Kabanata 13

162 6 3
                                    

Kabanata 13

"Saan ka pupunta, Nadia Maria?"

Tumigil ako sa paglalakad patungo sa labas. Tumingin ako sa banda ng kusina dahil nandoon nanggaling ang boses. I saw my Mama Ada leaning on the wooden door. Nakahalukipkip ito sa akin at nakataas ang isang kilay.

I smiled at her. "May kikitain lang, Mama Ada," sagot ko kay Mama.

Umayos ito ng tayo at tumango. "Mag-ingat ka," paalala nito.

"Opo, at pakisabi na lang po kina Matthan kapag dumating sila rito na nasa pusod ng Purok Rita ako pupunta," sabi ko.

"Doon ka pupunta?" tanong ni Mama Ada habang paunti-unting kumunot ang noo nito.

"Opo."

"Mag-ingat ka roon. Hindi magandang lugar 'yang pupuntahan mo."

Binilinan pa ako ni Mama Ada ng ilang linya bago ako hinayaang umalis ng bahay. Naghihintay na si Kuya Odin sa akin sa labas ng sasakyan. Nang makita akong lumabas ng pintuan ay pumasok din ito agad sa sasakyan.

Alam na ni Kuya Odin na pupunta ako sa Purok Rita. Nasabi ko na sa kanya kahapon noong bumaba ako sa sasakyan, kaya hindi ko na binalita sa kanya ngayon ang pupuntahan.

It was a long ride to Purok Rita. Hindi ko naman first time na pumunta rito kasi nadadaanan namin ito kapag napupunta sa mansyon ng mga Lacson. Mahirap lang ang biyahe dahil lubak-lubak ang daan.

Lumiko ang kotse sa isang daan. Papasok na iyon sa pusod. Merong mga kabahayan pero habang tumatagal ay nagiging konti na lang ang mga iyon.

"Hanggang dito na lang ang kotse, Nadia. Kailangan mong pumasok doon mag-isa dahil hindi na makakapasok ang koste roon," sabi ni Kuya Odin.

Tumango ako. "Dito na lang po kayo."

Hindi ko na hinintay si Kuya Odin na magsalita at lumabas na sa kotse.

Isang bahay na gawa sa semento ang bumungad sa aking pagbaba. Iyon lang ang tanging bahay na gawa sa semento sa linyang iyon at halos lahat ay gawa na sa kahoy.

Nagsimula na ako sa paglalakad. Hindi kita ang lumang bahay kung nasaan naka-park si Kuya Odin. Kailangan ko siguro maglakad ng ilang minuto pa. Sa kaliwang bahagi, makikita ang mga nagtataasang puno. Sa kanan naman ay ang mga tubo.

Kinuha ko ang cellphone sa sling bag na dala at pinadalhan ng text si Con.

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bag nang mag-vibrate ito. Hindi ko na sana titingnan pa at baka si Con lang iyon pero tiningnan ko pa rin. 

Kumunot ang noo ko at tumigil sa paglalakad.

It was from an unknown number.

Unknown Number:

Where are you?

Hindi ko iyon sinagot at pinatay na ang cellphone at binalik sa bag. Nagsimula ako ulit sa paglalakad. Medyo malayo nga ang bahay na luma at wala kang makikitang bahay na malapit dito. Tanging mga barbed wires lang ang nakikita ko na nakapalibot sa kaliwang panig ng dinadaanan ko. Siguro private property pero hindi na pinupuntahan ng may ari kaya tinatambayan na lang.

Naka ngising si Con ang bumati sa akin. Nasa labas ito ng bahay. Hindi ko kita ang loob dahil kumpleto ang dingding ng bahay na nakaharap sa dinaanan ko.

"Sana kinuha na lang kita roon sa pinaghintuan ng sasakyan niyo," sabi ni Con nang malapit na ako sa kanya.

"Hindi naman na kailangan, Con, at kaya kong pumunta rito mag-isa," sagot ko.

Pain of the Past (Lacson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon