Jessica P.O.V
Naalimpungantan ako sa ingay na naririnig ko sa labas.. Tiningnan ko ang oras at 8:00 am na pala, tiningna ko si Peter at ang himbing ng tulog.
Ang gwapo talaga ng baklang to.
("Naku naman adam, kakauwi mo lang aalis ka ulit?" -Tita)
Ang lakas ng boses ni tita at parang may kaaway siya.
("Kailangan Maribeth, hayaan mo nalang ako" -boses ng lalake)
Papa siguro ni Peter yung kausap ni Tita.
("Hayaan? puro nalang hayaan ko nalang kayo, pareho kayo ng anak mo ano nalang ang papel ko dito? Palamuti sa bahay na to?" - rinig kong sabi ni tita)
("Kailangan ako ng kumpanya" -Tito)
("So ako hindi mo tatanungin kung kailangan kita? Asawa mo ako at nag-iisa lang ang anak natin pero kung mag-trabaho ka parang isang barangay ang kailangan mong buhayin. Tama na, binigay mo na lahat sa trabaho."-pakiusap ni tita)
("Walang pupuntahan ang pag-uusap na to, hayaan mo na akong umalis." -Tito)
("Wala talagang halaga ang boses ko sainyo, Adam naman hindi ko naman pinag-kakait sayo ang trabaho mo pero sana naman magpahinga ka naman. Magstay sa bahay, yung may kasabay man lang ako sa panunuod ng t.v at kasalo sa pag-kain." -Tita)
Narinig kong humihikbi na si Tita.
napabangon ako bigla.
"Peter, gising!!" -ako, malakas kong tinapik si Peter.
("Wag kang mag-drama Maribeth, umagang-umaga nakakahiya sa mga tao dito."-Tito)
Okay lang po tito, wag niyo kaming intindihin dito. ^______^
("Kailangan ko ng asawa hindi ng taong mas mahal pa ang trabaho kaysa sa pamilya niya. Dalawang tao nawala si Peter at ikaw nandito nga pero uuwi lang kung kailan mo gusto. Magsabi ka nga ng totoo may babae ka bang inuuwian?" - Tita)
Hala galit na si Tita
"Hoy Peter!! Gumising ka! Nag-aaway ng mama at papa mo." - yinugyog ko siya para magising.
-_____________-
"Hayaan mo sila, normal na sakanila yan. Mag-babati rin sila." -Peter, nakapikit pa rin siya.
("ayan na naman tayo eh, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong babae" -Tito)
("Eh lalakeng inuuwian?" -Tita)
>_______<
("anong akala mo sakin, bakla? Maribeth ano ba, mahalaga ang bawat oras sa akin, may masayang lang na isang minuto pinag-sisisihan ko na." -Tito)
("Adam, nasira ang marriage natin dahil sa sobrang pag-tatrabaho mo. Please naman Adam, kahit isang araw lang ibinigay mo na sa akin" -Pagmamakaawa ni Tita)
Kawawa naman si Tita, kailangan niya pang mag-makaawa ng atensiyon sa asawa niya. Si tita lang ba ang lumalaban para sa pamilya niya?
("Sorry honey, pero marami pa akong gagawin. Aalis na ako." -tito)
Hindi ko na narinig si tita na nagsalita
Narinig kong bumukas ang pinto sa kwaro nila, siguro lumabas na si tito para umalis..
Bakit ganon? Kahit siguro sobrang inis ako kay tita dahil sa mga pinag-sasabi niya sakin, naaawa parin ako sakanya ngayon. Ilang beses ko na siyang narinig na nag-makaawa sa dalawang taong mahal niya pero parehong binigo siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
RomanceKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...