Chapter 1

19 4 0
                                    

Chapter 1

Napabuga ako ng hangin pagkatapos ipasa sa proctor ang aking exam paper.

"Mahirap ba ang exam na ibinigay ni Prof. Santos, Miss Rivera at ng ganyan na lang ang reaksyon mo?"

Kimi akong napatawa at umiling. "Nabigla lang, sir. May mga ibinigay kasi siya sa exam na hindi niya naman nadiscuss. Mabuti na lang nag-advance reading ako."

Tumango siya at ngumiti. "As expected from our top student."

"Baka marinig po kayo ni Dean. Nakakahiya sa kaniya," bulong ko. "Siya po ang top student ng College of Engineering sa batch namin at wala ng iba pa."

"Ikaw naman, Miss Rivera. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? You're on the same level with Mr. Pablo. It is just that he's more active in extracurricular activities and you kept a low-profile instead."

Ngumiti ako. "Okay po sir. Thank you for thinking highly of me."

"You deserve the recognition," aniya at tinapik ako sa balikat.

Tumango ako. "Sige po, una na ako."

Napailing na lang ako pagkalabas sa room. That was Engr. Sanchez, the young instructor and our proctor for today. He was my instructor when I was a freshman. He's been friendly since then, not only to me but to all of students under him. And that kind gesture from before just shows how good a person he is. Walang namamagitan sa amin. He's already got a nice, pretty girlfriend to add of.

"Dana! Wait!" It came from a familiar voice. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa pangalan ko. I was correct. Humarap ako at hinintay siyang makalapit.

"Oh, Dean. Bakit?"

"Hindi ka ba talaga pwede bukas? Hindi kasi makakapunta iyong isang member namin sa seminar."

Nanatili ang tingin ko sa kanyang salamin. I'm definitely not on the same level as him because we're living different lives and came from different beds. I had suffered from backaches but it seemed like he never experienced that thing.

Umiling ako. "Alam mo naman na hindi talaga ako sumasama sa mga ganyang activities. And besides, I'm not even a member of your club. Both way says no. Sorry."

Dumaan ang lungkot sa kanyang mukha. I felt a bit of guilt but that won't change my decision.

"Ask Erica, available yata siya," ani ko at tinapik siya sa balikat. "Pasensya na talaga."

Iniwan ko na siya ng makita ang kaibigang si Aryela sa baba ng hagdan.

"Finally! Tapos na ang exams. It is celebration time!" Masayang sambit ni Aryela at pinagsikop ang mga palad. May mga bakas pa ng pintura sa kamay niya.

Napangiti ako. "Himalang mas maaga yata kayong natapos sa CAS."

"Mabilis ko lang natapos iyong work ko."

Tumango ako. "Iyong mga gamit mo pala? Nakaempake ka na?"

"Of course, baby! I was super excited for our sleepover that pinasundo ko na kay kuya iyong other things ko kahapon. My luggage na lang."

"Mabuti naman kung ganoon. Saan na tayo?"

"Kuya's outside na. Daanan na lang natin iyong luggage ko sa dorm tapos we'll go na sa condo ni kuya. How about you pala? Do you have your clothes with you na?"

"Yes, I have it with me na," sabi ko, ginaya ang paraan niya ng pananalita.

"Dada naman eh! Stop imitating me. You know, I can't help it. It is just the way I speak," aniya ng nakanguso.

Gone Forever (1/4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon