Prologue

22 5 1
                                    

Prologue

Katatapos lang ng program at paalis na ang crush ko kasama ang pamilya niya. Walong buwan akong naghintay para maibigay lang ang regalo ko sa kaniya pero sasablay pa yata. Aligaga na ako. Hindi ako makapagdesisyon kung lalapitan ko ba siya o kung hindi na tutuloy.

"Nasa loob pa ang kuya niya, Dana."

Bigla akong nabuhayan ng sabihin iyon ni ate. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan ang kuya niya at iabot ang regalo ko para sa kapatid niya.

"Kuya, pwedeng pakibigay nito kay Kelvin?" Lakas-loob kong sabi.

"Sige," anito kahit tila gulat pa sa biglaan kong paglapit.

Agad kong inaya sina ate para umalis na pero ayaw nilang gumalaw. Ang lakas na ng tibok ng puso ko at nanlalamig na ang mga kamay. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-isa na lang umuwi. Mabilis akong tumakbo palayo.

Halos kapusin ako ng hininga pagkatapos tumigil sa harapan ng tindahan papasok sa amin. Napa-upo ako sa pagod. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Mabilis ang tibok nito dahil sa pagtatapat ng nararamdaman. Hindi ko mapigilan ang ngiti hanggang sa pagtulog ko.

Tatlong araw bago ako nakatanggap ng mensahe galing kay Kelvin Miranda. Hindi matawaran ang tuwa ko dahil sa unang pagkakataon na sinubukan kong magtapat ay nakatanggap ako ng sagot. Pero hindi nga lang malinaw kung ano ang nais niyang i-offer.

Pero hindi muna ako masyadong nag-isip. I just enjoyed the moments I was talking to him. Kahit hanggang sa text lang muna nag-uusap. Okay na ako roon. Hindi naman ako nagmamadali.

I always made sure to take a glimpse at him every time I was given a chance. It was enough to make me happy for days. However, the relationship between us remained blurry. Gusto ko siya. Sa tingin ko mahal ko na nga siya. Pero hindi ko alam kung anong ipapangalan sa nararamdaman niya sa akin. O kung meron nga ba kahit pagkakaibigan lang.

Sinabi ko naman sa sulat noon na hindi ako umaasang ibabalik niya ang nararamdam ko. Pero sino nga ba ang niloko ko? Habang patagal ng patagal ang aming pag-uusap, mas lalo akong nahulog sa kaniya.

By that time I thought our relationship is finally progressing, I found out that he likes someone else.

I felt betrayed. It hurts so bad that I had to leave the place so I won't be seeing him. Pero marupok ako. Dalawang araw lang ang dumaan, napatawad ko na agad siya at muling tinanggap sa buhay ko. I was a fool. Pero ganoon siguro talaga kung gusto mo o mahal mo. Kung pagmamahal na ba nga iyong tawagin.

Naayos ang relasyon naming hindi mapangalanan. Nag-upgrade na rin sa tawag ang pag-uusap namin. Huling taon sa Junior Highschool, I thought our relationship was getting better that even the girls around him assumed that we were already together. I even started receiving hate from the girls who also like him.

But truth began to unveil one by one.

"May girlfriend na siya," sabi ni ate. "Yata, sabi ni Mrs. Fortuna. Former student niya si Kelvin at nakikita niyang sweet sila sa isa't isa ng kaklase niya. Palagi raw silang magkasama."

Muli na namang nadurog ang puso ko dahil doon. Ilang beses na ba akong nalugmok sa sakit na idinulot ng pagmamahal ko sa kaniya?

I got so drained, I decided to stop talking to him. After all, it's been weeks since the last time he messaged me.

Pero bago mag-graduation, nakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya. Nangangamusta. Matagal bago ako nagreply. Pero hindi na gaya sa dati ang pagbuo ko ng mensahe. Masyado ng maingat para hindi lagyan ng ibang kahulugan. Galing iyong mensahe sa akin bilang tao, hindi galing kay Dana na may gusto sa kaniya.

He tried reaching out once again and I got his hand. Sa huling pagkakataon ay hahawakan ko ang kamay niya. I got his hand so that I can tell that I'm the one who let go. Ako naman ang unang nag-abot ng kamay kaya ako rin dapat ang bibitaw. Ang bibitaw sa relasyong kailanman ay hindi napangalan. Bumitaw ako bilang respeto sa babaeng gusto niya. Bumitaw ako bilang respeto sa sarili ko.

Matapos ang huling pag-uusap namin ay hindi ko na siya kinausap pa kahit kailan. Pero halos gabi-gabi akong umiiyak, tahimik at patago. Sa tuwing nakikita ko ang larawan niya ay kumikirot ang puso ko. Sa tuwing naaalala ko ang mga oras na kasama ko siya, naninikip ang dibdib ko.

Lumipas ang ilang taon bago ako tuluyang nakabangon. Ayoko ng maranasan pa ang sakit na iyon. Ayoko ng pumasok sa isang relasyong hindi sigurado ang patutunguhan. Ayoko nang magmahal ng isang taong hindi naman ako mahal. Hindi na ako magmamahal kailanman.

Gone Forever (1/4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon