Chapter 6
Malayo pa lang ay nakita ko ng kumakaway sa entrance ng building si Ate Bless kasama ang isang babae na may bitbit na bata. Awtomatiko akong napangiti. Tinakbo ko ang espasyo sa pagitan namin at tumigil sa harapan nila.
"Ate," banggit ko.
"Si Lizel nga pala," aniya.
"Hi, Dana," ani ng kaibigan ni ate.
"Hello po," sabi ko. Bumaling ako kay Ate Bless. "Hanggang anong oras po ang assessment ninyo?"
"Buong hapon, eh. May gagawin ka ba?"
Umiling ako. "Akin na si baby, ate," ani ko at ngumiti sa nanay ng bata. Maingat kong kinuha ang bata sa kaniya at ang bag nito.
"Maraming salamat, Dana," ani Ate Lizel.
"No problem po," sabi ko. "Tawagan ninyo na lang po ako kung kukunin n'yo na si baby."
"Tatawagan kita, Dana," ani Ate Bless bago sila umalis.
"Baby..." I nuzzled the cheek of the baby. She giggled cutely and reached for my hand. Napangiti ako ng malawak. She's making my day. I adjusted my arms around her before we left the building.
I should go home. Mas komportable roon para sa bata. Binilisan ko ang lakad dahil masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw. Mabuti na lang at may suot na jacket si baby.
Palabas na ako ng campus ng marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako at nakita si Dean. Tumakbo siya palapit at binuksan ang payong na dala. Isinilong niya kami roon.
"Hatid ko na kayo," anito. "Ang taas ng tirik ng araw. Masama para sa'yo, lalo na sa bata."
Doon ko lang naalala, bawal pala ang bata sa dorm. "May tao pa ba sa room?"
"Wala na."
"Pero bukas pa?"
Tumango siya. "Bakit?"
"Pwede ba kaming mag-stay doon? Bawal kasi ang bata sa dorm," sabi ko.
"Pwede siguro," anito. "So, sa room na?"
"Doon na lang."
"Akin na iyang dala mong bag," ani Dean at kinuha ang nakasukbit na bag sa balikat ko, pati na rin ang backpack ko. "Tara?"
Tumango ako. Inayos ko ang pagkakahawak kay baby at nagsimulang maglakad.
"Salamat ha," sabi ko. "Wala ka bang ibang dapat asikasuhin?"
Umiling ito. "Walang ibang mas dapat asikasuhin kung hindi ito," anito at ngumiti.
Naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinansin. Napalingon ako sa mga babaeng nagbubulung-bulungan sa gilid. We are certainly their topic. I saw some sour expressions but some seemed to like the view. Nakapinta ang kilig sa kanilang mga mukha. Maybe they were thinking that Dean and I are lovers and the baby I'm carrying is our child.
Iniwas ko ang tingin at pumanhik na lang sa room namin. I played with the baby for quite some time and fed her before she drifted to sleep. Dean stayed with us. He also took turns to carry the baby. I was surprised he knew what to do.
"I have a fifteen years younger brother. I babysat him whenever I can. That's why," aniya ng tanungin ko siya kung bakit siya marunong.
"How about you?"
"Same reason," sabi ko. "By the way, what are your thoughts about marriage, building a family, and having a child?"
It was out of nowhere but maybe the presence of the baby made me bring up the topic. Iniangat niya ang tingin mula sa kaharap na laptop.
BINABASA MO ANG
Gone Forever (1/4)
RomansaNagmahal. Nasaktan. At nakulong sa ala-ala ng nakaraan. Sa paglipas ng panahon ay patuloy pa ring minumulto ng kahapon si Dana Rivera. Minumulto ng unang pag-ibig ng kaniyang batang puso. Kinulong niya ang sarili sa kalungkutan sa paglipas ng mga ta...