Chapter 2
Iniangat ko ang tingin sa bagong paligong pinsan ni Yela. May tumutulo pang tubig mula sa buhok nito. Napatikhim ako. Tila nagmaterialize sa harapan ko ang pantasya sa idol na kamukha niya.
Kimi akong ngumiti. "Hindi naman po, kuya. I'm not that kind," sabi ko.
"You know your words and actions contradict," anito at mahinang tumawa. Lumapit siya at siya na ang nag-ayos ng mga pinamili nila.
Pinagmasdan ko ang likod niya habang inilalagay niya sa cupboard ang canned goods. He is tall. 6 feet probably. Well, let me just ask him.
"What's your height, kuya?"
Mangha siyang lumingon. "That's out of the blue," he chuckled. "It is 6'2."
"Wow," bulalas ko. "That's how tall Nam Joo-hyuk is."
"Let me guess. Some korean actor, right?" aniya.
Natawa ako at tumango. "Sorry for asking po."
"Okay lang. At least, you're loosening up to me. It means I don't make you uncomfortable anymore."
Ngiti na lang ang isinagot ko since hindi ko alam ang isasagot doon. Iniayos ko ang ingredients para sa pork sinigang at nagsimula ng maghiwa. Mabuti na lang na nakalabas ang mga gamit.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay sunod siyang nagsaing. Nagsuot siya ng apron at pumunta sa tapat ng lababo. He is going to descale the tilapia next, I presumed. And I was right, he did.
"You know, Dana..." anito. "Po?" baling ko sa kaniya.
"I don't mind you calling me by my name. Hindi naman tayo magkaano-ano. No need to use honorifics."
It took a while for his words to sink in. 'Bakit naman hindi?' Parang ang bastos ko naman kung hindi ko siya kukuyahin. He's older than me and he is also my friend's cousin. I found it absurd. Pero to think of it, I don't even use honorifics to the korean actors and idols I like. If that what he wants then I'll just give it to him. Anyway, the probability of running into each other after tonight's sleepover is very low.
"Am I pressuring you, Dana?"
Iniangat ko ang tingin sa kanya. There's a trace of guilt on his face.
Ngumiti ako. "Hindi," sabi ko at itinuloy ang ginagawa. "Papangunahan na kita. Ganito ako magsalita without honorifics. I might sound disrespectful."
Nakita ko ang pagngiti niya. "I don't mind. I like it better now," aniya at itinuloy na rin ang ginagawa.
Napaiwas ako ng tingin. 'Is he flirting with me?' Napangiwi ako sa naisip. 'Ang lakas ng loob mong mag-assume, Dana Rivera.' Tinapos ko na lang ang pagpeprepare ng ingredients.
Kinuha ko ang karne sa lababo. Malambot na. Tapos na rin siya sa ginagawa at magpi-prito na yata. Pero I want to do that instead. I want to fry. I miss frying.
"Uhm," I don't know what to call him now. At least kanina pwede ko pa siyang tawaging kuya. Ngayon, hindi ko na alam. Ang awkward kasi. I don't want to call him by his name. Hindi kami close. "Pwedeng ikaw na lang ang maghiwa? Ako na ang magpi-prito," sabi ko.
Walang paga-alinlangan siyang tumango. "Okay," aniya at inabot ang hawak kong karne. "Cubes ba?"
Tumango ako. "Medium size," sabi ko. "What size?" balik nito.
Mahina akong napatawa. "1 by 1 by 2, width to height to length ratio. In inches."
"Okay," anito at nagsimula ng maghiwa. He was so serious. Pinanood ko ang ekspresyon niya. Bigla siyang lumingon at pinakawalan ang pinigil na tawa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/239896927-288-k290723.jpg)
BINABASA MO ANG
Gone Forever (1/4)
RomanceNagmahal. Nasaktan. At nakulong sa ala-ala ng nakaraan. Sa paglipas ng panahon ay patuloy pa ring minumulto ng kahapon si Dana Rivera. Minumulto ng unang pag-ibig ng kaniyang batang puso. Kinulong niya ang sarili sa kalungkutan sa paglipas ng mga ta...