po, 'Pa? Kumusta trabaho niyo sa Silay?" I inquire.
"Okay lang din. Minsan bumisita ang anak ng Kuya Nathanielle mo. Binabanggit niya pa nga sa akin ang pangalan mo dahil tinuturuan ito ng Kuya Nathanielle mo. He would say 'Where is Nurse Nari?'"
"Oh, really? I miss that little one. Sana makabisita ako sa kanya."
"Then come with me tomorrow. Pupunta ako sa opisina."
"Really, Papa?" Disbelief was etched on my voice.
He nodded his head. "Yes, Nadia Maria. And it would be the first time in how many years. I am going to drive the car with you," bulalas ni Papa Frederico.
Ngayon ko lang din napansin. Totoo nga ang sinabi nito. He never drives me to school noon. Parating may driver ako. And we rarely go out. Kapag naman namamasyal kami, he would end up not going at kami lang ni Mama Ada ang natutuloy.
"Nadia..."
I put the spoon down. Papa Frederico broke the silence. Natahimik kami kanina at pinagtuunan namin ang pagkain.
"Remember what I said in the past years?" Kumunot ang noo ko at umiling. Sa sobrang dami nang nasabi nito, halos hindi ko na matandaan lahat. "That not all decisions and choices are should be respected."
It slowly registered in my head. Yeah, he said that way back when I was going out with Astro to buy some school supplies.
Tumango ako kay Papa Frederico. "Opo, Papa."
BINABASA MO ANG
Pain of the Past (Lacson Series #2)
RomansaSanay sa karangyaan si Nadia. Ang mama at nakakatandang kapatid na lalaki ay payag sa kahit na anumang luho nito. Pero isang tao, ang papa nito, ang ayaw na ayaw itong palakihin base sa kung ano ang gusto nito. He wants his only daughter to follow h...