Chapter 4

94 10 15
                                    

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nagtungo na ako sa music room nila Riox. Nasa ikalawang palapag ito at isa sa pinaka malaking kwarto rito sa kanilang bahay. Nang nasa tapat na ako ng malaking double door ay bigla itong bumukas at iniluwa doon si Riox.

His blue eyes were the first ones that I noticed. Hindi ko alam kung sa dagat o kalangitan ko ito ihahalintulad. But all I know, tranquility is living within his eyes. Parang dinadala ka sa payapang lugar...

"Akala ko nilamon ka na ng inidoro." Natawa ito.

Matagal rin kasi ako sa bathroom kung saan ako nagpalit ng damit. Now I'm in my denim shorts and white loose shirt with F*ck Gifted printed on it. This was Vengiel's shirt pero nagustuhan ko ito noong nagkalkal ako sa kanyang closet. I think it's a merch from The Gifted Series that his little sister bought online. May ganito rin yata si Heath na shirt sa pagkakaalam ko.

"Sira." I pouted. "Where's Venge?"

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Mas dumami na ngayon ang posters galing sa iba't ibang banda pero pinaka marami pa rin ang Coldplay. May iilang posters rin ang The Walters, Radiohead at iba pang mga banda na hindi pamilyar sa'kin. Most of them are indie, rock band, underrated and old. While I listen to Chase Atlantic, Cigarettes after sex and to some popular kpop group kaya hindi ko talaga masyadong kilala ang mga ito.

"Kumuha lang ng mufflers sa stock room."Tinuro ni Riox ang labas. I nodded.

Umupo ako sa couch na nasa gitna nitong music room kung saan ako madalas pumwesto. Pinagmasdan ko ang tatlo na nag-aayos sa kagamitan.

Heath is busy checking the amplifier of his bass guitar. Bigla niyang kinalabit ang strings at pinadulas ang kamay sa may fret nito na lumikha ng pagkalakas na tunog.

Pinagmumura tuloy siya ni Danver na abala kanina sa pag-aayos ng mic. Nasa tabi lang kasi nito ang speaker kaya windang na windang. Umakma pa itong ipupokpok ang mic sa ulo ni Heath na tinawanan lang ng huli.

Napangiti ako sa kakulitan nila. Hindi talaga nagbabago.

Sunod kong namataan ang malaking salita na nakapinta sa pader. GENESIS.

They named their band GENESIS because, since the very beginning, they already knew each other. Kumbaga, baby pa lang ay sila na ang magkakasama. That's what I know. I'm just not sure if there's a deeper meaning. Pero ang alam ko ay wala talaga.

Baka nga meron pero hindi lang ako aware dahil baka korni sa pandinig kaya ayaw ipaalam.

Napatingin ako kay Riox nang bigla itong umupo sa tabi ko. He left a space between us, though. Hawak nito ang kanyang guitara sa kanyang kandungan dahil naka dekwatro siya ngayon.

"What do you want us to sing?" Nagsalita siya habang ina-apina ang guitara para umayos ang tuno nito.

"Why are you asking me?" Kumunot ang noo ko.

"Audience ka namin ngayon, Miss Bianca." He smirked. Napangiti ako.

Riox and I have the same birth month. Ang kambal kasi at si Danver ay mas matanda sa amin ng ilang buwan. Noong bata nga ako, akala ko ay siya ang magiging best friend ko sa kanilang apat. He's the funniest and softest.

Bigla na lang ako napunta kay Vengiel.

Siguro mas madaling umamin sa nararamdaman ko kung hindi si Venge ang best friend ko. Siguro hindi ako naglilihim ngayon. Hindi siguro ako nasasakal sa nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano ko ito ilalabas. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.

"Hey, are you okay?" Nagulat ako nang biglang lumapit si Riox sa tabi ko.

"You're crying..." Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo ito sa harap ko at ini-angat ang dulo ng kanyang damit para punasan ang mga luha ko. Nakita ko tuloy ang abs niya!

His Hand Over MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon