"Jessica"
BLOGGG!!!!
"Ano ba peter ang ingay ingay mo naman eh, bakit ba?" Irita kong tanong sakanya.
"Tara na teh, tulog ang mga body guards mo." -Peter
"Grabe ang aga naman pwedeng matulog muna tayo kahit additional 1 hour pa." Hingi ko ng dag-dag oras.
"Sira ulo ka sis, tatakas pa ba tayo o dito ka na lang?" -Peter
Hayts kahit kailan talaga asar tong si Peter.
Napapikit ulit ako para ipagpatuloy ang pag-tulog ko.
AHHHH!!!
"Ano ba! Gising na" -Peter
Napamulat ako.
O___O!!! "AAAHH------"
"SShhhh!! Wag ka ngang maingay, mahuhuli ako sa ginagawa mo." -Peter
" Sino bang hindi magugulat sa ginawa mo kanina? Ang lapit kaya ng mukha mo sakin, may balak ka bang halikan ako?"
"Feelingera ka teh, hindi tayo talo no." Sabi ko nga, Bi-sexual po si Peter Von Halter, napaka-ironic no kasi kung gaano kagwapo niya at kaganda ng pangalan ay kabaliktaran sa kung gaano siya kalambot.
Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan dahil ayoko sa mga bading, hindi ako nakikipag-kaibigan sakanila pero parang nagbago ang lahat ng makilala ko si Peter.
Mas naintindihan ko ang Bi-sexual ng dahil sakanya, hindi pala lahat masama.
Unang tingin talagang iisipin mong straight na lalake si Peter pero pag nag-salita at gumalaw? >___< Alam na.
"Bilisan mo nga diyan at ng makaalis na tayo." Parang mas excited pa siya eh hindi naman siya yung nakaisip ng ideyang ito kundi ako! AKO!!
"Wait lang" Agad akong bumangon at nagpalit. Isinuot ko ang plain t-shirt na nakaprepare na kagabi at skinny jeans at syempre mawawala ba ang aking shades. So excited na ako, first time ko kasi ang umalis sa mansion eh ng hindi nagpapa-alam. kung tutuusin wala namang nagpapa-alam kung tatakas eh.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami tatakas? Ito ay dahil sa gusto akong ipakasal ng aking magulang sa anak ng bago nilang business partner, wow ha uso pa pala sa panahon ngayon ang fix marriage na ganyan. -__-
Ayoko kayang mapabilang sa ganong angkan at hindi ko pa nakikita yung taong magpapatibok ng puso ko, kaya definitely no. Naniniwala kasi ako sa true love, sa destiny at forever. Alam ko na darating ang taong para sakin.
"Jessica! Ano aalis na ba tayo o maiwan ka dito?" mukhang galit na ang bestfriend ko ah.
Natawa na lang ako.
Paglabas namin ng kwarto ay dali-dali niya akong tinutulak pabalik.
"Ano ba?" Singhal ko sakanya, nagmamadali tapos babalik. Tsk
"May tao nga" Agad akong pumasok sa loob, itinago ko siya sa cabinet ko at isinuksok sa ilalim ng kama ang bag namin.
Agad akong humiga, sakto namang bumukas ang pinto. Hindi siya lumapit sakin pero nasense kong hindi si mommy o daddy yun kaya kinabahan ako. Naalala ko tuloy yung panaginip ko kanina, hindi ko alam pero parang totoo ang lahat.
Di nagtagal ay bumukas ang pinto at lumabas siya. Sino kaya yun? Madilim kasi at alam ng lahat ng tao dito na hindi ako nakailaw pagmatulog.
Lumabas na rin si Peter sa pinagtataguan niya.
"Whew, muntik na tayo dun ah, sino kaya yun? Matapang ang pabango niya eh, kilala mo ba?" Tanong niya, agad naman akong napatingin sakanya. Hindi ko rin kasi kilala kung sino nagmamay-ari ng pabangong ganun.
Umiling ako bilang tugon. Ang weird ha.
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
Любовные романыKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...