Chapter 4

12 4 5
                                    

Chapter 4

Alas tres ng hapon ng makarating ako sa coffee shop. May nakita akong kulay puting sasakyan sa parking lot ng shop. Hindi ko alam kung kaparehas lang na unit iyon ng sasakyan niya o kung nagha-hallucinate lang ako.

"Welcome back, Dana," salubong ni Ate Jana. "Kumusta ang exams?"

"Okay lang, ate," sabi ko. "Palit lang ako."

Dumiretso ako sa locker room at nagpalit ng damit. Agad din akong lumabas at pumunta sa counter para samahan si Ate Jana roon. Inasikaso ko ang mga hugasin habang kumukuha ng order si Ate Jana.

"Dana, ikaw muna dito sa counter. Check ko lang iyong delivery," aniya bago siya nawala.

Inayos ko ang mga hinugasan bago pumwesto sa harapan. Tinawag ko ang kasamang part-timer para linisan ang mesang iniwan ng customer. Dahil wala pa namang nago-order ay pinanood ko na lang ang kasama habang naglilinis. Napabaling ako ng tingin sa malayong sulok ng shop ng makita ang pamilyar na damit. I squinted my eyes to get a better look at the person who's currently busy on his laptop.

It's him. It's Miko. I thought I'm not going to see him again but I just did. Wala pang isang araw.

"Sinong tinitingnan mo riyan?"

I was taken aback when Ate Jana returned. Umayos ako ng tayo at kinuha ang kahon na hawak niya.

"Ate, gaano na katagal iyong customer sa sulok? May ni-meet ba siya?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ah siya? Wala. Kanina pa siyang 1 PM dito. Regular customer natin 'yan."

Did he lie about meeting a client? Or he just came here after meeting that client in another place? Tama ba ang rinig ko? He's our regular customer? How come I've never seen him before?

"Hindi mo namumukhaan? Ikaw pa nga ang kumuha ng order niya last time."

Umiling ako. Hindi ko maalala. Siguro dahil hindi naman ako naka-assign sa counter talaga. Hindi rin ako nag-aangat ng tingin, madalas hanggang baba lang.

"Bet mo? Gwapo 'no?" aniya at binigyan ako ng nakakalokong tingin.

Kimi na lang akong napatawa. "Iyang ganyang mukha, ate, they're unreachable," sabi ko.

"Anong unreachable ka riyan. Hindi naman lahat ng tao sa mukha bumabase. Kung iyan ang concern mo, Dana, have some self-confidence. Maganda ka naman ah."

"Pero..."

"Ikaw yata kasi itong tumitingin sa mukha eh," aniya sa nakakunot na noo. "Ah, sorry. Hindi nga pala iyon ang kaso sa'yo. Hindi mo nga pinapansin iyong palaging naghahanap sa'yo rito sa shop. Gwapo rin iyon, eh," dagdag niya. Humalukipkip siya at seryoso akong tiningnan. "Basta, huwag ka kasing masyadong mag-isip. Be more positive." Tinapik niya ang braso ko. "Try mong buksan ang puso mo."

Ngiti na lang ang tanging naisagot ko sa kaniya. Si Ate Jana na ang umasikaso sa kadarating na customer habang nagrefill naman ako ng cups and straws.

Muli akong napatingin sa banda niya. Ilang beses ko na ring sinubukang buksan ang puso ko pero palaging sablay. Palagi kong hinahanap ang pakiramdam na sa kaniya ko lang naranasan. However, it may not be the case. It's probably because I wasn't able to meet someone whose effort reached mine as how I made efforts to the person I liked in the past.

'Dana, why are you still hung up with the past? Tama na.'

Napatikhim ako ng mapalingon siya sa banda ko. He smiled and waved his hand. Ngumiti ako pabalik. Pero ngiwi yata ang kinalabasan.

'Teka, alam niya bang nagtatrabaho ako rito?' Sabi ni Ate Jana ay regular siya at ako pa ang kumuha ng order niya last time. Does it mean he already know who am I? Not that kind of know, pero kilala niya ako as a part-timer dito? 'Ano naman ngayon kung oo?' Why are you thinking too much, Dana? 'Stop it. Huwag kang mag-assume.'

Gone Forever (1/4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon