Prologue

83 6 12
                                    

"Jessica, umalis ka diyan pakiusap." Narinig kong sigaw ni Peter. Sinubukan kong umalis pero hindi ako makagalaw. Ang bawat makita ko ay napapalibutan ng itim na usok.

"Pakiusap wag niyo siyang sasaktan." Narinig ko muli si Peter, nagmamaka-awa sa isang lalakeng patuloy na sinasaktan siya.

Rinig ko ang bawat daing niya, ang bawat iyak at sa twing sisigaw siya ay hindi ko mapigilang mapapikit. Ramdam ko ang pag-hihirap niya.

Sa isang iglap ay nagawa niyang sipain ang kalaban at hinila ako palayo sa lugar na yon. Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang di ako makagalaw.

"Tumakas ka, tumakbo ka ng sobrang bilis hanggang sa di ka nila maabutan. Iligtas mo ang sarili mo." Pakiusap niya habang hawak ang mukha ko.

Nalilito ako, susunod ba ako at iwan siya dito mag-isa?

"Tumakbo ka na, umalis ka na dito!" Sabi niya at tinulak ako palayo.

"Habulin sila! Habulin niyo ang babaeng yon!" Narinig ko pang utos ng boss nila.

Sa gilid ng mata ko ay kitang-kita ko ang mga taong nanunuod. Nag-kukwentuhan at nagtatawanan. Wala ba silang pakealam samin? Nagpapatayan na at nandito sila?

"Jessica!"

Itutuloy....

Chasing Jessica [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon