I unsent it all.
I don't care if he already saw my pictures, I need to regain my dignity!
Hindi na ako nagpalit pa ng damit. I just grabbed a black shorts dahil see-through ang ibabang parte ng swim dress na suot ko. Kinuha ko na rin ang instax mini evo ko at isinabit ang strap nito sa aking balikat.
Sa paglabas ko, nabungaran ko si Venge na nakasandal ang likod sa railings. He's staring deeply at his shoes, his right hand inside his pocket, and the other effortlessly spinning his phone. Tumikhim ako.
Mula sa kanyang sapatos, umangat ang kanyang tingin at doon ko nakasalubong ang madilim niyang ekspresyon. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula sa aking ulo hanggang sa paa.
I noticed how his eyes lingered at my bust part. Hindi ko maiwasang mamula dahil doon.
Shit. Naalala ko na naman ang kagagahan ko kanina.
I don't think there's something wrong with it. Baka nga lagi pa siyang sinesend'an ng ganun na mirror pictures ng mga babae niya.
Wait. Hindi nga pala ako kasama sa listahan na 'yon.
"Let's go?" I tried to be as enthusiastic as possible. Hindi niya dapat mapansin na kabado ako!
"That's the most decent one?" Umangat kilay niya at muli na naman akong pinasadahan ng tingin.
Nahigit ko ang hininga ko sa intensidad na ibininigay ng kanyang tingin.
"Is it bad on me?" Hindi ko maiwasang mag-alinlangan.
I'm confident with my own skin pero dahil sa sobrang paninitig niya ngayon, pakiramdam ko hinihigop niya lahat ng confidence ko sa katawan at walang balak na itira kahit isa!
Nasaan ngayon ang tapang mo, Bianca?
Tumikhim siya. "You're breathtakingly beautiful in it, Bianca."
"Pero mapapaaway yata ako dahil diyan sa suot mo."
Natawa siya pero kita ko ang pagiging seryoso sa mga mata niya.
I tried to conceal my smirk from coming out.
"Ayaw mo nun? Baka may magtangkang pumorma sa'kin mamaya." I flashed him my smile to tease him.
"I would love to see someone try. Ewan ko lang kung mailagan niya ang suntok ko."
He smirked and shook his fist like he was getting ready to punch someone.
Sumimangot naman ako.
"Paano ako magkakaroon ng boyfriend kung palagi kang ganyan? Anong gusto mo, ikaw lang ang nakakalamang? Ikaw lang ang masaya?" Umirap ako at nilampasan siya.
There wouldn't be any minute of us not bickering, huh? Akala mo naman may something.
I froze when I felt his arms snaking around my waist and suddenly pulled me back to him.
"Tingin mo masaya ako ngayong galit ka na naman?" Napapikit ako sa sobrang lamig ng boses niya.
What's with him the past few days? He's getting weird!
An idea knocked against my brain pero natatakot akong pangalanan dahil baka... mali ang iniisip ko.
Tangina, the last thing that I want to be right now is to become a presumptuous bitch.
I will never assume unless otherwise stated.
I've known Vengiel since we were kids kaya kabisado ko na siya. Sa haba ng panahon ng pagkakaibigan namin, alam ko kung gaano siya kalapit at maalaga sa'kin. He's always caring and protective towards me. Sobrang clingy at sweet niya rin madalas kaya lagi kaming napagkakamalan.