Chapter XV

18 1 0
                                    

"Mommy? Paano mo-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla siyang nagsalita.

"Mukhang okay ka na naman, nasaan ka?" Tanong ulit ni mommy

Pansin ko na galit siya, na pawang pinipilit lang ang sariling kumalma.

"Mommy okay lang ako" Sabad ko.

"Mukha ba kami naglalaro ng daddy mo ha, Jessica? Mukha ba kaming masaya ng daddy mo sa ginawa mo? Mukha ba kaming okay?" Kalmado parin pero nararamdaman kong nagpipigil na si mommy.

"Mommy hindi mo kasi ako naiintindihan." sabi ko

"Alin ang di namin maintindihan sa ginawa mo? Umalis ka ng walang paalam, sumama ka sa baklang kaibigan mo. Matino ba yun? Tell me. Tapos sasabihin mo samin na okay ka, samantalang kami dito ay nagaalala hindi namin alam kung saan ka hahagilapin." Sabi niya

" Mom, sorry" Alam kong mali ko kaso may reasons ako.

"Your sorry isn't enough para mapatawad ka namin ng daddy mo. Bukas mismo ay bumalik ka dito sa bahay." Sabi niya.

😳😳😩😩😩

"No! Hindi ako babalik diyan. Hayaan niyo nalang po ako." sabi ko

"Aba't bastos kang bata ka ha. Tumatanggi ka sa amin?! Ako na ina mo ay susuwayin mo? Hindi ka namin pinalaki na ganyan." saad niya

"Mommy, nagpapasalamat po ako na kayo ang naging magulang ko. Sobrang laki ng sakripisyo niyo saakin para palakihin ako ng maayos. Pinaaral niyo ako sa magandang school at binigay ang lahat ng naisin ko pero po kasi hindi ko po magagawang sundin ang gusto niyo na magpakasal ako kung kanino niyo gusto." sabi ko

" Anak kung ipapakasal ka man namin ay alam namin na sa mabuting pamilya ka mapupunta. Yung panatag kami na hindi ka maghihirap pag wala na kami ng daddy mo."

"Mommy,hindi po mangyayari yun at kung maghirap man tayo ay okay lang po sakin. Wala na pong halaga ang mamahaling bagay sakin. Masaya po ako sa simpleng pamumuhay lang" sabi ko

"Sinasabi mo yan dahil bata ka pa. Alalahanin mo ang future mo, future ng mga anak mo. Lahat ng magulang ay gugustuhin ng magandang buhay para sa anak nila. Kaya kami nagpapakapagod ay para ma ibigay ang lahat ng iyon sayo." sabi ni mommy

"Mom, hindi ko naman hiniling na ibigay niyo iyon. Oras niyo po ang kailangan ko. Wala kayo madalas sa mga importanteng araw ng buhay ko. Sa sobrang busy niyo na ibigay ang alam niyong pangangailangan ko, nakalimutan niyong nandito ako hinihiling ang oras niyo. Lumalaki akong wala kayo sa tabi ko"

"Hindi mo man hilingin ay obligasyon ko yun bilang isang magulang. Ang nakikitang okay ka. Hindi mo man kami nakasama sa paglaki mo at tiniyak naman namin ng dad mong nasa maayos ka. Malalaman mo din ang mga bagay na ito kapag naging ina ka na." sabi niya.

Natahimik ako.
Baka nga maganda naman ang intensiyon nila.

"Umuwi ka sa lalong madaling panahon. Nakita ko ang bestfriend ko nung High school at gusto ko kayo ng anak niya ang magkatuluyan. Pinahiya mo na ako minsan Jessica, this time ay di na kita mapapatawad kung susuwayin mo pa kami ng dad mo." banta niya.

"Mom, ayokong magpakasal sa kahit na sinong pontio pilatong kilala niyo. Graduate ako ng business admin at makakatulong ako sa business ninyo ni dad. Trust me magagawa kong iangat ang sarili ko." sabi ko

"No Jessica, uuwi ka dito at susundin mo ang gusto ko!" giit niya

"pero mom ayaw ko nga pong magpak--" di pa natapos ang sasabihin ko ay binaba na niya ang telepono.

Parang ang bilis lang kasi ng gusto nilang gawin ko. Sila kaya gumawa non? Tsk hindi ko maimagine ang sarili kong magpakasal sa taong di ko kilala.

😭😭😭😭

Tatabi ako sa taong di ko naman gusto tapos mamaya pala ay manyak.
Anong gagawin ko???

Mayamaya pa ay tumawag ang pinsan ko.

[Ring... Ring.. Ring]

"Sorry couz, hindi na ako nakatanggi sa mommy mo. Narinig kasi niya tayong naguusap, pinagalitan niya ako dahil di ko sinabi sakanila na nakakausap kita. Sorry talaga. Natakot kasi ako na baka isumbong ako kay mommy." paghihingi niya ng paumanhin.

"Hayaan mo na, ano pang magagawa natin eh nakausap na niya ako" sabi ko

"uuwi na daw ako" sabi ko
"uuwi ka na talaga?" tanong niya.
"Di ko pa alam eh" sagot ko.
"Busy sila masyado, wala ngang natitira sa mansion." saad niya. Simula nung umalis ka ang lungkot na nga lalo pang naging malungkot." dugtong nito.

Totoo yun, noon halos mga yaya ko kausap ko. Tatawagin lang ako kung kakain at buong araw ay magkukukong sa kwarto. Di pa uso noon ang instagram at facebook. Wala din twitter. Gumagawa lang ako ng diary at kung anu-anong kwentong maisip ko tapos isusulat ko sa notebook ko. Inuubos ko ang oras ko sa pagbabasa at paguukit ng mga bagay na nakikita ko sa mga bansang pinupuntahan ko.

"Hindi siguro muna ako uuwi" sabi ko.
"Naku paano kung magalit sila sayo, paano kung idamay nila si Peter? Baka ipakulong ng mommy mo si Peter" sabi nito.
"Hindi ko hahayaan yun dahil ang lahat ng nangyari ay ideya ko" sagot ko.
"Bahala ka Jessica, tutal malaki ka na at buhay mo yan. Sana isipin mo lang ng mabuti ang gagawin mo." Pagreremind niya sakin.
"Salamat couz, wag kang magalala magiging okay din ang lahat. Matatanggap din nila mommy na hindi sagot ang pagpapakasal. Kaya kong mabuhay magisa if ever man yun ang kinakatakot nila. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko.
"Ingat ka parati diyan. Sana nga maging okay na ang lahat. Namimiss na talaga kita. Sana makabalik ka bago ako umalis." malungkot na saad nito.
"Anong aalis?" Tanong ko
"Titira na ako sa paris next year couz, magaaral ako doon gusto ko kasing makamit ang pangarap kong maging fashion designer." masayang balita nito

Natutuwa ako sa pinsan kong iyon dahil lahat ng gusto niya nakukuha niya at suporta sakanya ang magulang niya. Bunso siya sa apat na magkakapatid at hindi uso sakanila ang fixed marriage. Kaya malaya silang mamili ng mapapangasawa.

Sana ganun din sakin, sana ako din. Malaya...


Inaantok na ako. Magpapahinga na muna ako. Stress kausap si mama. Naiwan pa rin sa isip ko ang tanong ni mama kung uuwi ba ako?

Kinapa ko ang sarili ko, ready na ba akong umuwi? Ready na ba ako sa gusto nila? Ready ka na ba Jessica? 

Chasing Jessica [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon