"Sir, kanina pa po kayo hinihintay ng papa mo" -boses ni tin
ano bang meron at ang ingay nila?
"sabihin mo kay papa mauna na siya, susunod nalang ako" -narinig kong sabi ni Peter
"sir baka kasi magalit po siya" -tin
Magagalit si tito, bakit?
Kunwari kasi tulog ako kaya di nila alam na nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.
"Hindi siya magagalit Tin, trust me basta sabihin mo na susunod ako at hindi tatakas.." -Peter
anong hindi tatakas? Ang gulo naman ng mga tao dito..
"pero sir" -tin
"sige na, baka ako pa ang magalit sayo. So please" -Peter
Narinig ko nalang na nagsara ang pintuan.. lumabas na ata si Tin kaya naman minulat ko ang isang mata at nanatiling nakapikit ang isa..
ang gwapo.. naka-suit ang tie siya na nakaharap sa salamin, inaayos ang buhok.. Hindi ko mapigilang mas lalong mainlove sa baklang to.. grabe ang gwapo naman kasi..
Teka?! Ngayon ba yung sinasabi niyang tutulungan niya ang papa niya? Eh? Bakit di niya ako ginising para sana nakapag-bihis na rin sana ako. Hindi niya ba ako isasama? Iiwan niya ako dito mag-isa? Kasama si Tita!! Oh NO!!
Panatag naman ako kay tita pero may sumpong siya minsan..May lahi silang bipolar!! Siomai Palaka naman oh!
Humarap sa gawi ko si Peter kaya naman napapikit naman ako bigla.
Naramdaman ko nalang na lumapit siya..Napansin niya bang gising na ako..
"Kung di ka pa gigising diyan, hahalikan kita" -bulong niya
Syempre gusto ko ng kiss niya kaya naman di ako susunod sakanya. hahaha joke lang.. ayan na gising na. tsk
Napangiti siya at tumayo ng tuwid, inayos ang damit at kinuha ang sapatos.
"buti nalang nagising ka na, hindi kasi ako makaka-alis hangga't di ka pa gising." -sabi niya habang sinusuot ang sapatos. "pupunta akong work ngayon, dito ka muna" dagdag niya
Hanep parang asawa lang na nag-papaalam sakin.. paano kaya? kung magkatuluyan kami ng baklang to? Hindi ko na poproblemahin ang lahi namin kasi maganda naman ako, magkakaproblema lang siguro ako ng konti sa lahi ni Peter.. hahaha joke.. gwapo siya may breed kasi.. haha aso lang?
"sasama ako" -sabi ko
"wag na mapapagod ka lang doon at baka di kita maasikaso kasi nandoon daw yung isang client ni dad" -sabi niya
"Peter mas mabobored ako dito kaya please isama mo na ako, saglit lang ako maligo." -sabi ko
"nandito naman si mama, makipag-kwentuhan ka sakanya o di kaya tawagan mo yung kaibigan mo at papuntahin mo dito pero wag kang lalabas ha" -suggestion niya
"wow ha, nakakulong lang ang peg ko?" -sarkastikong sabi ko
"Jessica, alam naman natin na pinag-hahanap ka di ba? bakit di ka nalang mag-ingat?" -Peter
"Fine! nandito ako sa paraisong lugar kung tawagin, hindi ko naman maenjoy!" -sabi ko
"sabihin mo yan sa magulang mo na itigil na nila ang pag-hahanap sayo at ng makagala ka." -sabi niya
"Ikaw kaya mag-sabi, tutal mayaman naman kayo at sabihin natin na may relasyon tayo?" -suggestion ko
"sinasagot mo na ako?" -tanong niya
"hindi pa" -sagot ko
"tsk" -Peter
"kulang pa sa effort" -sabi ko
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
RomanceKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...