{A/N: (SUPER SLOW UPDATE).. Pasensiya na guys kung matagal mag-update. Pumapag-ibig na kasi ang writer niyo kaya busy =)}
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hindi ko na hinintay na maka-alis si Kyle, dirediretso na akong pumasok sa loob.
Mas maganda na sigurong masaktan ko siya kaysa papatagalin ko pa, aasa lang siya.
[RING...RING..] Si Sophia tumatawag..
"Bakit Couz?" Tanong ko.
"Couz asan ka ba? Gusto kong pumunta diyan." Sabi niya
"Hindi kasi couz, baka kasi malaman nila mommy." Sabi ko sakanya.
"Nababagot na ako dito, sana ganyan din ang buhay ko tulad mo para may trill naman. Hayts" Saad nito.
"Hindi rin, ayoko na nga couz, kasi ang hirap magtago, ang hirap tumakbo. Parang di na matatapos. Takot na mahuli, nakakapagod." Sabi ko.
"Kung pagod ka na pala, bakit di ka pa sumuko? Bumalik ka na dito. " - Sophia
"Sumuko? Para ano? Para gawin nila ang gusto nila. Wag na couz, mas okay na ako sa ganito. Basta pinapangako ko sayo na okay lang ako." -Sabi ko.
"Mahal mo na si Peter, umamin ka." - Sophia
"Oo, parang sa araw-araw na ginawa ng Diyos mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo ko siyang minamahal. Ayoko siyang mawala sa paningin ko." - Sabi ko
"Patay tayo diyan." -Sophia "Paano na lang dumating na ang araw na kailangan mo na siyang iwan?"
"Di mangyayari yun, titiyakin kong di kami maghihiwalay, hindi ko siya iiwan. Gagawin ko lahat couz para di kami magkalayo."
"Goodluck. Ano ng ginagawa mo?" Tanong niya.
"Heto nakahiga, inaantok na nga ako." - Sabi ko
"Asan si Peter?"
"Nasa office nila, tinuturuan ng daddy niya. Tagapag-mana din tulad natin." Sabi ko na medyo natatawa.
"Ang hirap no couz, minsan inisip ko na sana simpleng tao nalang ako. May saktong perang pang shopping. ahaha" Sophia
Loko-loko talaga to, gusto ng simple pero ayaw mawalan ng perang pangshopping.
Siya ang pinsan ko na ginagawang divisoria ang pamimili ng damit sa ibang bansa. Sa lahat ng pinsan ko, siya lang ang kaclose ko.
ZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Tsup.
Nagising ako sa isang halik sa pisngi. Pagmulat ko ng mata ay si Peter ang nakita ko.
"Kadarating mo lang?" Tanong ko.
Tumango siya. "Nakakapagod, daming ginagawa" - sabi niya
Lumapit ako sakanya at minasahe ang balikat niya. Napapikit siya.. Nagustuhan niya siguro ang ginagawa ko.
"Maalala ko ganito ang ginagawa ni mommy kay daddy pag-umuuwi sila galing sa trabaho"
Napangiti naman si Peter.
"Naiimagine ko na ang future natin, balang-araw malalaman ng lahat na mahal kita at twing uuwi ako nandiyan kang sasalubong sakin. Kung hindi yakap ay halik, ako naman ay galing sa trabaho." Sabi niya
Nakakatuwa dahil sinasama niya ako sa pangarap niya. Ako? Ano bang pangarap ko? wala pa akong maisip.. Maliban sa makasama siya ay wala na..
"Hoi, bakit napapangiti ka diyan?"Tanong niya
"Iniisip ko kasi na kung ganito ang buhay natin at tayo ang magkakatuluyan.. Sigurado makukulit ang mga anak natin."- Ako
"hahaha, oo sobrang kulit nila pero sweet. Gusto ko babae ang panganay natin." -Peter
"Babae? Di ba halos lahat ng lalake, gusto nila lalake ang panganay."- Tanong ko.
Napangiti siya. "Wala kasi akong ate, kaya gusto ko babae ang panganay." - Sabi niya
Napangiti narin ako.. Sigurado magiging mabuti siyang daddy.. Ako kaya? Magiging mabuti kaya akong mommy? Ahh.. Ayoko munang isipin yan.. Natatakot ako. Paano kung hindi siya tanggapin nila mommy at daddy? Hindi naman siuro, nanggaling naman si Peter sa mabuting pamilya at sigurado akong matatanggap din nila kung sakali man.
"Nakatulala ka na naman, an dami mong iniisip ha. Ano nga palang nangyari kanina nung hinatid ka ni Kyle" Pag-iiba ni Peter sa usapan.
"Wala naman."
"Ah okay, sabihin mo sakin kung anong ginagawa niya ha baka mamaya niyan off limit na siya. Bawal kang hawakan, ako lang." Sabi ni Peter sabay ngiti.
"Ganon?" Natatawang saad ko. "Hindi na lalapit sakin si Kyle" Sabi ko sabay tingin sakanya.
"What do you mean?" Peter
"Tinanggalan na po kasi kita ng karibal, naaawa kasi ako sayo." Sabi ko
"Wow ha, oi Jessica hindi ako natatakot don at kahit si James Reid pa ang iharap mo sakin malakas ang kumpiyansa kong ako ang sasagutin mo." -Peter
"Ang yabang mo ha at di ka talaga natatakot pag si James Reid talaga manliligaw sakin?" -Tanong ko. "Bakit naman?"
"Una sa lahat hindi ka niya type dahil payatot ka at pangalawa dahil ako ang mahal mo." -Sagot niya.
"Hoi bakla, anong hindi ako type ni James Reid may pruweba ka ba? Naku baka pag nakita ako nun, umiyak ka diyan at hindi ako payat ang tawag dito SEXY! Well tama ka naman sa pangalawa." -Sabi ko.
"Sus, wait nga lang magpapalit na ako ng damit." -Saad niya
Nagiging lalake na ba siya, well lalake naman talaga siya hindi lang straight. Kaso what if nahulog na ako sakanya ng tuluyan tapos biglang magbago ang lahat. Paano kung mas malandi pa siya sakin at piliin ang lalake kesa sakin. Natatawa ako na parang naaasar sa sarili, magseselos ba ako kung magkipagrelasyon siya sa lalake? Ang pagsabi niya ng mahal niya ako, lahat ng pinapakita niyang sweetness at pagaalala sakin. Acting ba lahat ng to? Nalilito ako sa kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Dahil unti unti akong nahuhulog sakanya at inaamin kong mahal ko siya. Higit pa sa pagiging best friend namin pero mahal ko siya kung ano siya bilang siya. Kahit pa bakla siya, kahit pa maghanap siya ng iba. Hayts. Nakakaloka na talaga tong sitwasyon ko. Well enjoy ko nalang at bakasyon ko/pagtakas sa realidad. Pagtakas sa mga taong pinipilit gawin ang gusto nila, sinasaktan sa bawat desisyon at sinasakal sa bawat ginagawa nila. Ayoko ng magisip, nakakapanget lang.
[Ring... Ring.. Ring]
Sino tong tumatawag? Unknown number siya. Isa siguro sa mga magsasabing nanalo ako ng 500,000 nakakaloka bagong pakulo ba ti ng mga nagiiscam?
Bahala ka diyan di ko sasagutin ang tawag mo.
Binaba ko ang telepono at bababa na sana ako para titingin ng pwedeng kainin ng tumunog ulit ang phone ko.Sino ba to?
[Ring... Ring... Ring]
Baka naman importante. Hayts baka pinsan ko lang yan. Ano naman kaya sasabihin niya?
Patuloy parin ang pagtunog nito.
Okay fine. Sasagutin ko na."Hello?? " saad ko
"Nasan ka?"
Tanong ng pamilyar na boses sa kabilang linya.😲😲😳😳
"Mommy?"...
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
RomanceKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...