Chapter X: Picture of you

26 3 0
                                    

2 PM... grabe 4hrs. akong tulog.. hindi pa ako kumain, tinignan ko si Peter sa tabi ko =_____________=

Tulog.. wala ba siyang balak kumain?

Kakain na siguro muna ako pagkatapos ay gigisingin ko nalang si Peter.

Bumaba ako at dumaretso sa kusina..

"oh hija, halika dito kain tayo" -yaya ni tita.

Eh? ngumiti ako at lumapit sakanya.. Ang bait niya ata? Baka bumabawi lang siya kanina sa ginawa niya.. hatys.. teka ganito yung napapanuod ko sa mga teleserye, kunwari mabait sila may maitim silang balak..

=__________= Ano na naman kaya?

Tumayo si tita at kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor, pagkatapos ay binigay niya sakin..

"Salamat po tita" -sabi ko

Ngumiti siya..

"Pasensiya ka na hija dun sa kanina, padalos-dalos ako. Hindi ko muna tinanong si Peter." -Sabi ni tita.

"Okay lang po tita" -sabi ko..

Sinungaling ka Jessica!! Anong okay ka diyan, mukha mo.. hahaha

"Napansin ko kasi kanina nung kinuha ko yung mga bulaklak mo may sampaguita, natawa ako kasi wala naman akong tanin na ganun." -tita

Natawa ako.. Si PEter kasi pati sampaguita isinama pa para magpakilig.. pero ang cute lang..

"mahal na mahal ka ng anak ko.. ikaw pa lang ang unang babaeng pinakilala niya samin." -tita

Ngumiti ako.

"oh siya, kain na" -tita

Kumain naman ako..

Ang daldal ni tita, ang dami niyang kwento.. okay naman siya kung hindi sinumpong ng topak..

Napansin ko pang lumapit sakin si tita..

O________O

Hinawakan niya ang buhok ko.. nagulat ako.. Anong binabalak mo tita?

Inayos niya sa kamay at pinagsama-sama ang bawat hibla nito, di kaya?

Tita??

Hindi ako makagalaw.. hayts wag kang praning Jessica.. 

maya-maya pa ay nilagyan niya ng tali at sinuklay gamit ang kamay..

"Ayan, presko ka na, ang init di ka nagpupusod. Ako tong naiinitan sa buhok mo, ang ganda mo pa naman" -tita

Wew!! buti nalang.. napangiti ako..

"Alam mo ba hija." tita

Hindi ko pa po alam tita.. kaloka, tatanungin ako tapos bibitinin ako.. anong alam ko?

"gustong-gusto kong magkaroon ng babaeng anak, kaso hindi na nasundan kasi sensitive ang pag-bubuntis ko" -paliwanag ni tita.

Siguro kung may anak si tita na babae, may kausap siya ngayon.. may binibilhan ng damit.. may inaayusan.. may kausap about sa lovelife.. hehe at for sure may nang-iinis, maingay at nang-aaway kay Peter ngayon.. magiging close kaya kami kung nagkataon?

"Ang ganda mo hija, ang swerte naman ng anak ko at nakita ka niya. hahaha" -tita

Nakakahiya naman.. ahh!! uminit tuloy ang pisngi ko sa narinig ko.. 

"Thank you po." -sabi ko

"may kahawig ka eh" -sabi ni tita at parang nag-isip ng malalim, inaalala siguro kung sino ang kamukha ko.

Chasing Jessica [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon