***
Wala ng atrasan to Jessica...
Humarap ako sa salamin at pinagaralan ang aking imahe, nakasuot ng puting wedding gown. Hawak hawak ang malaking bouquet ng bulaklak. Konting oras nalang magbabago na ang buhay ko. Nagpaalam ba ako kay Peter? Magiging masaya ba siya sa desisyon ko? Iiyak ba siya? Ayokong umiyak , ayoko siyang masaktan pero wala akong magagawa.
Narinig kong may pumihit sa seradura, napatingin ako sa taong pumasok sa kwarto. Si Amie, isa sa kasambahay namin. Tinatawag na daw ako para sa picture taking. Hinihintay na rin ako ng mga bridesmaid ko.
Lumabas na ako ng kwarto at sumunod kay Amie.
Pagkababa ko nasa salas ang lahat at inaantay akong lumabas sa kwarto. Napatingin sila sa gawi ko at ngumiti.
"O nandiyan na pala ang maganda nating bride." Ngumiti ako kay Mary . Si Mary ay anak ng isa sa stockholder ng company namin. Si Mommy ang namili sa mga bridesmaid ko, pinsan ko ang maid-of-honor ko.
Hindi ko alam pero parang may mali. Masaya ang lahat pero bakit ako wala akong maramamdan. Malungkot ba ako?
"Nasan po si Mommy?" Tanong ko kay Amie
"Wala po sila Miss, kakaalis lang po nila papuntang Singapore." Paliwanag nito saakin
"Ngayon ang kasal ko?" Napaupo ako. Mas inuna nila ang business nila kaysa sa araw ng kasal ko. Ganun na ba akong walang kwenta sakanila?
Hindi ako makapaniwala na magagawa ng mga magulang ko sakin to. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Narinig ko ang mga bridesmaid ko na tumatawa. Nagbubulungan sabay tingin sakin.
Tumakbo ako pabalik sa kwarto, iniwan ko sila sa sala. Ayaw ko na. Grabe , nakakagalit . Bakit ganun sila. Hindi ko mapigilan wag umiyak. Napansin kong naka slippers lang ako. Asan yung shoes ko? Hinanap ko ito, hindi ko maintindihan nagiging malabo ang lahat. May kumakatok sa pinto . Sinusubukan kong magtunga upang pag buksan pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Anong nangyayari? Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Peter.
"Peter, kunin mo ako dito. Ayaw ko dito. Please lang" Sabi ko habang umiiyak. Narinig kong tumatawa siya sa kabilang linya. Fok prank ba to? Bakit ang weird ng mga tao?
Lumabas ako sa kwarto at wala ng tao sa sala.
Pababa ako sa hagdan at nagsisimula na naman lumabo ang lahat. Aalis ako dito, tatakas ako. Tumakbo ako sa may Main door sa bahay, pero nakalock. Pinipilit kong buksan ang pinto, nakita ko si Amie at iba pang mga kasambahay na papalapit sakin. Malabo pa rin ang paligid. May hawak silang kutsilyo. Nakangisi sila at papalapit sakin. "Mommy! Daddy! " Sigaw ko
Natawa sila..
"Wala sila , iniwan ka na nila. Hindi ka naging mabuting anak sakanila kaya ka iniwan. Hindi ka na importante sakanila."
"Fok, alam ko hindi ako importante sakanila pero hindi naman nila mamatay ako no, pag nalaman nila to sinasabi ko sainyo magsisisi kayo. " Banta ko sakanila, hindi sila natinag. Tumawa lang sila ng bahagya at nagsimulang maglakad palapit sakin.
Hindi na to nakakatuwa!
"Lumayo kayo sakin!!" Sigaw ko. Hinawakan nila ang kamay ko at nagpupumiglas ako. Pilit na inaalis ang kamay nila.
"Lumayo kayo sakin!"
"Jessica!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko.
Peter? Si Peter yun pero di ko siya makita.
"Jessica!! Gumising ka!" Sigaw niya at hinawakan ang kamay ko.
"Huh?"
"Gising Jessica!!!" Inalog alog niya ako.
"Ahhhhh!!!!" Napasigaw ako.
***
Panaginip ang lahat ng yon? So hindi ako ikakasal?
"Nightmares lol" Sabi niya sabay tawa.
"Nasa bahay niyo pa rin ako?" Tanong ko
Sabay nilibot ang mga mata.
"Malamang san ka ba pupunta?"
Napaiyak ako sabay yakap sakanya. "Akala ko totoo na! Salamat ginising mo ako"
"Hush! Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ka."
BINABASA MO ANG
Chasing Jessica [On Hold]
RomanceKwento na kung saan si Jessica De Grande na anak ng isang sikat at kilalang business tycoon ng pilipinas. Nagmamay-ari ng di mabilang-bilang na ari-arian ay piniling tumakas at iwan ang kayamanan para lang mahanap ang "one true love". Kasama ang bes...