Medyo malayo ang dagat sa bahay nila Peter kaya naman dinala niya ang sasakyan niya.
"Matutuwa ka sa tiangge doon, grabe nagkalat sobrang dami ng mabibili." - Peter
"Sayang, dapat pala sinama natin sina Tin." - Ako
Kanina kasi sa bahay ng malaman nilang lalabas kami excited din sila, akala ko talaga kasama silang dalawa.
"Wag na next time na siguro. Bilhan nalang natin sila" - suggestion ni Peter.
"Okay" - Ako
Sa wakas ay nakarating na rin kami.
Nag-hanap si PEter ng pwedeng parkingan.
Mula dito ay tanaw ko na ang dagat!! White sand!!
"Jessica, ano bang nangyayari sayo, para kang natatae diyan?" - Peter
"Kasi naman ang ganda ng dagat oh!!" - Ako sabay turo
"Yung shades at sumbrero isuot mo, sobrang init sa labas" - paalala ni Peter
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Peter.. haha who cares?
Ang ganda ng dagat, yung white sand nagkikislapan!
Nagmadali akong lumabas ng sasakyan at tumakbo palabas.
"Jessica!! Wait lang!" - narinig kong sigaw ni Peter
"Dito lang ako!" - Ako
Hindi naman masyadong marami ang turista ngayon pero sobrang dami ng tiangge
Tinanaw ko si Peter at hayun abalang inaayos ang mga gamit namin. Plano kasi niyang mag-stay kami dito hanggang 12 am, kaya naman nag-dala ng kumot at unan.
"Peter!! Mamaya na yan, maglalakad-lakad na muna tayo!" - sigaw ko.
Ang kulit niya kasi, hindi organize ang isip.
Ayun nga at binalik niya ulit sa compartment ng sasakyan ang mga gamit.
-___________-
BOOOOOGSSHH!!!!
"Aray!!" - Ako
"Sorry miss, okay ka lang?" -Tanong ni boy bangga.
"Okay? tumingin ka kasi sa dinada---" hindi ko maituloy-tuloy ang sinasabi ko, ang gwapo niya!!
^O^
Half naked siya, nakashorts lang ang halatang pinag-papawisan!! Grabe!! Woohooh!! Sarap ng summer heat!!
Tinulungan niya akong tumayo at magkasing-tangkad sila ni Peter.. Ang bango!! Ang bango ng pawis niya!!
"Sorry talaga miss" - Boy banangga
"Okay lang ako" - Ako
"Sigurado ka?" - Tanong niya
"Actually masakit yung--------" - Ako.
"Jessica!!" - Peter
>O< Panira ng moment!!
"Ang alin?" - Tanong ni boy bangga
"Yung ano-----" - Ako, kaasar hindi ko matapos-tapos, Peter kasi mamaya kana.
Nakalapit na nga si Boy-Istorbo/epal/panira.. Hayts!! Istorbo sa moment ko dito.
Bigla akong hinila ni Peter at hinarap ko siya.
"Aray ko naman" - reklamo ko
"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" - Tanong ni Peter
"Okay na sana nung hindi ka dumating." - Bulong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
RomanceKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...